Tuesday, July 30, 2013

24th. Paano maging masaya?

Paano maging masaya?

Bakit ang drama ng buhay? Hindi mo kasi pwedeng sabihin na ang buhay ay napakadali lang. Kasi una sa lahat kung madali lang ang buhay edi sana walang umiiyak sa problema, walang naghihirap, walang mataas na porsyento ng kriminalidad. Kasi ang katotohanan, mahirap ang mabuhay sa mundo. Una, kahit na alam mo na ang tama sa mali hindi mo pa rin maiwasang magawa yung pangalawa dahil sa mga natural na kasamaan sa mundo. Pangalawa, yung mga kapwa tao mo mismo yung humihila sayo pababa. Tipong nasa taas kana, hindi mo sila mapigilang hatakin ka pababa dahil sa mga makamundong kadahilan. At yung Pangatlo, hindi ka optimistic na tao kaya hindi mo makuhang maging masaya. Kahit na gaano pa kasaklap yung sitwasyon na hinaharap mo sa buhay, dapat lagi mong tinitingnan yung positibong lagay ng buhay mo sa harap ng sitwasyon na yan. Simple lang, maging masaya ka. Ngumiti ka. Magagawa mo yan. 

Pero Paano nga ba maging masaya? Para sa akin may limang pamamaraan kung paano ka magiging masaya. Ilan ay ang mga sumusunod.

1. Matuto kang magpatawad at matuto kang humingi ng tawad.

-subukan mong patawarin yung mga taong may pagkakasala sayo. Subukan mong intindihin sila sa abot ng makakaya mo. Pangalawa, subukan mong humingi ng tawad sa mga taong nasaktan mo, wag mo itaas yung sarili mo lalo na kung ikaw yung mali. Lagi mong tandaan, mali ka man o tama, matuto kang humingi ng tawad ng buong puso. Pinakaimportante sa lahat, humingi ka ng tawad sa Diyos kasi Siya lang yung magbibigay ng kumpletong kasiyahan sayo at wala ng iba pa. Subukan mo lang, ang sarap sa pakiramdam na wala kang kaaway,wala kang kasamaan ng loob at malinis ang puso mo sa harap ng Diyos.

2. Tanggapin mo ang payo ng mga kaibigan, pamilya at mga mahal mo sa buhay.

-lagi kong sinasabi na hindi mo makikita yung sitwasyon kapag ikaw mismo yung nasa sitwasyon na yan. Walang pinagkaiba sa sinasaktan ka ng mahal mo pero hindi mo yun nakikita dahil mahal na mahal mo siya. Sa pagkakataong ganito, kelangan mo ng mga taong tutulong sayong linawin yung tingin mo sa mga bagay-bagay para makumpleto na yung ngiti mo sa labi.

3. Huwag mong iisipin ang mga bagay na talagang magpapalungkot sayo.

-ang vision mo nga ay maging masaya kaya walang dahilan para bigyan mo ng halaga yung mga malulungkot na pangyayari sa buhay mo. Pero wag mo kakalimutan ang mga ito, dahil ito ang dahilan kung bakit ka naging mas malakas. Iwasan mo hangga't maaari kasi mahirap lalo na kung bipolar kang tao. Hindi ka magiging masaya kung binabalikan mo yung mga malulungkot na kaganapan na nangyari sa buhay mo.

4. Huwag kang magsasoundtrip ng malungkot kung magsesenti ka lang din naman.

-iwasan mo ang pagsasoundtrip na mapagaalala sayo ng mga bagay bagay na ikalulungkot mo. Halimbawa, "fixing a broken heart" o kaya "just let it go" o di kaya naman yung theme song niyo ng x mo. Iwasan mo kung gusto mong maging masaya. Isa pa, isama na natin yung pagsasoundtrip sa gitna ng ulan. Sa totoo lang di ako nasesenti sa ulan, nabwibwisit nga ako eh. Pero kung sasabayan mo ng senti na tugtugin malamang masenti ka nga. Tigilan mo, magpatugtog ka ng mga upbeat na tugtugan.

5. Huwag mong dibdibin ang mga maliliit na bagay at kahit na ang malalaking bagay na nangyayari sa buhay mo.

-hindi mo dapat pasanin yung lahat ng sama ng loob na yan, una sa lahat, hindi lang ikaw ang nakakaranas ng sitwasyon na yan. Pangalawa, may mas malala pang sitwasyon dyan kesa sayo at pangatlo, bakit ka malulungkot kung pwede ka namang maging masaya? Dapat nagpapasalamat ka kasi YAN lang ang nangyari sayo, pasalamat ka na naranasan mo yang mga bagay na yan dahil yan ang nagpapatatag sa tao. Pasalamat ka Buhay ka at humihinga. Maliit lang yan kumpara sa mga bagay na nararanasan ng iba. Wag mong dibdibin kasi habang dinidibdib mo mas lalong bibigat ang sitwasyon. 

Special way: sabi ko 5 ways lang. Meron akong free way para maging masaya ang isang tao ng buong buo sa buong buhay niya. Ito yung pinakaspecial at pinakapaborito ko sa lahat.

Way6. Submit yourself to the Lord and follow His ways.

-ibigay mo ng buong puso ang buhay mo sa Diyos at sundin mo Siya. Kapag ginawa mo ang una Siya mismo ang gagawa ng plano sa buhay mo na magbibigay sayo ng kumpletong kasiyahan. Ipakikita Niya sayo na wala ng sinuman, anuman at alinmang bagay ang makakapagpasaya sayo kundi Siya lang, sa piling Niya lang. Kapag ginawa mo ang pangalawa, mananatili kang masaya hanggang sa kahuli-hulihan. Kasi ang katotohanan, sa Kanya mo lang makikita ang tunay at kumpletong kasiyahan na sinuman hindi mabibigay. Bonus pa dun, walang kapalit na hihingin sayo.

Kung titingnan nating lahat na nagbabasa nito, ang simple lang nung limang mga paraan. Pero ang totoo mahirap talagang gawin ang mga yan. Iilan lang yan sa libu-libong mga paraan para maging masaya. Tandaan mo, hindi masamang umiyak at iyakan ang problema, ang masama kung tintalikuran mo ang mga problema mo sa pamamagitan ng pagbibisyo. Oo makakalimutan mo nga pero maaaring isa o dalawang gabi lang ang span pero paumanhin tatawagin kitang DUWAG sa pagkakataong yan. Wag mong takasan, harapin mo, pagtapos niyan makakangiti ka rin at masasabi mong "MASAYA AKO". Last, tatandaan mong nandyan lang Siya at maaaring iwan at bitiwan mo Siya pero sasabihin ko sayo, di ka Niya bibitawan ni iiwan. Lagi mong tandaan kaibigan, OKAY LANG YAN!

Wednesday, July 17, 2013

#23. One-sided love

One-sided love

Blogger's POV:
-sa pinasimpleng mga salita "MAG-ISANG UMIIBIG" 

Nakaranas ka na ba ng mag-isa lang umiibig? Yung tipong mahal mo siya pero di ka niya mahal o kaya mahal mo siya pero may iba siyang mahal. Ano sa tingin mo yung feeling non? Malamang sa malamang "MASAKIT". 

Minsan kasi ang hirap talagang i-identify ng true love sa nadepress lang, sa na-temp lang at sa nabigla lang. Minsan di mo alam mag-isa ka nalang pala dun sa sitwasyon kung saan gustung gusto mong siya yung kasama mo. Ano bang magagawa mo? Hindi mo naman alam paano ka tatakas sa sitwasyong kumulong sayo na ngayon hirap na hirap kang lumabas.

 Bakit ba kasi minsan ang unfair lang ng pag-ibig. Di naman kasi pwedeng pag mahal mo siya dapat mahal ka rin niya. Hindi rin pwedeng patulan ka niya habang may pinapatulan siyang mas mahal niya. Sana pwede na lang na mahalin ka ng taong mahal na mahal mo. 

Mahirap kasi minsan yung nasa sitwasyon na dapat kang mamili. Lalo na kung yung taong gusto mo may gustong iba. Iisipin mo na lang na baka masira mo pa yung meron sila. Nakakainis na kasi kapag ang puso, tumibok sa maling panahon pero sa tamang tao at sa tamang panahon sa maling tao. 

Magiging walang saysay ang blog na ito kung walang ganito: tips and tricks? I mean, paano mo malalaman na nasa one-sided pag-ibig ka?

1. Hindi ikaw ang priority niya

-actually maraming mga bagay na dapat ipriority sa buhay bukod sa pag-ibig. Pero kung nasa sitwasyon kang ganito, ito yung tipong inaatupag lang niya ang paglalaro niya habang ikaw? Naghihintay sa text niya.

2. Nageentertain siya ng ibang tao at tratong tulad ng sa level niyo

- kung mahal ka rin niya dapat kuntento na siya sayo at di na siya maghahanap pa ng ibang taong magpapasaya sa kanya!

3. Hindi ka dinadala sa bahay

-most esp sa mga babae to, actually kung mahal ka talaga ng lalaki hindi ka kung saan lang dadalhin niyan, ipapakilala ka niyan sa pamilya niya.

4. Hindi sayo pinapahawak ang kanyang phone

-alam mo na kung bakit diba? Obvious ba? Malamang may tinatago yan siya. Hindi ka niya mahal kung ganyan, MAHALAGA KA LANG O MAY KAILANGAN LANG SYA SAYO!

5. Hindi siya makapili sa inyong dalawa

-applicable ito sa may mga 3rd party. Nahihirapan siyang pumili dahil dalawa kayong mahal niya which is hinding hindi pwede. 

Mahirap pumasok sa isang relasyon na wala namang kasiguraduhan. Walang kasiguraduhan kung ikaw ba talaga o mahal ka niya talaga! Masakit oo, mahirap oo at masaklap oo. Pero kung hindi mo kayang bumitiw, tanggapin mo nalang ang katotohanan na dalawa ang pwedeng kahantungan niyan, lokohin ka niya at masaktan ka saka lokohin ka niya at maging masaya ka. Dapat maging matalino ka, maging strong at maging handa ka sa mga dapat mangyari. Kung ano kalabasan, tanggapin mo, choice mo yan eh.

"Hindi mo makikita ang picture kung ikaw mismo yung kinukuhaan." Ibig sabihin, hindi mo makikita ng maayos yung sitwasyong kinalalagyan mo kapag ikaw yung nasa sitwasyon na yun. Maganda rin na magtanong sa mga tunay na kaibigan dahil sila yung mga taong bukas yung mga mata sa dapat makita at hindi ka nila ipapahamak. Para sayo yan prend. Mga ganon? Lastly, walang ibang perfect na makakatulong sayo na siguradong hindi ka talaga mabibigo -ang Diyos. Manghingi ka ng payo at lakas sa Kanya. Dadalhin ka niya sa tama at maayos na landas na sya mo dapat tinatahak. 


(c) katrin joy alesna cielo
http://facebook.com/kjcielo