Wednesday, June 26, 2013

#22. Malayo, malayong malayo.


Hindi ko alam paano ako magsisimula pero ganito na lang. Mahirap ba talaga ang LONG DISTANCE RELATIONSHIP? -__- Yung tipong habang gabi sa inyo, umaga naman sa kanila. Kapag natutulog ka, siya gising. Kapag ikaw naman yung gising, siya naman yung tulog. Yung tipong kakain ka ng dinner siya kakain pa lang ng breakfast. Kapag siya kumakain ng breakfast, ikaw naman matutulog. Yung kahit na alam mo na baka matatagalan pa bago kayo magkita, alam mo sa sarili mo na posible pero baka hindi. At ang malala pa dun, alam mo sa sarili mo na mahal mo siya, pero baka siya hindi ka niya mahal. Pero ano ba ito? paano ba ito?

Blogger's POV:

LONG DISTANCE RELATIONSHIP
-dalawang taong nagmamahalan na kapwa magkalayo ang lugar. (simple)

Para sa akin, oo mahirap ang long distance relationship. Kasi oo nga, mahal niyo nga ang isa't isa pero may kulang. Laging may kulang. Mahirap kasi hindi mo alam yung ginagawa niya. Hindi mo alam kung nagsasabi siya ng totoo, kung nasaan talaga siya. Hindi naman kasi sa lahat ng lugar my wifi, may internert access, pero bakit ganun? Ang daming kumakagat sa relasyong ganito? Syempre, mahal niyo ang isa't isa, hangga't maaari, gusto niyo lagi kayong magkausap, lagi niyo nakikita yung mukha ng isa't isa. Oo, malayo, malayo pero lagi niyong sinasabi "KAYA NAMIN ITO".

Marami nagsasabi, mahirap daw ang LDR pero ano bang mas mahirap? Yung pinipigilan mo yung nararamdaman mo? o yung LDR? Mas mahirap yung una. Kasi sabi ko nga, ang pag-ibig parang tae, kapag pinipigilan mo masakit, mahirap, medyo komplikado, pero kapag nailabas mo yang nararamdaman mo, para kang free as bird, masarap, masaya. Mahirap kasi yung malayo na nga, mahirap pa sa communication tapos medyo imposible kayong magkita. Pero ano bang magagawa mo? Kung nahulog ka sa taong nasa kabila ng iyong mundo? Paano?

Ang masasabi ko na lang, oo pwede mong sabihin na nagtitiwala ka sa kanya pero sa puso mo at isipan meron kang pagaalinlangan. Yun nga lang na kasama mo lagi nagdududa ka, paano pa kaya yung nasa malayo diba? Well, as a positive thinker, kung ramdam niyo talaga ang isa't isa, magtiwala, magtiis at maging loyal ka. Iwasan niyo yung malaking away saka wag kayong magfocus sa isa't isa kasi marami pang importanteng bagay ang mas importante kaysa sa PAG-IBIG. Para sa mga baliktad mag-isip, negatibo kumbaga, WAG KA NALANG MAG-ASSUME. Kasi kapag nag-assume ka tapos wala naman pala, umasa ka lang, sa huli, MASASAKTAN ka. Huwag mo ibigay ang lahat, tandaan mo, mahirap magtiwala sa mga taong ni hindi mo nakita sa tanan ng buhay mo. Pero ang magandang gawin mo, magdasal ka. Humingi ka ng guidance sa Panginoon. Para saan pa ang pagdarasal diba? 


Blogger's last words (bwahahahhaha):

Kung kayo talaga para sa isa't isa, lumipas man ang maraming taon, nasa kabilang planeta ka man o magkaiba man ang oras niyo, kung kayo talaga, KAYO TALAGA.


(c) KATRIN JOY A. CIELO
https://www.facebook.com/kjcielo
Follow me on Twitter: https://twitter.com/iamkjoycielo
and on
 Tumblr: http://youngkaje.tumblr.com/
email me @: katrella_09@yahoo.com
09263809921











No comments:

Post a Comment