Wednesday, June 26, 2013

#22. Malayo, malayong malayo.


Hindi ko alam paano ako magsisimula pero ganito na lang. Mahirap ba talaga ang LONG DISTANCE RELATIONSHIP? -__- Yung tipong habang gabi sa inyo, umaga naman sa kanila. Kapag natutulog ka, siya gising. Kapag ikaw naman yung gising, siya naman yung tulog. Yung tipong kakain ka ng dinner siya kakain pa lang ng breakfast. Kapag siya kumakain ng breakfast, ikaw naman matutulog. Yung kahit na alam mo na baka matatagalan pa bago kayo magkita, alam mo sa sarili mo na posible pero baka hindi. At ang malala pa dun, alam mo sa sarili mo na mahal mo siya, pero baka siya hindi ka niya mahal. Pero ano ba ito? paano ba ito?

Blogger's POV:

LONG DISTANCE RELATIONSHIP
-dalawang taong nagmamahalan na kapwa magkalayo ang lugar. (simple)

Para sa akin, oo mahirap ang long distance relationship. Kasi oo nga, mahal niyo nga ang isa't isa pero may kulang. Laging may kulang. Mahirap kasi hindi mo alam yung ginagawa niya. Hindi mo alam kung nagsasabi siya ng totoo, kung nasaan talaga siya. Hindi naman kasi sa lahat ng lugar my wifi, may internert access, pero bakit ganun? Ang daming kumakagat sa relasyong ganito? Syempre, mahal niyo ang isa't isa, hangga't maaari, gusto niyo lagi kayong magkausap, lagi niyo nakikita yung mukha ng isa't isa. Oo, malayo, malayo pero lagi niyong sinasabi "KAYA NAMIN ITO".

Marami nagsasabi, mahirap daw ang LDR pero ano bang mas mahirap? Yung pinipigilan mo yung nararamdaman mo? o yung LDR? Mas mahirap yung una. Kasi sabi ko nga, ang pag-ibig parang tae, kapag pinipigilan mo masakit, mahirap, medyo komplikado, pero kapag nailabas mo yang nararamdaman mo, para kang free as bird, masarap, masaya. Mahirap kasi yung malayo na nga, mahirap pa sa communication tapos medyo imposible kayong magkita. Pero ano bang magagawa mo? Kung nahulog ka sa taong nasa kabila ng iyong mundo? Paano?

Ang masasabi ko na lang, oo pwede mong sabihin na nagtitiwala ka sa kanya pero sa puso mo at isipan meron kang pagaalinlangan. Yun nga lang na kasama mo lagi nagdududa ka, paano pa kaya yung nasa malayo diba? Well, as a positive thinker, kung ramdam niyo talaga ang isa't isa, magtiwala, magtiis at maging loyal ka. Iwasan niyo yung malaking away saka wag kayong magfocus sa isa't isa kasi marami pang importanteng bagay ang mas importante kaysa sa PAG-IBIG. Para sa mga baliktad mag-isip, negatibo kumbaga, WAG KA NALANG MAG-ASSUME. Kasi kapag nag-assume ka tapos wala naman pala, umasa ka lang, sa huli, MASASAKTAN ka. Huwag mo ibigay ang lahat, tandaan mo, mahirap magtiwala sa mga taong ni hindi mo nakita sa tanan ng buhay mo. Pero ang magandang gawin mo, magdasal ka. Humingi ka ng guidance sa Panginoon. Para saan pa ang pagdarasal diba? 


Blogger's last words (bwahahahhaha):

Kung kayo talaga para sa isa't isa, lumipas man ang maraming taon, nasa kabilang planeta ka man o magkaiba man ang oras niyo, kung kayo talaga, KAYO TALAGA.


(c) KATRIN JOY A. CIELO
https://www.facebook.com/kjcielo
Follow me on Twitter: https://twitter.com/iamkjoycielo
and on
 Tumblr: http://youngkaje.tumblr.com/
email me @: katrella_09@yahoo.com
09263809921











Tuesday, June 11, 2013

#21. Medyo Magulo!

Dumating ka na ba sa puntong hindi mo alam kung sawa ka na sa tao o yung tipong ramdam mo  na parang hindi mo pala sya gusto. Yung tipong mapapatanong ka talaga ''Sya ba talaga yung gusto ko o may hinahanap pa ako?'' Well, una sa lahat, kapag pumasok na yang tanong sa isip mo o medyo ramdam mo na parang hindi na nagwoworkout at mawowork out pa, CONGRATS!! Ikaw ay nasa stage ng ''MEDYO MAGULO"!

"MEDYO MAGULO"-ito yung stage kung saan maraming pagaalinlangan, maraming problema, mahirap magdecide, madalas ang iyak, maraming tanong, madalas ang pagkatulala basta MAGULO!


Hindi ko alam pero at some point in our lives esp. couple, nakakaranas ng ganito. Minsan sawa na, wag naman dumating sa puntong nagsasama na lang dahil sa awa. Minsan naman, maraming cravings, maraming gusto na wala sa taong yun. Una, mahirap talaga sagutin yung mga tanong kanina, pero syempre hangga't hindi mo nakikita yung hinahanap mo sa taong yun, hindi ka masasatisfy sa mga sagot na nabubuo sa kung saan mo nabuo yung tanong mo. Minsan kasi hindi mo naman talaga alam sa sarili mo kung ano talaga yung gusto mo, hindi mo alam yung talagang hinahanap mo kasi basta alam mo lang sa sarili mo na may ''KULANG" pa. Hindi naman sa masyadong marami kang request, iilan nalang kasi yung lalaking handang magbago para sa taong mahal niya sa case naman ng gals, kadalasan marami talaga tayo. Hindi mo kasi basta basta pwedeng diktahan ang isang tao lalo na kung makatwiran at marunong sa buhay. Kasi nature na niya yan, hindi mo sya mababago agad. Pero ang maganda dito, at least if hindi kayo ang nagkatuluyan, alam na niya kung ano yung pwedeng maging problema nila nung sumunod sayo na mamahalin niya. Ang totoo kasi niyan ang lahat ng bagay at nangyayari sa mundo may dahilan, kaya kung talagang kayo talaga para sa isa't isa, kayo talaga at hindi pwedeng may epal, kailangan kayo ang bida.

Lahat pwedeng pag-usapan, lahat pwedeng idaan sa matinong usapan. Yung tipong kahit hindi man kayo maging maayos at least hindi na kayo MAGULO. Pag-usapan niyo yung mga bagay na talagang problema niyo bakit naging ganyan, isunod niyo nalang yung mga concerns after. Tapos nun, give chance to each other na magsalita. Hindi yung, SIGAW dito sigaw dun, sabay WALK OUT! Woah! Artista? :) Basta kapag hindi na masaya, mag-usap, irespeto ng isa't isa yung desisyon na mapaguusapan niyo. Para if ever na hindi na kayo magkatuluyan atleast hindi kayo magiging magkaaway pagkatapos. Masaya, masaya ang walang kaaway. Walang hassle, walang iniiwasan, walang burden, walang sakit. 


Kung nararamdaman mo na ang lahat ay parang hindi bumabagsak sa mga plano mo at hindi na nagiging maganda ang mga nangyayari, maaari kang magdasal. Bigyan mo yung sarili mo ng "quiet time" para makipagusap sa Panginoon. Kasi wala ng mas the best pa sa plano ng Panginoon. Kung hindi siya yung ibibigay para sayo, tandaan mo: MAY MAS BETTER pa kasi. Ang pag-aaway? Normal yan eh. Pero ang hindi  normal ay yung may involve na ibang tao. May ginagamit kang iba para i-test yung love situations niyo. Alam mo? Bata ka pa, wag kang masyadong magmadali sa mga bagay na ito, mag-aral ka muna. 


Always remember ''Every story has its happy ending" and kung hindi ka pa masaya, hindi pa yan ang ending. Huwag mo rin ikumpara yung LOVELIFE mo sa LOVELIFE na napapanuod mo sa mga pelikula kasi ang storyang yun ay sulat ng isang MANUNULAT at ang LOVE STORY mo ay gawa ng Diyos. Kaya unahin mo muna yung mga mas importanteng bagay sa mundo kesa yung love na yan, kasi MAGULO eh.


(c) KATRIN JOY CIELOhttps://www.facebook.com/kjcieloFollow me on Twitter:https://twitter.com/iamkjoycieloand on Tumblr:http://youngkaje.tumblr.com/email me @:katrella_09@yahoo.com09263809921


#20. Happy Mama day!


Una, Happy mother's day sa lahat ng ina na makakabasa at di makakabasa nito. I want to dedicate this blog to my mother dearest! :) Loveyou ma!


Ah, nanay, ina, nay, mama, mommy, mom, etc. Paano mo ba mapapasalamatan ng lubos ang nanay mo sa lahat ng ginawa niyang mabuti para sayo? Anyway, isang taon na ang nakalipas nang huli akong magblog about sa mga ilaw ng tahanan. Ngayon, (para maiba naman), itong blog na ito ay pahihintulutan kayong mag-isip kung paano kayo magbibigay pasalamat sa kanila.


Sa katunayan niyan mga readers, hindi kasi talaga nanghihingi ng anumang kapalit ang mga magulang sa lahat ng ginawa niya para sayo. Hindi mo kelangang magbigay ng mga material na bagay para masuklian. Hindi ko naman sinabing bawal kang magbigay ng gift, pero in reality hindi talaga. 


Hindi kasi madali sa mga nanay ang magpalaki ng anak. Actually, ang laki ng responsibility ng isang nanay kasama ng tatay. Pero sa totoo lang, babae talaga ang mas lamang. Kaya bilang ganti, kunin niyo lang ang isang minuto para masabi sa mama niyo o kahit sa tatay niyo kung gaano niyo sila kamahal at ang inyong malaking pasasalamat para sa kanila. Yun lang masaya na sila. Yun lang nabawi na nila at nasuklian mo na ang mga ginawa nila para sayo. Kung nag-aaral ka naman, sapat na yung kahit na wala kang medal pero nag-aaral ka ng mabuti. Yung kahit na nagbibigay ka ng sakit ng ulo kaya mo pa rin sabihing "Gagraduate ako''. Hindi mo lang naman yan tagumpay, tagumpay yan ng mga magulang mo.



"Walang ibang hangad ang magulang kundi ang mapabuti ang anak''. Lagi ko itong naririnig sa mama ko. Ako yung tipo ng anak na hindi man ako masipag sa bahay, masipag akong mag-aral. Kahit na hindi ako masyadong nakakarinig ng papuri kay mama kapag nakakatanggap ako ng award sa school o kahit na yung mga kapatid ko ang lagi niyang napapansin, alam ko naman  sa sarili ko na proud sya sakin kahit hindi niya na sabihin. Sabi niya nga sakin diba na walang ibang hinangad ang magulang kundi ang makakabuti sa anak, kaya wala akong naging bisyo. Wala akong bagsak, matataas ang grades ko, marunong akong makaramdam sa sitwasyon, kapag sinabing bawal, BAWAL! Sa tingin ko, sapat na yung ganti sa ngayon. Sa tingin ko hindi ko naman kelangan gayahin ang mga kapatid ko sa mga gingawa nila para kay mama. Dahil alam ko naman ang tunay na pagmamahal. Lagi kong pinagdarasal ang mama ko, kasi sa totoo lang, hindi ko talaga kayang mawala sya. Gusto ko ako muna bago siya. Mahal na mahal ko ang mama ko. Kahit na minsan nawawalan ako ng kontrol sa sinasabi ko atleast iba na ako ngayon, hindi na ako masyado nangangatwiran kasi kabisado ko na sya eh. Kung meron pa ako ulit isa pang pagkakataon para mabuhay muli sa ibang pagkatao, gusto ko siya pa rin ang mama ko. Kahit maraming problema kahit na minsan nagkakautang utang kami, walang iwanan. Nga pala, si mama ko pala yung nanay na tatay pa namin. Kaya masasabi ko talagang "THE BEST YUNG MAMA KO!" Tumanda kami ng ganito na walang kasamang tatay pero nandyan yung mama ko para samahan kami sa araw-araw! 

Click here for the image
Minsan, dumarating ka sa puntong nararamdaman mong wala kang halaga sa mama mo. Well, sasabihin ko sayo. Kung wala kang halaga, sana noon pa lang hindi ka na niya naipanganak pa, ang sarap kayang mabuhay sa mundo. Ang sarap, sarap! Kaya malaking pasasalamat ko sa Diyos at dapat kayo rin na may mga magulang kayong nagsakripisyo para sa inyo. Tandaan niyo, nasa sampung utos ng Diyos ang pagrespeto sa magulang. Hindi mo alam kelan sya mawawala, kaya hangga't may oras pa, ibigay mo na yung quality time na nararapat para sa kanya. Sabihin mo lang gano mo sya kamahal, at sabihin mong ''Ma, salamat sa lahat.'', yun pa lang, bawing bawi ka na. 
Grab this oppurtunity, i challenge you. Say ''I love you'' to your mother when you read it. 
Love your moms. Thanks for readimg!! Happy mother's day mothers out there!!

#19. Takbo Kandidato!



Ito ang araw at petsa ng opisyal na "PAGBOTO" sa Pilipinas. Ito ay ang Philippine general election. Kung saan ang mga iboboto ng mga mamamayang Pilipino ay "senators, members of house of representatives, governor and vice governor, mayor and vice mayor, members of sangguniang panglunsod at municipal mayors and vice at members of Sangguniang Bayan, 

Kaliwa't kanan na naman ang sakitan, patayan ng mga magkakalaban, posters, advertisements, commercials, interviews at vote buying. Kaya para sa isang request blog ng isang kaklase ko noong highschool, gumawa ako ng sampung mga nakakainis na mga pangyayari tuwing sasapit ang eleksyon na may hindi masyadong napagisipang katawagan. Alam ko marami ng nagvlog, nagblog, sumulat, nakapansin, nakabasa ng ilan sa mga ilalagay ko dito. Pasensya na, isa lang ibig sabihin niyan, its a unanimous observation.

#1. Pera, pera, pera, pera lang yan.

Ito yung mga kandidatong nangangampanya sa mga lugar kung saan palihim syang namimigay ng pera sa mga tao. Kahit 100 lang yan papatusin yan ng mga mahihirap. Ika-nga nila, kapag eleksyon, malaki ang pakinabang ng mga kumakandidato sa mga mahihirap na mamamayan. Pano? Nauuto nila sa pamamagitan ng pagbibigay nila ng pera. Dear kumakandidato, please lang, ,paghirapan mo naman yung pangangampanya mo para mas proud ka sa sarili mo kapag nakaupo kana sa pwesto!

#2. The Plastik ads.

Ito yung mga commercials sa TV ng mga kandidato na akala mo naman talagang ginagawa nila yung mga bagay na yun. Isa pa, yung mga kandidatong mahal daw nila yung mga mamamayang Pilipino (pero, ninanakawan ang pera ng bayan), yung ayaw daw nila ng korap (pero nakikipagpatayan sila makaupo lang sa pwesto para maging korap), tapos pag sila ang naupo magiging maunlad at masagana ang bansa (hindi, lalong dadami ang problema, sila pa nga naguumpisa ng mga gulo, issue at mga bagay na ikakapahiya ng Pilipinas), teka lang, pang-ilang henerasyon na ba ang nagsabi niyan? Wala naman akong nararamdaman eh.

#3. The istorbo alert level 10909209209093082038028437584!!!

Yung tipong tulog na tulog ka tapos biglang dadaan yung mga nangangandidato na may dala dalang sasakyan na may malakas na soundtrip! Ito yung tipong nababanas ka na sa sobrang ingay tapos dun pa huminto mismo sa tapat ng bahay niyo. Lakas makabasag ng tulog!

#4. LSS candidates' song!

Yung nakakaLSS na mga kanta na ginagamit ng mga kandidato sa pangangampanya na nagstuck na sa utak mo. Tapos nakakanta mo na sa labas ng bahay tapos maiinis sayo yung mga kaibigan mo kasi ang korni mo! Ito kasi yung tipo na pinapalitan nila ng lyrics yung mga orihinal na kanta ng mas weird na lyrics! Heyneke.

#5. The speech and speech and everything!

Ito naman yung mga kandidato na laging naiimbitahan sa mga school sa araw ng pagtatapos ng mga studyante para magspeech. Yung tipong pawis na pawis kana sa buhay mo sa pagkakaupo sa upuan, nagsasalita pa rin siya. Halata namang maraming di nakikinig, halata rin naman ang intensyon niya sa eskwelahan niyo, ang mangampanya ng maaga. Well, wala kang magagawa, kahit na gustung-gusto mo na makipagpicture taking kasi lusaw na make-up mo saka amoy araw ka na ang aga aga pa!

#6. Political dynasty

Syempre uso to ngayon. Yung kumakandidato yung anak ng anak ng kapatid ng lolo ng tita ng asawa ng pinsan ng apo ng apo ng anak ng tatay ng tatay niya. asdfghjkl. Well, sinasabi nila na wag silang ikumpara sa mga kamag-anak nila, tatay, kapatid, nanay etc whatever tapos panay gamit at diin ng mga surname nila. Ano? Para makilala kayo? Oo. Makikilala kayo hindi dahil sa identity niyo mismo, dahil sa mga kamag-anak niyo.

#7. Sumbaterong kandidato!

Haha! Natatawa ako pero napansin ko lang naman ito. Yung napapansin kong mga campaign ads commercial na sinasabi lahat ng nagawa niya para sa ating mga mamamayang Pilipino. Yung "ako ang nagpatayo nito para sa inyo", "ako ang nagbigay ng scholarship sa mga batang ito", "ako ang nagbayad ng medical ninyo" etc. tapos ang statement sa dulo "Kaya sana makaasa ako sa inyo sa darating na eleksyon", Yay! Oki ah?

#8. RT.

Ito naman yung mga artista na nangangampanya para sa eleksyon. Siyempre magaling umarte yan sa harap mo, kaya ingat ingat sa mga taong ginagamit lang ang kasikatan nila para makakuha ng mga boto ng tao.

#9. The in-and-out

Ito naman yung naglalabas ng sama ng loob madalas sa mga interviews sa mga kalaban nila sa pwesto. Yung tipong sinisiraan na niya yung mga kalaban niya para siya ang maging mabango sa pang-amoy ng mga tao. Sa totoo naman talaga ay nagpapainterview lang para makita sa TV, para maraming exposure.

#10. Tularan effect

Yung tipo ng kandidato na galing daw siya sa hirap tapos nagsumikap at ngayon marami ng natulungan. Yung mga nakakakita at nakakapanuod sa kanya ay tipong gustung gusto syang tularan dahil sa mga sinasabi ng mga ads and posters niya. Maawa naman kayo sa mga kabataang umiidolo sa inyo, kapag naupo na kasi kayo sa pwesto kayo pa yung numero unong nagkakaroon ng mga issues sa gobyerno. Paano yung mga batang yun? Grabe. Magpakatotoo naman kayo para niyo ng awa.


Sa sampung nabanggit ko wala naman akong gustong paringgan o patamaan. Nasa kanila na lamang yun kung matatamaan sila. Sabi nga nila, "Bato-bato sa langit tamaan ay tamaan!" HAHAHAHA.

Anyway, nakakatamad na bumoto ngayon at mukang tinatamad naman din silang bumoto. Marami akong naririnig na hindi boboto eh. Kasi nga raw wala naman daw nagbabago. Ako 18 years old na ako pero ayaw ko talagang bumoto kasi hindi ko pa kayang mamili ng magpapabagsak sa bansang ito. Hindi biro lang, hindi ko kasi makilatis yung nagsasabi ng totoo sa hindi. Ang galing kasi nila umarte. Pero para sa mga boboto, wag niyo hayaang mamutawi yung mga kasamaan sa pagboto niyo. Wag kayo pumayag sa vote buying, wag kayo sumali sa mga ilegal na gawain ngayon. Posisyon lang yan, nakakapagtaka talaga na pinagaagawan ang posisyon kahit na mababa ang sahod. Hindi ko alam pero ramdam kong iba yung intensyon nila. Kaya mga tao, parang awa niyo na, alam ko namang matatalino tayo, kaya nating maging matalino at kakayanin natin, payo ko lang Piliin mo yung sa tingin mong dapat, pag-isipan mo yung bawat pagbilog mo. Pagbutihin mo. Para sayo to, sa anak mo, sa pamilya mo at para sa ating lahat. Isang boto lang yan pero binibilang pa rin yan. Kasama yan sa bilang.

Wake up Filipinos! Vote wisely!



This blog is requested by Matthew Goco Camana
(c) KATRIN JOY A. CIELO
https://www.facebook.com/kjcielo




Follow me on Twitter:
https://twitter.com/iamkjoycielo

and on Tumblr:
http://youngkaje.tumblr.com/

email me @:
katrella_09@yahoo.com
09263809921

#18. Talk to Him

#18.Talk to Him


Talk to me - God


Maraming nagtatanong sa akin, paano ba makakausap ang Diyos? Maraming gustong humingi ng tulong, manghingi ng blessings, humingi ng guidance, maging successful at marami pa silang pinagdarasal. Ang iba natutupad, ang iba naman hindi. Ang iba gumagaling at ang iba ay lalong lumalala, ang iba hindi nagiging okay, at ang iba ang ganda ganda ng buhay. Pero naisip mo ba? Naisip mo ba kung bakit ganito at bakit ganyan? Kung bakit sila masaya bakit yung iba hindi? Kung bakit sila angat kayo hindi? Kung bakit parang punung-puno sila ng pagpapala kayo hindi?


Maraming nagtatanong sa akin, paano ba makakausap ang Diyos? Ang laging sagot diyan is THROUGH A PRAYER. Yes, prayer is really powerful.


Bilang tao madami tayong pinagdaraanan sa ating mga buhay. Pero ang masakit dun, ang laging nasisisi, ang Diyos. Teka lang, mabuting itanong mo muna sa sarili mo kung sino ang naglagay sayo sa pwestong yan. Kung ang Diyos nga ba o ikaw mismo? Kadalasan Siya agad ang nasisisi, pero sa totoo lang, ikaw ang mismong naglagay sayo sa kalagayan na yan. Ang Diyos lamang ang nagaakay sa atin sa tamang landas. Ang Diyos ang bumubulong sa atin ng kung ano ang dapat nating gawin. Pero ano ang ginagawa ng ilan? Pinipigilan nila ang Diyos na pumasok sa kanilang mga puso. Sorry, pero sinasabi ko lamang ito dahil minsan namamali yung interpretasyon nila sa gustong ipakita sa atin Diyos.


Balik tayo, sa totoo lang ang pakikipagusap sa Panginoon ay isang paraan para mapalapit ka sa Kanya. Kung talagang gusto mong maging malapit sa Kanya wag kang magtatlong isip na sumubok kasi hinihintay ka lang naman ng Diyos lumapit. Kinagagalak ng Diyos ang maging isa ka sa mga anak Niya. Natutuwa Siya pag lagi mo Siyang kinakausap. Sabi nga ni Architect/Youth President/Kuya Butch Jamin Rigunan, "God more that anything else wants to communicate with us and when you say communicate, He wants to talk to us, He wants us to talk to Him and prayer is one of the most effective way for us to talk to Him." 


Nabanggit ko sa itaas na may mga tao talaga na hindi nasusunod yung mga gusto nila, yung mga ipinagdasal nila na hindi nila nakukuha, yung mga pangarap nila na hindi nila naaabot. May mga dahilan kung bakit mo nakuha iyan at kung bakit hindi. 


Kapag ang mga bagay kasi na ipinagdarasal mo sa Diyos ay nasasagot Niya or nakakamit mo, ibig sabihin its God's will na mangyari ang mga bagay na ito. God's will? Ito yung kagustuhan ng Panginoon na makamit mo yung inaasam mo. Pwede ring ito ay in God's time. God's time? Ito naman ay di rin nalalayo sa ibig sabihin ng God's will, ito yung panahon kung saan tinakda ng Panginoon na sagutin ang iyong mga dasal. Isa pa, nasagot ang iyong mga dasal dahil yung mga kilos at galaw mo ay sinasabayan mo ng matinding panalangin. Kumbaga, parang ganito, "Lord, naniniwala ako na makakapasa ako sa exam." tapos ang ginagawa mo eh subsob sa review-han. Ibig sabihin, gusto mo talagang makapasa, then Siya mismo ang magbibigay sayo ng talinong nagmumula sa Kanya. 


Gaya nga ng sabi ko, may iilan na hindi naman nasasagot ang kanilang mga prayers. Syempre hindi pwedeng walang dahilan, at ang dahilan nito ay ang kabaligtaran ng nasa taas. Hindi sa ayaw ng Diyos na hindi masagot ang iyong mga dasal, matuto kang maghintay dahil meron plano ang Diyos para sayo. Marahil hindi ito God's will. Magtiwala ka lang, kasi sabi ko nga may plano sayo ang Diyos. Hindi rin siguro ito ang God's time, ibig sabihin, maghintay ka nga lang, kasi inihahanda ng Diyos ang mga bagay na mas deserve mo. Isa pa, hindi naaayon ang mga kilos mo't galaw sa mga pinagdarasal mo. 


According to Ate Micah Gabay, "Talking to God is two way. You speak to Him through prayers and you read His word for answers. Lagi kasi magkasama yun to better undersand kung ano ang gusto ni God para sa atin. Diba nga the Bible is the very word of God. And also, when you ask for something to God, lagi nating tanungin si Lord if it is His will for us. Minsan kasi desire lang natin yun as a tao. Baka will lang natin yun kaya hindi Niya ibinibigay/sinasagot. "


Kung ang iba nahihirapan sa pagdarasal merong naishare sa akin yung kaklase ko nung highschool days namin.

Ito yung ways na tutulong sayo sa pagdarasal. Pero hindi ito isang requirement. Actually, pwede ka kasi makipagkwentuhan sa Panginoon sa kahit na anong paraan mo gusto.

A-dorationC-onfessionT-hanksgivingS-Supplication

Adoration. Ito yung pagbibigay mo ng papuri't pagsamba sa Panginoon.Example: Hallelujah! Praise God. Itaas ang ngalan mo O'Diyos.

Confession. Ito naman yung paghingi mo ng kapatawaran sa Kanya.Example: Panginoon, patawarin mo ako sa aking mga kasalanan, sa isip, sa salita at gawa sinasadya man Lord o hindi sinasadya. Malaki man o maliit, patawad Panginoon.

Thanksgiving. Ito naman yung pagbibigay salamat mo sa Kanya sa mga blessings na natatanggap mo.Example: Lord, maraming salamat po Panginoon sa mga blessings na aming natatanggap sa araw-araw maliit man o malaki, nkikita man namin o hindi Panginoon, maraming salamat sa pagiingat Panginoon. (ipagpasalamat ang nagawang mabuti at mga breakthroughs)

Supplication. Ito naman yung paghingi mo ng mga provision sa Kanya.Example: Lord, tulungan Niyo po ako sa mga pangangailangan ko. Kayo po Panginoon ang magprovide (dagdag ka lang ng mga kailangan mo pero wag mo kalimutang magpasalamat at maghintay).

Sa lahat ng ginagawa ng Diyos sa ating buhay ay may kalakip na pagmamahal. Kaya sana, hindi lang tayo dapat magdasal dahil kailangan, dahil emergency, dahil urgent, dahil gusto mo, dahil nakikita mo sa iba, at dahil ganito at ganyan. Dapat araw-araw mong kinakausap ang Diyos. Dapat kahit na masakit yung nangyari sa atin, isipin natin yung positive sa nangyari, dapat hindi tayo kung kelan lang gusto magdasal. Masarap magdasal, promise! Kasi kahit na ano man ang sikreto't tinatago mo, sa Diyos mo dapat ipagkatiwala wala ng iba. Hindi naman requirement ang systematical na pagdadasal, kasi naiintindihan at nakikita ng Panginoon ang puso mo, ang mga gusto mo at dasal mo. 


Tatapusin ko itong blog sa pamamagitan ng isang quote.
"God delays but God doesn't forget".



This is a request blog by SIS. MAYLA S. RIGUNAN
(c) KATRIN JOY CIELOhttps://www.facebook.com/kjcielo
Follow me on Twitter:https://twitter.com/iamkjoycielo
and on Tumblr:http://youngkaje.tumblr.com/
email me @:katrella_09@yahoo.com09263809921


#17. A love that is True

LOVE. 
Lahat tayo minahal, minamahal, nagmahal at nagmamahal. Walang sinuman sa mundong ito ang hindi pa nakakaranas ng pagmamahal. Totoo man o hindi. Pero nabanggit ko na lang din yung TOTOO, paano mo malalaman kung totoo o hindi yung pinapakita niya sayo na sa tingin mong pag-ibig yun. Sa totoo lang, mahirap i-identify yung totoo sa hindi. Kumbaga kailangan mo pang pumasok sa katawan nung taong iyon mahagilap mo lang yung totoong feelings na gusto mong makita. Masaya ang mahalin, masaya ang magmahal. Pero ang mahirap yung masaktan. 

What Love means to a 4-8 year old: A group of professional people posed this question to a group of 4 to 8 year-olds, ’What does love mean?’ The answers they got were broader and deeper than anyone could have imagined 
See what you think:
‘When my grandmother got arthritis , she couldn’t bend over and paint her toenails anymore.. So my grandfather does it for her all the time , even when his hands got arthritis too. That’s love.’ – Rebecca, age 8 
‘When someone loves you, the way they say your name is different.You just know that your name is safe in their mouth.’ – Billy, age 4 
‘Love is when a girl puts on perfume and a boy puts on shaving cologne and they go out and smell each other.’ – Karl, age 5 
‘Love is when you go out to eat and give somebody most of your French fries without making them give you any of theirs.’ –Chrissy, age 6 
‘Love is what makes you smile when you’re tired.’ -Terri, age 4 
‘Love is when my mommy makes coffee for my daddy and she takes a sip before giving it to him , to make sure the taste is OK.’ – Danny, age 7 
‘Love is when you kiss all the time. Then when you get tired of kissing , you still want to be together and you talk more. My Mommy and Daddy are like that. They look gross when they kiss’ – Emily, age 8 
‘Love is what’s in the room with you at Christmas if you stop opening presents and listen.’ –Bobby, age 7
‘If you want to learn to love better , you should start with a friend who you hate” –Nikka, age 6 
‘Love is when you tell a guy you like his shirt , then he wears it everyday..’ –Noelle, age 7 
‘Love is like a little old woman and a little old man who are still friends even after they know each other so well.’ –Tommy, age 6 
‘During my piano recital , I was on a stage and I was scared. I looked at all the people watching me and saw my daddy waving and smiling. He was the only one doing that. I wasn’t scared anymore.’ – Cindy, age 8 
‘My mommy loves me more than anybody. You don’t see anyone else kissing me to sleep at night.’ –Clare, age 6 
‘Love is when Mommy gives Daddy the best piece of chicken.’ –Elaine, age 5 
‘Love is when Mommy sees Daddy smelly and sweaty and still says he is handsomer than Robert Redford.’ –Chris, age 7 
‘Love is when your puppy licks your face even after you left him alone all day.’ -Mary Ann, age 4 
‘I know my older sister loves me because she gives me all her old clothes and has to go out and buy new ones.’ –Lauren, age 4 
‘When you love somebody , your eyelashes go up and down and little stars come out of you.’ - Karen, age 7 
‘Love is when Mommy sees Daddy on the toilet and she doesn’t think it’s gross..’ –Mark, age 6 
‘You really shouldn’t say ‘I love you’ unless you mean it. But if you mean it, you should say it a lot. People forget.’ –Jessica, age 8
The winner was a four year old child whose next door neighbor was an elderly gentleman who had recently lost his wife. Upon seeing the man cry, the little boy went into the old gentleman’s yard, climbed onto his lap, and just sat there. When his Mother asked what he had said to the neighbor, the little boy said, ‘Nothing , I just helped him cry’. 
Ref: https://www.facebook.com/photo.php?fbid=10151248093003614&set=a.71588308613.70098.505443613&type=1&theater
Ilan lamang iyan sa mga sagot ng mga bata sa isang poll question. Hindi mo akalaing ang mga sagot nila ay talagang mababaw nilang sinabi pero mapapaisip ka talaga. Para sa mga hindi bata, mas malalim yung ibig sabihin ng LOVE pero madali lang intindihin pero mahirap gawin at mas mahirap panindigan.
LOVE-The English word love can refer to a variety of different feelings, states, and attitudes, ranging from pleasure ("I loved that meal") to interpersonal attraction ("I love my partner"). It can refer to an emotion of a strong affection and personal attachment.[1] It can also be a virtue representing human kindness, compassion, and affection—"the unselfish loyal and benevolent concern for the good of another".[2] And it may describe compassionate and affectionate actions towards other humans, one's self or animals.

http://en.wikipedia.org/wiki/Love

Blogger's POV.
Sa sobrang laki ng sakop ng PAG-IBIG, hahati-hatiin ko na lang para mas swabe, mas hindi masakit sa ulo, at hindi na rin ako mag-isip ng malalim. (hahahaha)

LOVE of FAMILY- ito yung pagmamahal na makikita mo lamang sa pamilya. Walang halong kamanyakan. Malalaman mong may LOVE sa family kung...

-hindi man kayo sabay-sabay kumain, pero concern ang isa't isa kung kumain kanaba (CARE)-hindi man kayo nagsisimba, pero pare-pareho kayong may respeto sa isa't isa walang bastusan pre!-nagdadamayan, naguutangan saka kahit na hindi magsabi ng Iloveyou sa isa't isa ramdam pa rin yung presence ng pag-ibig.-...and etc. (end of thinking capacity)

LOVE OF FRIENDS - ito naman yung pagmamahal na makikita mo sa iyong mga kaibigan. Yung tipong halos parang kapatid na rin ang turingan niyo. Kaya hindi rin ito nalalayo sa characteristics ng LOVE OF FAMILY. Para sa TOTOO at hindi totoong kaibigan may blog ako diyan at syempre basahin niyo nalang din para alam niyo. http://cutandfriends.blogspot.com/

LOVE OF A BF/GF - Minsan nakakainis na, madalas ang pumapasok sa isip ng mga tao kapag sinabing LOVE ay yung pagmamahalan nila ng kasintahan niya. Hello?! Marami kayang ibig sabihin ang LOVE at hindi lang para sa dalawang tao. Kalma, ito yung pagmamahal na makikita sa dalawang taong nagmamahalan ng higit pa sa isang kaibigan. Sabi nila sa panahon daw ngayon mahirap na tukuyin kung sino yung SERYOSO sa HINDI. Kaya dahil ang blog na ito ay request ng aking Bestfriend, ibibigay ko ang ilan sa palatandaan ng TRUE LOVE.
Liligawan ka sa personal at kapag naging kayo na patuloy pa rin siya sa panliligaw sayo at hindi siya magsasawa.Bago ka ipakilala sa magulang niya, ipapakilala ka muna niya sa Panginoon niya dahil ang relasyong sentro ang Panginoon, sigurado akong magkaproblema man iyan, si Lord and bahala diyan.Ipapakilala ka sa mga magulang dahil para sa kanya, ikaw na ang huling babaeng/lalakeng mananatili sa buhay niya.Handang magSORRY kahit hindi naman niya pagkakamali kasi ayaw na niyang  mag-away pa kayo.Hindi ka kakampihan sa alam niyang hindi naman makakabuti sayong mga desisyon mo.Marunong maghintay ng tamang panahon para maka-iskor, at ito yung panahong napag-isang dibdib na kayo ng Diyos.Lagi kang inaalala, tinatawagan, tinetext dahil gusto niya nasa mabuting lagay ka palagi.May pangarap para sa inyong dalawa at sa future niyo at nakikita mo na ginagawan niya ng paraan ang mga bagay na ito.Hinding hindi ka paiiyakin maliban sa pagpropose niya at sa kasal niyong dalawa.Pinakahuli sa lahat, yung marunong tumupad sa PANGAKO. Kasi kung talagang mahal na mahal ka niya, kapag nangako siya at alam niyang para sayo yun, gagawin at gagawin niya yun at di ka niya bibiguin.

Syempre dahil patapos na ang BLOG na ito, pasensya na kayo readers pero may isa pang hindi nababanggit. Sa lahat ng LOVE na nabanggit ko ito yung SURE na TRUE LOVE. No other than the GOD's LOVE. Si God, kahit na makailang ulit ka na kasalanan sa kanya kailangan niya lang yung sinseridad mo sa paghingi ng tawad, papatawarin ka pa rin niya kahit na mas malaki pa sa bahay niyo yung kasalanan mo. Si God? Kahit na sinasaktan mo Siya, PROMISE, hindi ka Niya sasaktan. Alam mo kung bakit ka nasasaktan? Kasi hindi mo tinatanggap sa sarili mo na di mo kaya, na duwag at mahina ka at higit sa lahat dahil ikaw mismo yung gumagawa ng ikakasama mo. Si God, hindi ka niya pabayaan kahit na kalimutan mo pa siya. Higit sa lahat, si God, kahit na iwanan mo siya hinding hindi ka niya iiwan at kahit na bitiwan mo Siya, hinding hindi ka Niya bibitawan. Kasi nga ito yung pangakong pag-ibig sa atin ng Panginoon. Yung totoo. Yung masarap at masaya.
Kaya sabi nga nila, kung magmamahal ka nalang din, unahin mo munang mahalin ang Diyos. Kasi Siya ang sasalo sayo kapag nahulog ka o nasaktan ka. Iyan ang TRUE LOVE.


This blog is requested by Pamela Joy Chan (BFF)


For more requests of topics message me on facebook.https://www.facebook.com/kjcielo
Follow me on Twitter:https://twitter.com/iamkjoycielo
and Tumblr:http://youngkaje.tumblr.com/
(c) KATRIN JOY CIELO09263809921katrella_09@yahoo.com


#16. Friendzone on movement



#16.Friend+Love+Misinterpretation=FRIENDZONE!


Friendzone. Kung titingnan mo sa Webster Dictionary ang salitang iyan, hindi mo ito makikita dahil gawa lamang ito ng mga malilikot na kaisipan ng mga taong nakakaranas ng kirot at sakit sa mga taong minamahal nila ng lubos ngunit hindi maibalik ang naturang pagmamahal sa kanya.


Friendzone - In popular culture, the "friend zone" refers to a platonic relationship wherein one person wishes to enter into a romantic or sexual relationship, while the other does not.

http://en.wikipedia.org/wiki/Friend_zone

Blogger's POV.

Friendzone - ito ay isang sitwasyon kung saan dalawang tao ang pinaguusapan. Dalawang magkaibigan na nauwi sa pagkahulog ng isa sa isa at pagtanggi ng binibigay na pagmamahal ng isa. Ang isa ay ang nang-friendzone- ito ay ang taong hindi kayang ibigay ang pagmamahal na tulad ng sa na-friendzone-ang taong nahulog sa kanyang kaibigan.

Sa katunayan niyan, mahirap talagang bigyan ng malinaw na kahulugan ang FRIENDZONE. Kasi sa laki ng sakop niyan kumbaga sa movie maraming episode. Sa katunayan ulit, marami na ang nagBLOG, nagVLOG, nagkwento at nakwento tungkol sa usaping ito. Kaya hindi ko na lang masyadong palalawakin pa dahil gusto ko magFOCUS sa dalawang taong involve sa topic na ito. Si nang-fzone at si na-fzone.


Mula sa salitang FRIENDZONE, kunin natin ang salitang FRIEND. Hindi mo masasabing kaibigan kung magisa ka lang. Kapag kinaibigan mo yung sarili mo, ewan ko nalang. So, magdagdag tayo ng isa pa, FRIENDS na. Si babae at si lalaki. Masyadong close si babae at lalaki. Lagi silang magkasama, sabay kumain, sabay umuwi, pinagtatanggol sa kaaway, magkatext palagi, magkachat, magkawall-to-wall, magkausap, basta in short SUPER CLOSE. Ngayon, dumating sa point na nakaramdam ng kakaibang feelings si boy kay girl dahil sa super closeness nila sa isa't isa. Gusto ni BOY si GIRL, pero hindi bilang KAIBIGAN kundi bilang girlfriend, bilang taong magiging kahati niya sa lahat. Dahil sa closeness na meron sila, akala ni BOY na mayroon ding pagtingin sa kanya si GIRL, kaya pinagpasyahan niyang sabihin at aminin na kay GIRL ang tinatagong nararamdaman para sa babae. Pero, pero, pero, ang totoo, KAIBIGAN lang ang turing ni GIRL kay BOY, as in kapatid lang. There, misinterpretation occurs. Surely - Na-FRIENDZONE ka!

Blogger's POV.

Sa sitwasyon na nasa taas ay ang sitwasyon na lagi na lang nangyayari sa mga kabataan ngayon. Sa tingin niyo? Bakit inakala ni boy na gusto rin siya ni girl? Ako sa tingin ko kasi, dahil si girl ay nagpapakita rin ng motibo sa boy. Yan ang pinakamahirap na estado ng pagkakaibigan na nasa bingit ng FRIENDZONE, ang pagpapakita ng motibo at hindi naman kayang bigyan ng hustisya.

*Ang nang-friendzone*

Sa sitwasyon natin si GIRL ang gumawa nito. Sa totoo lang pwedeng sinasadya o hindi sinasadya ang pagkakafriendzone sayo. Marami kasi dahilan yan pero ibibigay ko yung sa tingin kong tatlo.

*Takot
-takot na magmahal isama mo na yung takot sa nanay! hahaha

*Just friends
-talagang kaibigan talaga turing niya sayo

*Unlikeness
-Hindi ka gusto ng babae as boyfriend. Gusto ka lang niya na lagi kang nandyan sa tabi niya.

NEGATIVE SIDE:

Bakit mo pa kasi kailangang ipakita lahat ng motibo sa taong dapat na pinapakitaan mo lamang ng imahe ng pagkakaibigan. Kaya maraming nakakamisinterpret sa dalawa kasi naiiba yung kinikilos nila sa sinasabi nila. Isa pa, dapat alam mo yung mga posibleng mangyari sa mga kinikilos niyong pareho. Kung sa tingin mo hindi mo naman pala dapat na gawin yun dahil ganito ang lalabas, ganyan. Edi sana, ibahin mo na yung mga ginagawa mo at pinapakita sa taong iyon. Kasi kung ayaw mo naman talaga mawala yung friendship niyong dalawa, aayusin mo yung mga kilos mo, yung sakto lang, yung tama lang, yung swabe, yung KAIBIGAN LANG TALAGA.

POSITIVE SIDE:

Sinabi ko nga sa taas, pwedeng sadya at di sadya. Kaya hindi mo masasabing masama o mabuti ang isang fzoner. Ano magagawa natin kung ayaw niya talaga at talagang kaibigan lang diba? Platonic love lang ang kaya niyang ibigay sa kaibigan niyang nahulog sa kanya. As in pure love. May mga ganito kasing tao, yung feel na feel niya yung lagi kayo magkasama, magkausap pero hindi naman lagi kasi ang ibig sabihin nun ay gusto ka niya as more than friends. Minsan, matuto rin tayong mag-isip ng positive and negative saka natin bigyan ng mga dahilan. Yan ang mahirap sa mga tao, yung pabigla-bigla, hindi naman sigurado pero isa lang ang sigurado.... siguradong masasaktan.


*Ang na-friendzone*

NEGATIVE SIDE:

Naniniwala kasi agad ang isang na-fzone sa kilos at galaw ng kaibigan niya. Kung ano yung ipinapakita nito sa kanya. Sa isang taong umiibig kasi o sa isang taong nahulog ang kalooban sa kanyang isang kaibigan, hindi na niya iniisip pa ang kung ano ang kalalabasan ng gagawin niyang pag-amin. Isang damdaming hindi na mapigilan at hindi na kaya pang ipagpatagal pa. Yan ang mali sa isang tao, yung hindi na pinagiisipan ang mga bagay.

POSITIVE SIDE:

Katulad ng sa fzoner, hindi mo masisisi ang isang na-fzone sa kung ano ang bigla na lang niya naramdaman. Iba rin kasi kapag LOVE na yung pinaguusapan. Minsan, hindi naman talaga mapipigilan yung ganun, kahit na ayaw niyang mawala yung friendship nila, kapag nahulog na wala na siyang magagawa. Wala naman tayong magagawa kapag sinabi niyang gusto niya talaga, nasa sakanya nalang yun kung kaya niyang bigyan ng hustisya at kaya niyang tanggapin ang kalalabasan ng lahat ng ginawa niya.



Hindi mo talaga alam ang pwedeng mangyari sa mga panahong hindi mo akalain na bigla na lang mananaig ang mali sa tama at ang tama sa mali. Hindi mo rin naman kayang pigilan ang mga pagkakataong sabik na sabik yung puso mong magmahal. Pero kung magiging responsable lamang tayo sa lumalabas sa ating bibig, sa mga gawa at kilos, sa mga pinapakita sa kaibigan at sa tao sa paligid. Kung ayaw niyong mawala yung pagkakaibigan niyong dalawa, better move on, leave the feelings and dont entertain it. Look forward. Because if its impossible, its impossible. But, kung gusto mo talagang i-pursue at ipaglaban yung nararamdaman mo sa kaibigan mo at talagang hindi ka naman niya tanggap, walang masama dun, sabihin mo aminin mo pero kailangan lagi mong titingnan yung negative at positive sa ginawa mong pag-amin. Maraming magbabago. Wala kang magagawa. Wala siyang magagawa, wala tayong magagawa dahil if its God's will, it is.



(c) KATRIN JOY A. CIELO
https://www.facebook.com/kjcielo

#15. Edition of a Social Climber


Blogger's hinanakit sa mga tao.

THROWBACK...

When I was in Highschool, naghiwalay ang parents ko, so my kuya need to earn some living kaya siya nagtrabaho habang nag-aaral. In short, saktong sakto lang ang budget namin para sa isang araw. No extra gastos as in sakto, minsan pa nga kulang.

There are times na nagkakaroon kami ng bayarin sa eskwelahan, yung tipong requirement daw kung hindi mas malaki yung project na gagawin. FIELDTRIP, JS (pero di ako sumama ng JS), PTA, etc. So yes, pinipilit ko ang mama ko na magbayad kami kasi ako yung tipo ng bata noon na nagtatop talaga, GRADE din yun kaya ang tawag sakin ng mama ko "SOCIAL CLIMBER". Pero, hindi naman to the point na papataihin ko sila ng pera, nanghihingi lang naman ako. Kung wala, edi wala. Kung meron, edi meron. Tanggap ko yung kalagayan namin noon pero hindi ko masasabing isa akong SOCIAL CLIMBER.

PRESENT...

Le's go back. Ano nga ba ang ibig sabihin ng SOCIAL CLIMBER?


SOCIAL CLIMBER(noun)- The definition of a social climber is a person who aspires to get into a group of people he thinks are higher class and socially prominent.

An example of a social climber is someone who wants to marry for money and impress all the society people.
http://www.yourdictionary.com/social-climber

BLOGGER's POV:

Social climber - ito ay isang paguugali ng tao kung saan pilit niyang pinagsisiksikan ang mundo niya sa mundo ng mga taong ipinanganak na may gintong kutsara ang mga labi kahit na imposible pa para sa kalagayan at katayuan niya sa kanyang lipunan.


Pagpapakatotoo. Yan ang isang bagay na wala ang mga tao ngayon. PAGPAPAKATOTOO. Simple lang, kung ano yung nasa buhay mo, kung ano yung dapat makita sa buhay mo, at kung ano dapat ang lumalabas sa bibig mo, dapat TOTOO. Kasi walang saysay ang mabuhay sa mundo, kung puro na lang kasinungalingan ang lumalabas sa bibig mo.

Ano ba kasi ang dahilan ng mga hambog na mga tao kung bakit kailangan pa nilang magbalat-kayo at magtago sa likod ng tunay nilang pagkatao? Marahil, bilang isang taong napapaligiran ng mga taong ito, marami  ang dahilan kung bakit. Bakit? Bakit? Bakit?


*Sunod sa uso
*Inggit
*Popularity
*Financial Security
*Gain friends

and.. etc (end of thinking capacity) HAHAHA

*SUNOD SA USO

-> Best example is sa pananamit. Kung ano ang usong damit bibili yan at sa usong clothing line din bibili. 

*INGGIT

-> Dahil naiinggit sa kaibigang mayaman, magyayaman-yamanan na rin para masabing yes, im a rich kid with rich dreams.

*POPULARITY

-> Madaling makakuha ng kasikatan kapag nasa higher class ka ng grupo ng tao.

* FINANCIAL SECURITY

-> Sabi nga sa example sa taas sa meaning ng social climber, hinahangad na makapangasawa ng mayaman para makaimpress sa ibang tao. Yun, minahal lang ang PERA. 

*GAIN FRIENDS

-> Uso to. Kapag mayaman ka, marami kang pera, marami ka ring kaibigan. Know what? Inuuto ka lang naman nila eh.



Mayroon akong mga kakilalang ganito. Pero hindi ko na lang sila imemention. Actually hindi lang naman para sa kanila ito, tribute to sa mga social climber. Minsan nakakairita na sila. Kasi sila yung mga taong hindi umaamin sa mga hindi nila kaya, hindi nila matanggap. Sa totoo lang kasi ang layo ng ginagawa nila at sinasabi nila sa nakikita ng mga mura at matatalim nating mga mata. Mga matang hindi mo naman masasabing mapanghusga, pero mga matang nakikita ang totoo sa nagbabalatkayo at nababalutan ng pagpapanggap nilang pagkatao.


Hindi naman kailangan na magpanggap pa at magtago, mas maganda yung bukas ang isipan mo sa makasalanang mundong ito, magpakatotoo ka at pagpatuloy mo lang ang buhay kahit mahirap. Hindi mo naman kailangan ng ibang tao para sa iyong pag-angat. Kailangan mo lang ang sipag at tyaga na nagmumula sa iyong sarili at ang dasal mong ipinapaabot sa ating Panginoon. Hindi mo naman lahat yan maitatago sa Panginoon, malulungkot siya sa mga bagay na hindi mo tuwirang maamin, magawa at masabi. Ang mga salita at buka na namumutawi sa iyong bibig ay ang mga bagay mismo na magsasabi kung sino ka. Ang mga kilos, galaw, at tindig ng iyong katawan ang siyang magbibigay hustisya sa iyong pagpapanggap sa mundong balot na balot ng mga nilalang na hindi abot ng puso ang kaisipan.



(c) KATRIN JOY A. CIELO
https://www.facebook.com/kjcielo

#12. Celebrate good times c'mon!


Nakita ko ang post ng isang YOUTUBE sensation about sa MONTHSARY thingy. Anyways, ito yung exact na sinabi nila 

"Monthsary pala namin ngayon, kung di pa kami babatiin ng mga tao di pa namin maaalala hehe :) Para sayo, importante pa ba ang monthsary o hindi na? :) " ---JAMICH

Tapos, may katweet ako kagabi, si Honey. well, to make the story short napagusapan namin ang about sa MONTHSARY if its important pa nowadays. So I decided to make a blog about this.


Importante pa nga ba ang monthsary sa isang couple?

Sa totoo lang hypothetical yung question na ito. Walang tama, walang mali. So I decided na dalawa ang sagot ko and I explain na lang very quick cause its hot in here. LOL.

First YES.

Kahit hindi niyo tinatanong sasabihin ko sa inyo na meron akong boyfriend. Mag-3years na kami sa September 29. Anyway, as a girlfriend, its very important. Ang dahilan? Ang pagcelebrate kasi ng inyong monthsary ay isang paraan para masabi mo kung gaano na katagal ang relasyon niyo. Minsan kailangan din kasi ng drama sa buhay. Yun bang magfaflashback yung araw na nililigawan ka pa lang niya. Pero hindi ko naman sinabi na magcelebrate kayo ng bongga. Okay na yung simple lang pero special. Isa pa, dyan din lumalabas yung mga surprises ng guy sa girl, sa girl sa guy. Pero you can make surprises naman kahit na walang occasion. Sa pamamagitan din ng monthsary malalaman mo kung malapit na kayong maganniversary at masasabi mo ang "PARANG KAILAN LANG NOH?"

Last, importante ang monthsary kasi hindi mo mabubuo ang anniversary ng walang monthsary. Yes, its not a requirement pero what I mean is, relationship builds up. Its not like a magic na in just one click BOOOM! Sobrang ganda na ng pagsasama niyo. I mean, it is step by step, little by little. 


Second NO.

No, its not important. Uhm. Ang hirap ng gagawin ko kasi ikokontra ko yung una kong sagot. Anyway, its part of a being an amateur blogger.

Para kasi sa mga may assurance na, na sila na talaga hanggang sa huli, hindi na nila binibilang pa yung months. Rekta na sila sa ANNIVERSARY. 

Sa mga mag-asawa sabi ko nga hindi na importante yang monthsary na yan. Ang madalas na cinecelebrate nila is yung ANNIVERSARY nila. Madalas nga hindi naman talaga nila gusto icelebrate yun. Yung mga anak na lang ang naghahanda para sa kanila.

Well, sabi nga nila hindi naman importante yung numbers, yung dates, yung mga panahong matagal o maikli pa lang ang pagsasama pero ang mahalaga yung assurance niyo sa isa't isa na hindi kayo mag-iiwanan at talagang malalim ang inyong pagmamahalan. Para sa kanila, ang monthsary GASTOS lang yan, At ang ANNIVERSARY ay pinaghahandaan.

In general, kahit anong trip niyong magjowa hindi naman yan bawal sa batas. Hindi naman bawal sa batas ang magmonthsary. Basta ang mahalaga, walang lokohan, walang iwanan, tayo lang ang nagmamahalan, tayo lang hanggang sa huli. 

Pero ang pinaka the best sa lahat, yung kahit na walang wala kayo, nasa GITNA ng inyong relasyon ang DIYOS. You cant make it without GOD in your relationship. Always make it to a point na hindi niyo kinakalimutan ang Panginoon sa inyong mga buhay.


PS: Sa mga nakikita kong comment na walang word na MONTHSARY, yes its true. Walang monthsary na word sa dictionary kasi its MENSIVERSARY. :) 

GOD BLESS EVERYONE!



(c) KATRIN JOY A. CIELO
https://www.facebook.com/kjcielo
http://youngkaje.tumblr.com/
https://twitter.com/iamkjoycielo

#11. What if's and if's

What if's and if's? 

Mahilig tayong mga Pilipino sa mga pantasya. Yung tipong sasabihin mo "Pano kaya kung ganito, ganyan?" Yung lagi tayong nagbibigay ng mga alanganing sitwasyon yung mga imposible pero pwede maging posible. Pwede rin namang posible pero imposible sa kalagayan mo. Pwede rin yung imposible talaga. 

Kaya gumawa ako ng di ko na mabibilang na listahan ng what if's dito sa blog ko. Para matuwa ka, kapag wala kang ginagawa pwede mo tong basahin. ;)


-Paano kung yung crush mo nagtapat ng pag-ibig sayo?
-Paano kung paggising mo isa ka ng character sa DOTA?
-Paano kung crush ka pala ng alaga niyong aso?

-Paano kung yung buhay talaga ng mga anime eh yung parang sa WRECK IT RALPH?
-Paano kung biglang maging scene ng the walking dead yung village niyo?
-Paano kung nagsasalita yung anino mo?

-Paano kung sinusundan ka ng mga tsinelas mo kahit hindi mo naman sila suot?
-Paano kung yung boyfriend mo ay isa palang alien?
-Paano kung mainlove ka sa isang lamok?

-Paano kung anak ka pala ng pinakamayamang tao sa buong mundo?
-Paano kung magkaroon ka ng DORAEMON sa totoong buhay?
-Paano kung ikaw ang naging Presidente ng isang araw tapos namatay ka pagtapos?

-Paano kung paggising mo katabi mo isang ANACONDA?
-O kaya nagising ka sa ilalim ng dagat?
-Paano kung nakakalipad ka pero wala kang paa?

Paano kung...
-kapatid mo ay isang sapatos?
-paggising mo isa ka na sa pinakamayaman sa buong mundo?
-ikaw ay isang plato?

-meron ka palang powers.
-naging sikat ka ng isang araw at nalaos ka rin sa araw na yun?
-ang lapis mo nung grade 1 ka ay lapis mo pa rin hanggang sa nagtrabaho ka?

-nakagawa ka ng social media site na tatalo sa facebook?
-ang ganda mo sa ibang tao pero ang panget mo sa sarili mong mata?
-meron kang blanket na pwede kang maging invisible?

-yung laptop mo isa palang transformer? at yung cellphone mo ay isang decepticon?
-si Vice pala ang nanay mo? I mean sa kanya ka lumabas?
-nakita mo si Paolo Avelino sa personal tapos hinalikan ka niya sa lips?

-Paano kung yung crush mo ay isa pa lang multo?
-Paano kung ang isang pirasong buhangin ang magliligtas sayo sa kapahamakan?
-Paano kung naging asawa mo ang pinakagwapong lalaki sa buong mundo?

-Paano kung may lahi pala kayong aswang?
-Paano kung ang asawa mo ay nagtatransform into computer mouse?
-Paano kung nabubuhay ka pala sa ibang planet?

Ilan lang yan sa mga what if's na naitype ko. Share naman kayo ng what if's niyo. :)

(c) KATRIN JOY A. CIELO
https://www.facebook.com/kjcielo

Monday, June 10, 2013

#10. Cool Lola there!

Hello! I am going to blog the cool lola there sa Chowking. Kakagaling lang namin sa simbahan ng dumiretso kami sa Zabarte Town Center para maglunch. Sobrang daming tao at halos wala ng maupuan. Then, nakita ko dun ang kachurchmate namin, 3 sila (Mom, daughter and son) so I decided na kakapalan ko nalang ang pagmumuka ko na maghintay sa tabi nila para makaupo kami after nila kumain. Sakto naman kasi na tapos na sila maglunch and they're going to picture city yata para iconsume yung libre nilang something dun. So, nung umalis sila sa upuan may naiwang APAT na upuan eh dalawa lang naman kami ng BF ko kaya umupo ako sa may dulo then sa harap ko siya. Habang umuorder si boyfie, may lumapit sa akin na crew ng Chowking.

"Miss, may kasama ka?"

"Yes, po"

"Ilan kayo?"

"Ay dalawa lang po."

"Ah, makikitabi sa inyo si Nanay ha?"

Then, tumango ako at nakita ko ang "Nanay" na tatabi sa amin. She asked me before siya maupo.

"May kasama ka?"

"Opo (smile)"

"Ah, san sya mauupo, sa harap mo o dito (sabay turo sa tabi ko)

Since I saw na nakalagay na ang mga orders ni Lola sa upuang tinuro niya at sa harap ko naman  talaga papaipuin si Boyfie, syempre pinaupo ko na sya sa upuang malapit sa kanya. May dala yung crew na one piece chicken saka drinks for Lola. Then habang nagtetext ako, aba! Umorder pa pala si Lola ng Halo-halo. Then naghihintay ako ng tatabi sa kanyang kasama niya or apo or anak niya. Pero wala.

Dumating na si darius and Lola stared to him and gave a big smile. Dumating na rin ang orders naming dalawa (Lauriat, 1 piece chicken, 2 chao fan, steamed kangkong, pineapple juice and coke) Pasensya na kayo. Ganyan talaga ang order namin ni boyfiee sa chowking. Tandem yan. Hmm. Goin' back, of course 1 table is not enough for our orders plus may mga condiments pang nakalagay dun. Dahil nahihiya yung darius ko na maglapag ng chao fan sa table ni Lola, pinagkakasya niya yun sa table namin. Then Lola told him

Lola: Sige, dito mo nalang ilagay. Baka malaglag pa yan. Sayang naman.

Darius: Ay, thank you po. (smile)

Then habang kumakain kami, paghigop ni bf sa drinks niya it was a COKE instead of SARSI. He really like to drink sarsi so sa hiya niyang ipabalik yun, ako nalang yung magbabalik so that mapleasure yung pagkain niya dahil sa sarsi na gustung gusto niya. Then naririnig ni Lola yung pinaguusapan namin. She told us:

Lola: Anong problema?
Darius: Kasi po sarsi po inorder ko pero coke po yung binigay. Nakalagay nga rin po sa resibo sarsi eh.
Lola: Ah, ganun? Hayaan mo na. Pareho lang yan eh.

May point si Lola kasi pareho lang naman yun na drinks eh. But my point here is gusto ko naman na masatisfy si darius sa kinakain niya. So, pinilit ko yung gusto ko. Isa pa, mali naman ng Chowking yun.

Lola: Ibabalik lang din nila yan sa lalagyan kapag binalik niyo sa kanila yan. Ihahalo nila yan na parang giniling.
Me&Darius: *laughed*

Then, sa sobrang daming tao, mga 5 mins ko pa nakausap yung isang crew.

Me: Sir, yung inorder po namin is SARSI not COKE. Kahit tingnan niyo po sa resibo pero binigay po sa counter ay coke.

Crew: Ah, Okay. Wait mam.

Lola: Iho, Pahingi pa nga ng kanin.

Crew: 17 lang po mam.

Sa isip-isip ko sa tanda ni lola hindi na dapat sya kumakain ng marami kasi masama na yun para sa kanya. Sa family kasi namen ganun, lola ko, mga tita ko.  Kaya nagulat ako.

Bumalik na yung crew, he gave back a drink and gave lola a rice.

Lola: Pinalitan nila?

Me: Opo. Okay na po.

Lola: Oh, baka iba nanaman yan. I check mo baka pepsi yan. (while laughing)

Darius: Dipo, okay na po ito. (smile)

Lola: Akala ko hindi eh.

*SILENCE*

Me: Lola, ang taray! Ang dami niyong order!

Lola: *laughed* Ay konti lang yan.

Darius: Eh bakit po kayo lang mag-isa dito?

Lola: Eh kasi ayaw ko na isama yung mga apo ko.

Darius: San po kayo galing niyan?

Lola: Nagsimba ako, eh ang init kasi kaya dumaan muna ako dito.

Me: Mayaman po yata kayo. Pa-chowking chowking na lang kayo.

Lola: Ay jusko, hindi ako mayaman. Bigay lang ng mga anak, apo yung pera ko.

Sinasalinan ako ng chao fan ni BF.

Me: Uy tama na! Ibaba mo naman!

Lola: Ibaba mo kasi (laughing) Ang dami niyo naman kasing order. Magkano lahat yan?

Me: (Smile)

Darius: Hehe. Bale, 368 po.

Lola: Ang laki din ano?

Darius: Sakto lang po yan, para mabusog po ito. Para walang masabi ang nanay niya sa akin.

Lola: Ay ganun?

Darius: De, biro lang po. Ganito po talaga yung lagi naming ginagawa, kumain lang ng kumain.

Lola: Kung ako lang din naman ang nanay niya sasabihin ko sayo na "Sige, pakainin mo lang ng pakainin ang anak ko." (laugh) Nagtatrabaho na ba kayo?

Darius: Naku! Hindi po! Estudyante palang po kami.

Lola: Ay naku! Ganun ba? San naman kayo nag-aaral at anong year niyo na?

Darius: Siya po sa Bestlink ako po sa AMA. Ako po graduating siya po magthithird year.

Lola: Ilan taon na kayo?

Darius: Ay 18 po siya ako po 19.

Wow! Nagiinterview si lola. Ang cool niya talaga magsalita pero ang simple lang ng damitan niya.

Lola: Ay jusko! Ang babata pa ninyo. Dapat magtrabaho muna bago mag-asawa. Kung anak ko pala talaga siya di kita ibibigay sa kanya.

Darius: (tawa) Ay opo naman po, ayoko rin naman pong umasa sa mga magulang ko.

Then umepal ako.

Me: Kasi po nasa ibang bansa ang mama niya. Nandito lang po yan para mag-aral. After po ng working experience niya dito, uuwi na po siya sa kanila sa SAUDI.

Lola: Ah ganun? Sino kasama mo sa bahay?

Darius: ako lang po mag-isa.

Lola: Naku. Kailangan mo nga ng kasama.

Darius: Ok lang po sanay na. Kaya nga po wala po sa plano namin yung mag-asawa na agad. Kasi ayoko pong umasa sa mga magulang ko. Nakakahiya din po kasi.

Lola: Aba oo. Kasi nandyan yung isusumbat nila sayo lahat. Saka ha? siguraduhin mong gagraduate ka para ibigay ko sayo ang ANAK ko (sabay tingin sakin)

I smiled and naiiyak kasi natutuwa ako kay lola. Ang cool niya and tinawag niya pa akong ANAK.

Me: Dre, take-out na this!

Darius: Sige wait. *Sir, pa-take naman po nito saka nito saka nito.*

Lola: Saka ito pa. Naku sayang yan.

Crew: Ipaplastik ko nalang ah.

Me: Baka naman iplastik yan ng ganyan ganyan lang.

Crew: (may isang maangas na pananalita) Iseseparate po natin yan mam. Di po kami ganun.

Me to Darius: Luh? Ang ibig kong sabihin, kung iseseparate niya pwede naman niyang istyro kasi kung ipaplastik niya maghahalo halo yun sa loob.

Lola: Ikaw naman! Hayaan mo na.

Me: *Natatawa?*

Lola: Naku dun din sa Chowking sa bayan ang daming nagrereklamo eh.

Darius: Onga po. Hayaan niyo na lang po sila.

Dumating na yung crew after ilang minutes...

Binigay samin yung pinatake out namin ng nakaplastik. Ang baboy ng pagkakalagay niyo fre! Gusto ko magreklamo pero syempre ayokong mainis din sakin si Cool Lola so I keep calm. Nagulat din naman sila nung nakita nila yung plastik. wait. Kinuhaan ko siya ng picture ehh..

Click here for the Picture


Yes, the first picture yun ang steamed kangkong. Ay grabe. Nakakasuya ang itsura. So ganyan pala sila magtake-out sa chowking? Pero nung binigay namin yung steamed kangkong na yun sa kanila, nakastyro yun. So why not, takpan ang styro then iplastik hindi yung itapon ang styro ilagay muna ang bagoong at kangkong s plastik then isara. Kung matino kang tao, hindi mo paghahaluin yun kasi magmumuka yung kaning baboy. and it was so. 

Then the second picture, yun ang canton, rice, and chicken. walang problema sa mga yan kaya lang look. Parang pangkarenderya lang. Im not maarte or what. Nanggaling kasi sa bibig nung crew na hindi sila ganun tapos makikita mo pagbigay sayo ganun. -____- Parang hindi safe, parang ang dumi.

Click here for the picture


Hindi ako hater ng chowking by the way. In fact, laman kami ng chowking ni darius. Pero nagulat ako kasi first kong magpatake out sa kanila. THIS IS SOOOOO UGH!


Then going back kay lola, yun iniwan namin siya na kumakain ng halo-halo. Blinog ko to kasi natutuwa ako sa mga approachable na tao gaya ni Lola. Meron din kasi akong lola and ang lambot ng puso ko pagdating sa mga lola na kagaya niya. Second, i blog this kasi dahil sa inis ko sa Chowking. NO HATE JUST LOVE. HAHAHAHHA. If you're going to ask me about chowking and you're in the nega side, just dont try to, baka isunod kita  sa blog ko. LOL kidding! ;)))


Thanks to all of you who read this! <3

(c)KATRIN JOY A. CIELO
https://www.facebook.com/kjcielo