Saturday, December 7, 2013

34th. Usapang Pangarap


Pangarap? Saan ba naguumpisa ang pangarap? Ayon sa isang speaker, mula bata pa lamang tayo meron na tayong mga pangarap. Pangarap na gustong abutin. Pangarap para sa paglaki. Gusto mong maging doktor, pangarap mong maging teacher, pangarap mong makatapos ng pagaaral at makatulong sa mga magulang. Pero habang lumalaki ka, unti unti namang nilalamon ng realidad ng buhay ang pangarap mong inaasam. Nakikita mo na imposible, hindi na kaya, hanggang dyan na lang at wala ng pag-asa. Pero bakit ka ba nabubuhay sa mundo? Para sa akin kasi bilang isang estudyanteng blogger, nabubuhay ako sa mundo para sa mga PANGARAP ko. Para saan pa ang mabuhay sa mundo, kung wala kang gustong abutin hindi ba?

Tanong: Ano bang dapat nateng gawin sa pag-abot ng ating mga pangarap? Sagot: MARAMI. Naniniwala kasi ako na ang taong may pangarap sa buhay ay ang taong maparaan, taong may determinasyon. Hindi kasi ibig sabihin na una pa lang palpak ka na, sa susunod palpak ulit. Maaaring oo magkamali ka ulit at hindi maging matagumpay pero hindi ibig sabihin non ay "PAGSUKO". Sumusuko lang ang tao kapag hindi na niya kayang magpatuloy at doon namamatay ang PANGARAP niya. Naalala mo tong quote na ito, "Try and try until you succeed"? Bata pa lang ako yan lagi ang motto ko sa Slam notebook ng mga kaklase ko, sigurado kayo din. Napakaluma na niyan pero subukan mong basahin between the lines. Marami kang marerealize. Hindi naman masamang subukan eh, alam mo anong sayang? Yung opportunity na hindi mo man lang nasubukan. Ang palatandaan na sinusubukan mo ay ang paulit ulit mong pagkakamali na sa huli ay naniniwala kang maaabot mo 'to. Sabi nga nila, "If you never try, you'll never know".

Masarap mangarap, pero ang pinakamasarap don ay buhay ang pangarap mo. Hindi mo pinapangarap ng gising kundi binubuhay mo. Ang buhay maikli lang, baka nga kahit 100 years old ka na, hindi mo pa rin nagagawa ang mga bagay na gusto mong gawin kasi maikli ang panahon kaya manatili kang gising para sa pangarap mo. Huwag mo hayaang ang mga pangarap mo ay maging mga pangarap na lang. Ang mangarap naman ay walang expiration date, kaya kung nagkamali ka ngayon huminga ka lang ng malalim at subukan mo ulit.

Sa pag-abot mo ng mga pangarap mo marami kang haharaping problema na pipilitin kang pasukuin. Mga panahong naiisip mong wag na lang kaya at saka nalang kaya. May mga taong hihilahin ka pababa at maraming taong sasaktan ka ng mga matatalim nilang mga salita. Pero sana lagi mo lang iisipin na lahat ng ito ay pagsubok lang. Kung madali mo lang makukuha ang pangarap mo hindi yon worth it. Pero kung lahat ng meron ka ay galing sa dugo't pawis mo at sa lahat ng paghihirap mo, ayun ang pangarap na masarap ipagmalaki. Alam naman nating lahat na kapag gumawa ka ng masama o kahit gumawa ka pa ng mabuti, may masasabi at masasabi sayo ang tao. Ito na lang isipin mo, kung sinasabi nilang hindi mo kaya, aba! Mas lalo mo pa dapat kayanin kasi alam mo kung bakit? Kung maniniwala ka sa kanila na hindi mo nga kaya, pinatunayan mo lang sa sarili mo na wala kang kapasidad na abutin ang mga pangarap mo. Pero kung ipagpapatuloy mo lang, mapapatunayan mo sa kanila na KAYA MO at sila HINDI sabi nga nila "Success is the best revenge".

Alam mo ano yung naglalarawan sa atin? Ayun ay kung papano tayo babangon pagkatapos nating bumagsak. Kung iiwan mo lang ang sarili mong lugmok at walang pag-asa, sasabihin ko sayo, bumangon ka at subukan mo lang ulit. Kapag ayaw, try mo lang ng try. Tatag, lakas ng loob at determinasyon ang kailangan ng tao para buhayin ang kanyang pangarap. Payo ko lang, wag mo kakalimutang lumapit sa Panginoon, magdasal ka at magtiwala sa Kanya. Balewala lahat ng paghihirap mo kung hindi mo ginagawang sentro ng buhay mo ang Diyos.  Tandaan mo, lahat ng bagay sa mundo ay pansamantala, kaya kapag may nangyaring maganda sa buhay mo, ienjoy mo lang kasi hindi yan panghabambuhay at lilipas din yan at kapag may nangyari naman sayong hindi maganda, wag kang magalala hindi rin yan panghabambuhay at lilipas din yan. Subukan mo lang, may mararating ka.


.






Friday, November 15, 2013

33rd. #BangonPilipinas

Hindi lingid sa ating kaalaman ang bangungot na naranasan at nararanasan ng Visayas ngayon lalung-lalo na ang Tacloban na matinding tinamaan ng pinakamalakas na bagyo sa buong mundo, ang Super typhoon Haiyan o mas kilala bilang Bagyong Yolanda.

Napakalawak na pinsala ang iniwan ni Yolanda. Halos magmukang ghost town ang nasabing lugar. Wala halos bahay na matindig tumayo. Ang masakit sa matang makikita mo lamang ay ang kaliwa't kanang nagkalat na mga debris mula sa mga bahay, puno, imprastraktura at maging mga walang buhay na mga tao na nakasabit sa puno, naiwan sa kalsada pati mga nabaon sa putikan matapos ang isang malawakang pagbaha.

Hindi maipinta ang mga mukha ng mga taong kinukunan ng pahayag sa nangyari at sa pagkaligtas nila. Walang laman ang balita sa buong linggo kundi mga balita ukol sa mga nasalanta. Mga balitang kukurot sa iyong puso, balitang hindi mapipigilan ang iyong pagtangis dahil sa hindi mo maipaliwanag na nararamdaman para sa kanila. Maging ako, hindi mapigilang mapaiyak sa aking mga napapanuod at naririnig. Para bang isang panaginip sa ating lahat at sa bawat biktima ng sakuna. Wala kang ibang kakapitan kundi ang Diyos, wag kayong bibitiw.

Ilang araw na ang nakalipas at nagkaroon na ng iba't ibang aksyon ang gobyerno, private sectors, simpleng mamamayan ng bansa at ang pagbuhos ng biyaya mula sa mga dayuhan. Kaliwa't kanan ang donasyon na natatanggap ng mga drop off points maging pinansyal, gamot man o mga damit galing sa iba't ibang klase ng tao sa bansa, mayaman man o mahirap. 

Ngunit sa mga iba't ibang dahilan, kahit na maraming buhos ng tulong ang natatanggap ng bansa mula sa ibat ibang parte ng mundo, hindi pa rin maiwasan na hindi agad ito makarating sa mga nangangailangan. Bilang isang estudyanteng simpleng mamamayang blogger na nagbibigay ng opinyon sa inyo, sa aking palagay at ayon sa aking napanuod sa balita mula sa mga dayuhang tumutulong sa bansa, hindi raw talaga madali ang pagdidistribute ng mga goods sa mga tao lalo na sa sinapit na napakalawak na pinsala sa Tacloban. Gayundin daw ang naganap sa isang bansang kanilang tinulungan. Isa pa, sa laking pinsala na inabot ng Tacloban, nahirapang pumasok ang mga truck sa lugar mismo ng pinangyarihan kung kayat kinailangan pa nilang gumamit ng mga sasakyang panghimpapawid. Pangatlo, sa tingin ko hindi agad agad makakabangon ang Tacloban ng ganoong kabilis kung kaya't araw araw silang kailangang pakainin sa loob ng ilang buwan kaya ang budget na nalikom ay sigurong kailangang dumaan sa plano ng pagbabadyet upang tama ang pagkakagastos at walang masayang. Kanina sa balita, sinabi na kailangan nilang pakainin ang almost 1.4 million na tao sa Tacloban. Kaya sa gutom ng tao nagkaroon ng looting sa lugar at ultimo ang mga nagdadala ng relief goods ay hinaharang sa mga daanan hindi pa man din nakakarating sa lugar ng pagsasagawa ng aksyon.

Sa panahon ngayon ang daming nagtatalo dahil sa bagal ng proseso, mga samaan ng loob at maging ang mga relihiyon. Pero sa totoo lang? Wala tayo sa lugar na yan para makipagtalo. Unahin natin ang problema wag nating sanga sangahin dahil tayong mga Pilipino rin ang mapapahiya. Pilipino tayo pero mismo tayo nagbabangayan. Kung ang problema mo ay ang gobyerno, wala kang alam sa ginagawa nilang aksyon. Ang tanging magagawa natin bukod sa pagbibigay ng tulong pinansyal at materyal, bakit hindi mo subukang ipikit ang iyong mga mata, yumuko ka at tumawag sa Panginoon. Wala kang ibang kakapitan, lalapitan at wala kang ibang pwedeng hingan ng tulong sa pagkakataong ito kundi ang Diyos. Magdasal tayo. Makikita natin na unti-unting babangon ang Pilipinas mula sa sunud-sunod na masamang pangyayari sa bansa. Makikita mo babangon ang Pinas dahil sabi nga sa kanta ni Bamboo "Pinoy ako! Buo aking loob may agimat ang dugo ko." Kaya, #BangonPilipinas










Saturday, November 9, 2013

32nd. Born this way

Born this way.

"Im beautiful in my way cause God made no mistakes, Im on the right track baby I was born this way.'' - Born this way by Lady Gaga.

Sabi nila, dalawang uri lang ng kasarian ng tao ang nilikha ng Diyos, ang lalaki at ang babae. Kaya mainit sa mata ng publiko ang mga lesbian at mga gay. Mga tao rin naman sila. Hindi nila kasalanan na maging ganon sila. Tao rin sila, nasasaktan kung nakukutya at nababastos, nanghihina kung pilit silang binababa ng mga nakapaligid sa kanila at nangungulila kung hindi tanggap ng kanilang kapwa. Pero sa lagay nilang ganito, mas tao pa sila sa mala hayop na ugali ng mga nagsasabing salot sila sa lipunan, hindi sila gawa ng Diyos at makasalanan silang mga nilalang. Sa totoo lang, hindi kasalanan ang maging lesbian o gay. Ang kasalanan doon ay kung tataliwas ka sa utos ng Diyos na nakasaad sa Bibliya.

Diyos lamang ang may karapatang humusga sa bawat isa.

Hindi madaling tumakas sa katotohanang ganyan sila ipinanganak, pero madaling tanggapin ang lahat kung ang mga tao sa paligid nila ay patuloy silang aalagaan at mamahalin. Susuportahan at handang sumabay sa kanila sa anumang problemang kahaharapin nila, kasi nga Tao din sila. Ang kailangan nila ay ang paniniwala na may magagawa sila at may kaya pa silang gawin at maiambag sa bayan. REALTALK: Hindi nila kailangan ng mga taong makakasira sa kanilang mga pangarap.

Lalaki, babae, lesbian at gay, kahit na ano pa sila, wala silang hinihingi sa atin kundi ang RESPETO! Respeto sa mga taong hindi naniniwala sa kanila. Sabi nga nila, kung wala kang magandang sasabihin, mabuting itikom mo na lamang ang iyong bibig at gumawa ka ng maganda sa yong buhay. 

Realtalk: Mind your own business!


(c)Katrin Joy Alesna Cielo
www.facebook.com/kjcielo
09263809921
katrella_09@yahoo.com

Thursday, October 24, 2013

31st. Wakeful nights



Ang blog na ito ay iniaalay ko sa kapwa ko mga studyante na naglaan ng isandaang porsyento sa mga gawaing pampaaralan at nakamit ang katagumpayan na pinakaaasam.

Sabi ko, niyo at nila na ang pag-aaral ay may malaking ambag sa buhay ng isang tao. EDUKASYON lamang ang napakagandang rwgalo sa atin ng ating mga magulang. Kaya kahit na minor lang yan o major subject kailangan mo yan bigyan ng effort at matinding galawan dahil nag-aral ka para matuto, hindi para maging tamad at magreklamo. Kung tunay kang estudyante, naranasan mo naba?

(1) Naranasan mo na bang matulog ng umaga na? Hindi maaga kundi umaga na. Yung tipong nagsimula ka ng umaga matatapos ka ng umaga kinabukasan. Sa mga panahong ito, nocturnal students tayo. Pag tilaok ng manok at pagsikat ni haring araw, doon pa lang tayo dadatnan ng antok! Ubos na ang kape! Para tayong naglalamay sa kawalan. Tapos paggising mo, umpisa ulit. (2) Kalakip ng walang tulog ay ang walang ligo! Sige aminin na natin na nakakatamad maligo kapag tambak ang gawain at iniisip natin na aksaya lang sa oras ang pagligo kung sa loob ng nilagi mo sa banyo ay marami ka ng magagawa. Matindi talaga ang dedikasyon mo sa katawan kung gayon. (3) Partner ng walang pagkaligo at walang pagkatulog ay ang walang pagkakain! Mahirap talagang kumain kapag marami kang iniisip at marami kang ginagawa. Minsan nga, kami? Bilang BSIT students, kumakain na lang sa tapat ng pc, laptop, study table at kung minsan nga pumapasok ng walang kain kain at pag breaktime dun na lang nakakatiempo.

(4) Maraming nasisirang pagkakaibigan dahil sa mga school works. Hindi yan maiiwasan. Kahit na ayaw mo silang kagalitan o kainisan, kaiinisan mo pa rin sila. May mga estudyante kasi na parang walang pangarap sa buhay. Tipong kapag gawaan ng schoolworks o kapag busy ang lahat hindi mo sya mahahagilap. Pero kapag pasahan na saka naman sila nagsisilutangan. Masakit talaga sa part ng isang masipag na estudyante na magkakaroon ng mataas na marka ang isang taong wala namang ginawa. Hindi rin kasi maiwasan na magkaroon ng mga ganyang kagrupo. Kasi, alam nila na may gagawa. May sinasandalan sila at may inaasahan. Hayaan na lang natin sila, gaganti rin ang panahon. (5) Ang masarap na part naman ng hellweek ay ang mga overnight. Masarap kaya magfoodtrip tapos maranasan mong halos buong araw kang gising tapos pag-uusapan niyo ang mga crushes niyo, lovelife tapos magkakalabasan ng mga secrets at di maiiwasang pagusapan ang mga kaklase mong mga kalahating tamad at kalahating ninja. Pinakamalupit na part pa dyan kapag may naunang matulog minsan pagtitripan pa. Mabenta ang kape sa mga tindahan nung hellweek promise.


(6) May iiyak at iiyak sa paggawa ng schoolworks, sa paghahabol, sa reklamo at may iiyak dahil sa pagkakaibigan. Sabi nila kailangan daw may umiyak muna sa grupo bago pumasa. Naranasan mo na ba to? Yung tipong naiyak ka na lang dahil feeling mo hindi ka papasa. Feeling mo wala na kayong pag-asa at feeling mo hindi mo na kaya. Normal lang naman yung feeling feeling na yan. Mas masarap na maranasan mo lahat ng hirap at pagod kesa naman sinuko mo lahat agad at tumunganga ka lang, nanuod at naghintay at magic na nakapasa ka. Swerte yun pero nakakahiya ka sa ibang mga kasabayan mo. Halos 20+ years kang pumapasok sa eskwelahan pero pagtapos ng lahat, bihira mo na mararanasan yung pagod at hirap plus yung magtagumpay kasi tinalunan mo lahat ng problema. (7) Kung nakakaiyak ang paggawa ng schoolworks mas nakakaiyak kung wala ka ng pera! Sa totoo lang mahirap talagang kumilos kapag wala kang madukot sa wallet mo. Siyempre kaliwa't kanan ang bayarin, print dito, print doon tapos revisions pa bayad ulit, tapos kabilaang groupstudy, siyempre may mga iilang bahay na sasagutin ang pagkain niyo pero mas madalas yung ambagan tapos kain plus pamasahe pa papunta at pabalik tapos pasok sa school.

(8) Nakakatakot bumagsak pero mas nakakatakot magalit ang mga nanay natin. Mahirap talagang paniwalain ang magulang kung ikaw ang tipo ng anak na lakwatsera at kung saan-saan nakakarating kaya kapag tunay na grupstudy na talaga ang pupuntahan mo pinaghihinalaan ka na ng nanay mo. Halos tumira ka ba naman sa ibang bahay may bahay naman kayo matapos lang ang schoolworks mo. Hindi mo rin kasi masisisi ang mga magulang kasi ilang taon ka nilang iningatan baka mapano ka sa daan. Minsan gabi ka na umuwi minsan naman umaga na. Kaya wag kang magalit kasi malaki ang puso nila para sa mga anak nila kahit gaano ka pa kapasaway.

(9) Hindi lang isa ang pinagpupuyatan mo, tambak ang gawain mo! Hindi mo maiiwasan na magkaroon ka ng 6 na subjects apat na major at dalawang minor. Wala kang palag kung magsabay-sabay ang anim mong subjects kahit major o minor pa yan na magpagawa sayo ng tambak na project requirement dahil hindi rin naman nila kasalanan na i-require sa kanila yun ng department heads at ang mga nasa taas. Estudyante ka, gumawa ka ng paraan pano mo mapagkakasya ang paggawa ng mga yan. Ika nga nila "DEADLINE IS OUR GREATEST INSPIRATION". Mas maaga mo matapos, mas maganda. (10) No social life, No love life o Nasirang love life. Ito ang pinakamasaklap sa lahat. Wala ka ng social life. Puro kaharap mo lang, notebook, libro, computer, ballpen at mga resources mo sa paggawa ng projects mo. Halos hindi ka na lumalabas ng bahay at wala ka ng kinakausap na tumatagal ng 10minutes sa sobra mong busy. Kahit mismo sa bahay niyo wala ng pansinan. Minsan darating sila na may ginagawa ka at uuwi sila na madadatnan ka sa parehong pwesto at sa pagkakataong ito, muka ka ng zombie. Halos ang update mo na lang sa facebook ay ang mga karaniwang tinatapos mo sa school at wala kang oras makipagchat. Kung makikipagchat ka man o makikipagusap sa iba ay tungkol pa rin sa school works. Ang masaklap dun, nagbreak kayo ng gf/bf mo dahil wala ka ng oras sa kanya at dahil tanga sya hindi ka nya naintindihan at iniwan ka niya. Sigurado ako marami rin nagkainlovan nung hellweek! Ang dami mo sigurong kwento no? I-blog mo yan!


...at dahil isa ako sa nakaranas ng HELLWEEK, isheshare ko lang ang mga KALAWANG MOMENTS na naranasan ko.

****Naranasan kong magbirthday sa gitna ng hellweek! At ang masayang part dun? Nandun ang mga kaklase ko at huminto pansamantala ang busy day namin at nagsaya ng onti. May mga iba pa rin na gumagawa ng projects sa gitna ng kasiyahan.****

****Naranasan ko rin na kwenstyunin ang pagkakaibigan namin at umiyak sa harap ng professor dahil sa tanong niyang iyon. Naranasan kong magalit sa mga miyembro ko.****

****Alam niyo bang muntikan na kaming hindi makapagdefense sa Software eng dahil kulang ang docu at ang system namin? Naranasan namin na magstay sa loob ng school na kami na lang yung studyante at last minute na nakapagdefense sa awa ng Diyos!****

****Nakakatawang part, dahil sa sobrang busy namin gumawa pa kami ng time frame para lang maggive way sa different subjects at sa mga random groups****




Kahit na mangandaiyak-iyak kayo sa pagtapos ng mga requirements niyo sa sa school masarap ang feeling, ay mali, sobrang sarap ng feeling kapag natapos mo ang lahat at naging successful ang lahat ng pagod at puyat mo. Pinakamalaking kalaban mo sa pagkakataong ito ay ang ANTOK at PAGOD. Lagi mong iisipin na kung yung mga nagpapaaral nga sayo nagsusumikap makapagtrabaho matutustusan lang ang edukasyon mo, ikaw pa kaya? Ganti mo na lang din sa kanila yan. Hindi lang ikaw yung masaya syempre pati sila. Isipin mo rin na nababawi ang tulog, pero yung mga panahon, araw at oras na nawala lalo na ang grades, HINDI NA. Hindi to pananakot para sa mga darating sa kolehiyo kundi isang hamon na kung kaya namin, sigurado akong kaya niyo rin yan. Marami pa kayong pagdadaaanan maaaring mas matindi sa amin pwede ring mas malaki yung butas ng karayom na papasukin niyo.

Kaya para sa lahat ng naka survive sa HELLWEEK! Let's all scream "HELL YEAH!" at para sa mga tumulong, nagmalasakit at para sa mga professor sa likod ng tagumpay ngayong semester, SALAMAT SA INYONG LAHAT lalong lalo na sa gabay at pagpapala ng DIYOS sa bawat isa sa atin! Keep up the good work fellow students! Hey batchmates! Sabay-sabay tayong gagraduate ha! :">



(c) KATRIN JOY CIELO

09263809921








30th. Naudlot na pag-ibig


May mga bagay ka ba na hindi natapos? Mga bagay na naumpisahan at tinamad kang tapusin. Mga bagay na nasimulan ngunit di alam tapusin. Maaaring sa pagsulat, sa paggawa sa bahay, sa panliligaw, pagpasok sa skul, pagcelebrate ng kaarawan at maaaring hindi natapos na pag-ibig.


Minsan ang weird lang talaga ng buhay. Minsan makakatagpo ka ng taong mamahalin niyo ang isa't isa ng sobra sa huli maghihiwalay din naman kayo. Nakakapanghinayang, nakakapanlumo pero mahirap tanggapin ang katotohanan na tapos na kayo. Tapos na. Ibig sabihin, wala ng balikan pa, wala ng part 2 wala ng retake, walang replay at walang rewind. Pero mahirap tukuyin ang mga bagay na nagtapos na lamang bigla. Naalala ko ng makatext ko ang isa sa aking mga kababata, sinabi ko sakanya na ang galing ng mga lalaking magtago ng sikreto. I mean, iba ang mga pinapakita nila at kapag nakahiram ng tapang sa alak, kung anu anong kwento ang ilalabas. Sagot niya sa akin, ''ako nga hindi ko na sinasabi sa iba na may gf ako, kasi alam ko magbebreak din naman kami'', nakainom siya. Nakakatuwang isipin na tapos sya kung magsalita pero di niyo lang alam maraming tao sa mundong to ang may hindi natapos na pag-ibig.


Minsan kasi akala lang lang iba wala na, hindi na nila mahal, wala ng halaga sa kanila, kaya nilang mabuhay araw araw ng masaya ng wala sya. Pero sa huli ang sisi. Hindi napupunta ang pagsisisi sa unahan, laging nasa hulihan. Sabi nga samin ng IT HEAD ng school, kung may pagdedesisyunan kang mga bagay lagi mong iisipin ang consequences ng mga ito. Kaya bago mo tapusin ang lahat sa inyo siguraduhin mong wala ka ng kailangan pa, wala ka ng nararamdaman at siguraduhin mong pag iniwan mo siya hindi mo na sya babalikan pa. Kumbaga, kung magiging magkaibigan man kayo dapat wala ng something pa sa inyo. Kumbaga tapos na. Ending na pero hindi nga lang Happy.


Pero paano yan kapag nakita mo siya tapos tumibok uli ang puso mo na para bang hinahabol ng paghinga mo ang pagtibok nito. Yung tipong nagkaroon uli ng spark at naghugis puso ang mga mata mo sa pagtitig sakanya. Una, maaaring kaya lamang ito nangyari ay dahil nung nakita mo siya hindi mo lang alam yung gagawin mo kapag nakita ka rin niya. Pangalawa, prangkahan, may onting kurot pa rin sa kanya. Kumbaga, history repeats itself at naulit sa part na nainlove ka sa kanya.


Pero ano ang gagawin mo kung sa pagbabalik mo ay wala ka nang balikan? Tipong masaya na siya sa iba at parang wala ka na lang sa kanya at ang tanging nararamdaman niya sayo ay pagmamahal na lamang ng isang kaibigan. Masaya na siya at masaya na sila. Anong gagawin mo? Paguguluhin mo ba ang sitwasyon o ipaglalaban mo ang nararamdaman mo para sa kanya?


Paano naman kung sa pagbabalik mo ay pareho niyo narealized na mahal niyo ang isa't isa. Tipong oo meron syang mahal bago ikaw pero nalimutan niya yon dahil bumalik ang pagmamahal niya sayo tulad nung una. Ano gagawin mo? Magpaparaya ka ba at tatanggapin ang katotohanang hindi mo dapat guluhin ang relasyong nasa kalagayang maayos na o ipaglalaban nyo ang pagmamahalan niyo kahit na alam niyong pareho lang kayong makakasakit ng ibang tao.


Oo. Naudlot ang pag-ibig. Naudlot na pagmamahalan. Wala man lang clue, wala man lang hint kung saang banda kayo maguumpisa muli, kung kelan kayo dapat tumigil, kung kelan niyo dapat ipaglaban. Wala ng pag-asa, kung meron man, may masasaktan. Kung meron man, mahirap takasan. Anong magagawa mo? Nagmamahal ka lang. Nagmamahal ka lang at hindi mo alam kung kelan ka dapat magsimulang magmahal. Kung sino ang dapat at kung ano ang dapat. Dahil sa pag-ibig na kinapapalooban nito, walang trial and error, walang backout, walang double at lalong walang atrasan. Kung gagawin mo yun? Duwag ka.Basta ang alam ko lang, nagmahal ka, minahal ka, nagmahalan kayong isat isa pero naudlot lang.

Sunday, September 29, 2013

29th. Paano mag i LOVE you?



Sabi ng iba, ang pagsasabi ng i love you sa panahon ngayon ay parang pagsasabi na lang ng "HI/HELLO". Ganon na lang kasimple kaya walang dating. Ganon na lang kasimple kaya minsan hindi tanggap ng marami. Ang pagsasabi ng i love you ay parang pagtetake ng exam na hindi mo pinagaralan, mahirap, pagpapawisan ka, kakabahan ka at mangangatog ka dahil sa una pa lang tanggap mo na dapat na pwedeng ibalik sayo ang papel mo na nabigo ka at pwedeng bumalik sayo na tiyak sasaya ka.

Pero naroon pa rin ang kaisipan na nalilimutan natin na sabihin sa kanila kung gaano natin sila kamahal at kung gaano tayo nagpapasalamat na dumating sila sa buhay natin. Hindi natin nalilimutan pero nahihiya tayong sabihin kasi iniisip natin na ang baduy ng salitang iyon. Oo minsan nakakahiya pero kelan mo pa sa kanila sasabihin? Kung kelang wala na sila sa tabi mo? Kung kelang may iba na siyang gusto? Kung kelang nilamon na ng kahihiyan ang puso mo? Kung kelan HULI NA ANG LAHAT?

Para magkaroon ka ng ilang kaalaman dito, narito ang ilang tips para masabi mo ang I LOVE YOU ng walang pagaalinlangan.

A free tip: Define LOVE, LUST and INFATUATION



Ano ba talaga ang pakay mo sa kanya? Gusto mo ba siya? Mahal mo ba? O nadala ka lang ng init ng iyong katawan? Magkaiba ang love sa infatuation. Minsan dyan nagkakamali ang tao. Akala nya mahal niya talaga pero ang totoo, gusto niya lang pala. Kung napagtanto ng puso mo na ang nararamdaman mo sa kanya ay pag-ibig ngang talaga at hindi mo na kaya pang itago, wag kang magalala, sabihin mo na sa kanya. WALA KANG PAKEALAM KUNG HINDI SIYA MAG ILOVEYOU BACK SAYO! ANG MAHALAGA, SINABI MO SA KANYA DAHIL MAY PANININDIGAN KA.

Ano pa bang hihintayin mo diba? Yung may mauna pa sayong iba? Yung nagmumuka kang tanga kapag hindi mo sya kasama dahil hindi mo nasabi sa kanya na mahal mo siya? Kung dehado ka sa laban, hindi yon dahilan para sumuko o hindi na magmahal muli. Ang mahalaga, alam niyang mahal mo siya at nasabi mo sa kanya. Malay mo, mahal ka rin niya nahihiya lang din siya.

 Ngayong alam mo na ang pagkakaiba nila, narito na ang iba-ibang paraan para masabi mo ang I LOVE YOU.

1. Daanin mo sa tradisyunal na paraan.


Sobrang natutuwa ang isang tao kapag nakakatanggap siya ng love letter. Sabihin na nating korni pero ang totoo kasi lahat ng korni yun pa ang sweet kung tutuusin. Kung nahihiya kang sabihin ang magic word, daanin mo sa sulat. Kahit isang simpleng malinis na papel lang. Wag ka na magpaliguy-ligoy pa. Sabihin mo na agad, karakaraka!



2. Take her out on a date (for boys; for girls?Kayo bahala, haha)


Kung ikaw yung tipo ng lalaking gumagastos para sa babae magandang paraan yan para masabi mo na yang pagsinta mo sa kanya. Kung wala sa budget mo ang date, skip this step. Anyway, magandang pagkakataon ang date para masabi mo ang magic word. Aliwin mo siya. Pasiyahin mo siya. Maging komedyante ka sa kanya (ps: yun kasi ang gusto ng mga babae).Pagkatapos nun, perfect time ang paghatid sa kanya sa bahay nila. Bago siya pumasok sa bahay nila. Titigan mo siya (Wag yung tinging manyak) Sabihin mo sakanyang may sasabihan ka sa kanya. Importanteng wag kang matatawa. Iisipin niyang nagbibiro ka lang. "I love you, *insert name here*", tapos ngumiti ka lang sa kanya at kung wala siyang sinabi after 5-10 seconds magpaalam ka na sa kanya. (ANG TAPANG MO NUN!)




3. Ride on a extreme ride out there with him/her.


Kung hindi mo kaya ang dalawang nauna, subukan mo kaya ito? Sumakay kayo sa extreme rides gaya ng Viking or roller coaster. Kapag nandon na kayo pareho sa climax ng rides na yon tipong feeling mo parang bumaligtad na ang mga lamang loob mo sa katawan sa sobrang extreme at wala kang ginawa kundi sumigaw, sasabihin ko sayo, sayang ang sigaw mo. Subukan mong sumigaw ng I LOVE YOU, *insert name here* sa rurok ng inyong kasiyahan. Masaya ka na, nailabas mo na, tingin ko hindi siya maiinis sayo. Kaartehan ng babae kapag sinabihan siya ng i love you at nagalit siya. Promise, ang sweet ng ganon.




4. Srsly.


Kung ayaw mo ng extreme at masyadong maingay na experience, edi pumunta ka sa tahimik na lugar. Gaya ng matataas na lugar, bakuran, mga pasyalan o sa dagat (perfect!) Pwede mo siyang dalhin sa isang lugar kung saan sabay niyong hihintayin ang paglubog ng araw. Ilagay mo sa isipan mong bago lumubog ang araw ay malalaman na niyang mahal mo siya. Napakaganda ng senaryo sa moment mong ito. Sobrang romatic. 



5. Surprise like a sir! <3


Sobrang lakas na ng loob mo at bilib na bilib ako sayo kung magagawa mo to. Yung tipong gagawa ka ng eksena, mapatunayan mo lang na mahal mo siya at maipagmalaki sa harap ng ibang tao na minamahal mo siya. Maaaring bisitahin mo siya ng di sadya sa eskwelahan, trabaho, bahay o simbahan na may dalang bulaklak. Kahit na hindi ka magsalita ng I LOVE YOU halata namang minamahal mo siya. Mas the best yung magpapagawa ka pa ng tarp na may nakalagay na  I LOVE YOU *insert name here* tapos hahawakan mo sa harap ng maraming tao (Ps: May gumawa na sa akin nito at sobrang effort ng ganon at sobrang nakakakilig). Hindi mo kailangang maging galante, simple lang pero ROCK!



Another FREE TIP: 


*Bago mo siya ipakilala sa iba, ipakilala mo muna siya harap ng Diyos. Parang mag-asawa,parang nagsusumpaan? Pero medyo marami ka pang kakaining bigas bago ang lahat. Tipong ipapakilala mo siya sa harap ng Diyos ng sa gayon, malaman niyang secure siya sayo at maniniwala siyang mahal mo talaga sya. Wala namang mas importante pang iba. SIYA at SIYA lang.

Balewala lahat ng tulong na iyan kung wala kang LAKAS NG LOOB. Kung mahal mo, IPAGLABAN MO! Parang ganon? Huminga ka. Humingi ka ng tulong at magdasal ka. Wala namang iba pang tutulong sayo kundi SIYA lang. Ang mahalaga, isipin mo muna kung sigurado ka ba talagang mahal mo siya at hindi ka mukang nantitrip lang. Hindi magandang sasabihin mo sa kanyang mahal mo siya pero hindi pala totoo. Kasi una sa lahat, SOBRANG SAKIT nun kung mahal ka niya talaga. HINDI MO LANG SIYA PINAASA, SINAKTAN MO PA SIYA. Tatlong salita, walong letra pero napakahalaga. Kung hindi ka pa sigurado, wag mong sabihin. At ang maganda, MAGING TOTOO ka lang. Hindi mo kailangang humingi ng kapalit. Tanggapin mo kung dehado ka. Hindi sa lahat ng oras makukuha mo ang gusto mo kahit paghirapan mo pa. Kung hindi para sayo, para yan sa iba. Kung hindi para sayo, meron pa diyan na para sayo.



NOTE: All the images here are not mine. Copyright: GOOGLE IMAGES!


(c) Katrin Joy Alesna Cielo
09263809921
www.facebook.com/kjcielo
www.twitter.com/iamkjoycielo
katrella_09@yahoo.com





















Tuesday, September 3, 2013

28th. Paano maging isang responsableng NETIZEN?



NETIZEN- The term Netizen is a portmanteau of the English words Internet and citizen. It is defined as an entity or person actively involved in online communities and a user of the Internet, especially an avid one. The term can also imply an interest in improving the Internet, especially in regard to open access and free speech. Netizens are also commonly referred to as cybercitizens, which has the same meaning.

Source: http://en.wikipedia.org/wiki/Netizen

Blogger's POV:

Netizen? Hindi na bago sa pandinig ng mga taong halos araw-araw nakaharap sa kanilang mga computer, hindi na bago para sa mga mahilig maglaro, mahilig mag facebook, twitter o tumblr. Hindi na yan bago sa panahon ngayon dahil umiikot na ang mundo natin sa modernong panahon kung saan ito ang trending.

Netizen, galing sa dalawang ingles na salita na Internet at Citizen o mas kilala sa tawag na cybercitizen.  Mga taong gumagamit ng internet para sa ibat ibang social networking sites na ginawa ng mga matatalino't mahuhusay na tao dahil sa likot ng kanilang mga imahinasyon at kaisipan.

Hindi maipagkakaila na ang paggamit ng internet ay sadyang nakakaengganyo, nakakatuwa, nakakadagdag ng kaalaman, nakakaentertain at magandang pampalipas oras pero dahil sa daming benepisyong naibibigay nito sa mga netizen may mga kaakibat itong mga bagay na hindi kaaya-aya kapag sumobra. Minsan mali ang gamit at kung minsan nagiging mitya pa ng iyong buhay. Oo totoo, maraming mga kaso o balita na ang lumabas sa radyo at TV ukol sa mga bagay sa mundo ng cyber. Masasabi natin na hindi lang mga kabataan ang gumagamit nito kundi pati na rin ang mga batang nasa edad lima pataas minsan nga mas mababa pa. Dahil sa hindi mapigilang pagdami o pagtaas ng bilang ng mga pumapasok sa mundong nabanggit, narito ang ilan sa mga dapat tandaan kung paano maging isang mabuti at responsableng netizen.

1. Pagmumura
               
              Huwag magmumura sa kahit na anong social media sites na meron ka. Huwag mong gawin ito GALIT KA MAN O MASAYA. Isipin mo na lang ang mga batang makakabasa niyan. Kung malaman mo na sayo pala natuto ang batang iyon magmura, maipagmalaki mo kaya? Isa pa, ang mga nanay na makakabasa niyan. Sa tingin mo magiging maganda kaya ang tingin nila sa mga magulang mo? Iisipin nila na ganyan ka pinalaki ng mga magulang mo kahit na hindi naman. Sa pagmumura mo hindi lang sila apektado, pati na rin ang mga taong nakakabasa niyan. 

2. Bullying

             Iba ang biro sa natural na pambubully. Pero kung bibiruin mo siguraduhin mong hindi ka makakasakit kasi ang biro ginagawa para magpatawa hindi para manakit. Huwag mong gamitin ang internet para makapanakit ng kapwa mo. May mga batas na ngayon para sa mga bully. Pwedeng maapektuhan ka pwede ring hindi pero hihintayin mo pa ba? Nasasaktan mo ang kapwa mo mentally. Mas matindi ang sakit kapag sa damdamin ang tama kesa sa physical. Ilagay mo na lang ang katayuan mo sa katayuan ng binubully mo, tanong ko sayo, masaktan ka kaya?

3. Support issues and campaigns

             Nabasa ko noong isang araw na dapat ang mga nakakatandaang tao ay ine-encourage ang mga mas nakababata na sumali o lumahok sa mga isyu na tinatalakay sa bansa o mga campaign gaya ng "The Bully Project" at marami pang iba. Dapat na ginagamit nila ang internet sa mga makabuluhang bagay gaya nito at hindi sa kung anu-ano pa man.

4. Sharing Sex tapes and giving negative comments

             Usung-uso ngayon ang mga naglalabasang sex tapes ng mga sikat na artista na talagang pinagpepyestahan ng marami. Hindi magandang gawain ang i-upload mo ang sex tape ng isang tao sikat man ito o hindi para makakuha ka ng maraming followers o likers sa facebook. Uso nga, nakiuso ka pero at the end of the day naisip mo kaya na mali ang ginawa mo? Una sa lahat, private things yan ng isang tao na hindi mo dapat ginagalaw o pinapakealaman.Kahit pa alam mong mali man o tama ang kanilang ginawa. Kapag inupload mo yan o shinare mo sa facebook o kahit saang social media sites sa tingin mo mga matatanda lang kaya ang makakakita niyan? Minumulat lalo ang mga batang murang mura pa ang isipan sa mga bagay na dapat hindi pa nila nalalaman. Kung napanood mo ang video o kung narinig mo ang balita tungkol dito, magbibigay ka pa ba ng mga komento na makakasama sa nasa video? Kung responsable ka maaaring huwag mo ng pansinin ang isyu dahil makakadagdag ka lang o di kaya iencourage mo ang biktima. Hindi magandang nakikisawsaw ka pa sa isyu gayong mata mo lang ang nakakita pero ni hindi mo naman alam ang kwento. Anong malay mo? Kinuwento lang naman. Napanood mo lang naman. Mag-isip ka, ilagay mo uli ang sapatos mo sa sapatos ng iba.

5. Posting and sharing indecent photos

            Hindi ito nalalayo sa pang-apat. Huwag mag-upload ng mga larawan na kabastos bastos sa paningin ng ibang tao gaya ng picture na kita ang cleavage o naka perfect shorts. Nasasayo naman yan. Kung gusto mo mabastos edi ipost mo pero challenge, wag kang magagalit sa sasabihin nila. Tiyak hahakot yan ng sari saring batikos. Nasaan ang pagiging responsibilidad don diba? Maganda na yung ipost mo yong picture mo na maayos ang pananamit mo hindi yung nakabad finger ka pa. One more thing, sa palagay ko kasama na rin dito ang pagpopost ng mga larawan kasama ang alak lalong lalo na kung isa kang estudyante at nakasuot pa ng uniform sa inuman. Hindi isang magandang halimbawa ang ganito. Gayundin, kung makakakita ng mga larawang kabastos bastos huwag na lamang itong ishare bagkus ireport as abuse.

6.  Go Offline if necessary

              Huwag kang gumamit ng internet kung mainit ang iyong ulo. Hindi kasi magiging maganda ang status mo at may tendency na mangaway ka ng kaibigan mo. Mas mabuting wag ka na lang mag online kung masama ang iyong loob. Unang una sa lahat, hindi ginawa ang facebook para labasan mo ng sama ng loob mo o para mangaway ng tao. Ginawa ito sa dahilang may kinalaman sa "SOCIAL LIFE" ng tao.

7. Dont make fake accounts and dont hack for negative purposes

              Huwag gumawa ng fake accounts ng ibang tao at magpopost ng mga hindi katanggap-tanggap na mga pahayag. Hindi mo alam ang ginagawa mong isyu sa lagay na iyan. Hindi mo na rin dapat pang mang hack ng facebook account or any sites ng tao. Kung naiinggit ka, gawin mo siyang inspirasyon para makarating kung saan sya ngayon o mahigitan mo pa siya. Pero ang pagkuha sa accounts nila ay napakawalang hiyang gawain.

8. Stop posting any false information

               Kung isa kang responsableng netizen, maaari kang pagkatiwalaan sa mga mahahalagang impormasyon gaya ng kung wala bang pasok dahil sa bagyo o ano ba ang tunay na nangyari kung alam mo ganito ganyan. Kung magbibigay ka ng maling impomasyon sa mga taong magtatanong sayo, maaaring magkamali sila sa mga lalabas din sakanilang mga bibig.

9. Make sure you are always aware
    
               Marapat lamang na alam natin ang mga buttons na ating kiniclick at trusted ang site na pupuntahan nito. Maraming virus ang naglalabasan at kung nabiktima ka nito isa ka ren sa nagpakalat ng virus. Basahin mo ang mga last part ng link na binibigay sayo ng sa gayon malalaman mo kung importante ba ito o hindi. I message mo ang nagsend sayo ng link at itanong para saan iyon kapag walang sagot huwag ng iclick. Huwag din maniniwala sa mga ads na nagsasabing nanalo ka sa ganito ganyan kahit hindi ka man nagregister.

Ilan lamang yan sa dami ng responsibility ng isang netizen. Wala pa iyan sa kalahati kung tutuusin. Alam naman natin ang tama sa mali pero hindi talaga maiiwasan minsan na magawa ang pagkakamali. Sa una na magawa mo ito maaaring hindi mo ito sinasadya pero sa susunod na magawa mo ito, its a choice. Narito pa ang ilang abiso para sa mga netizen sa bansa.

***Para sa mga nakakatanda, turuan ninyo ang mga nakababata na mas magandang mamuhay sa real world kaysa virtual. Mabuti pang habang bata pa ang mga ito ituro na ang tamang paggamit sa internet at maiging bantayan ang mga ito.***

***Maiging magpalit ng password sa loob pagkatapos ng anim na buwan at huwag kaninuman ipamimigay ang password kahit na sa pinakamahalagang tao sa iyong buhay.***

***Iwasan na lamang kumuha ng mga larawan ng sarili na medyo kabastos-bastos ang pose kahit man wala kang balak ipost pa ito dahil maaaring makuha ito ng ibang tao at sila mismo ang mag-upload nito kahit ayaw mo.***

***Huwag basta maniniwala sa mga nakikta sa internet dahil hindi naman lahat ay totoo. Hindi lahat napatunayan. Mas maiging magsagawa ng mga pag-aaral hindi lamang sa internet pati sa mga libro at sa mga mapagkakatiwalaang tao na may kaalaman sa bagay na iyong nakita.***


Ang pagiging isang mabuting netizen ay inuumpisahan sa gawa hindi sa salita. Maraming maaaring maging dulot ang maling paggamit ng internet. Hanggat may oras pa, maging responsable ka na sa mga bagay-bagay ukol dito. Hindi mo masasabing responsable kang netizen kung mga mga natatapakan kang tao, nasasaktan, naiimpluwensyahan sa masama at nadadala sa maling landas. Sa oras na humawak ka ng computer siguraduhin mong kung may makikita ka mang trending, mabuting wag na lang pansinin. Kung may mga kaibigan ka na mahilig sa mga bad words, wag mong gayahin maging ang pagpopost ng mga pictures na malaswa. Kung tutuusin talagang mahirap ang mga nakasaad, kasi minsan ayun ang hobby mo pero kung iisipin mo may mga kamag-anak ka, may nanay at may mga kapatid ka, paano kung sa kanila gumanti ang panahon. Mahirap magbago pero kung susubukan mo kahit paunti-unti lang, makakaya mo. Magagawa mo. Kung magiging isang responsableng tao ka sa loob at sa labas ng mundong birtuwal, isa ka sa maaaring tularan ng nakararaming tao na hindi makaiwas sa mga bagay na mahirap baguhin sa nakasanayan. 

Tandaan: Maging responsable sa paggamit ng internet at computer. Say it. Prove it. Act it.


(c) Katrin Joy Alesna Cielo
09263809921
www.facebook.com/kjcielo
www.twitter.com/iamkjoycielo
katrella_09@yahoo.com










Thursday, August 29, 2013

27th. Kung walang pag-asa, wag kang paasa.

Kung walang pag-asa, wag kang paasa.

Bakit nagkakaroon ng sistemang ''ASAHAN"? Simple lang, kasi may nagpapaasa at may umaasa. Mahirap ang sitwasyong ganito kasi malabong usapan ang lagay. Hindi mo nga alam kung may aasahan ka ba o wala. Hindi mo alam kung magiging makabuluhan yung paghihintay mo o mawawalang saysay. Hindi mo alam kung susuko ka na. Hindi mo alam kung tutuloy ka pa. Kasi, umasa ka. Kasi nagtiwala ka na meron. Kasi nadala ka, kasi akala mo okay. Pero yung totoo, hindi. Yung totoo hanggang dyan ka lang. Hindi ka pwedeng lumampas pa dyan ni hindi ka pwedeng tumalon pa. Dahil yung katotohanan, umasa ka, pero hindi ka nagtagumpay.

Dear Paasa,

Siguro nga hindi mo sinabi na maghintay siya at may aasahan siya. Siguro nga wala kang nabanggit na ganon, pero sa tingin mo? Bakit siya umaasa? Simple lang yung sagot, kasi nagpakita ka ng motibo. Oo sabihin na nating friendly ka, sabihin na nating gusto mo friends lang kayo, pero kung talagang ayaw mo siyang masaktan kaya sinasabi mong friends na lang kayo, nagkakamali ka. Mas aasa siya sayo, akala mo kaibigan lang talaga ang tingin niya sayo. Pero hindi, kapagka umamin na siya na gusto ka niya at alam mong ayaw mo sakanya o hanggang kaibigan lang talaga, wag mo na siya i-entertain pa. Kasi mas lalalim yung pagkagusto niya sayo. Mas aasa siya at mas matatagalan yung pagtanggap niya na ganyan lang kayo, may ilangan vibes at pinakamasaklap dyan ay yung masaktan siya. Hintayin mo na talagang wala na siyang nararamdaman pa para sayo. Hintayin mong nakamove on na siya  saka kayo maging magkaibigan. Hangga't maaga pa, harangan mo. Sa paraang ganito, maiiwasan mong makasakit. Kaibigan? Huwag kang matakot na baka hindi na siya maging yong kaibigan sa oras na makamove forward siya. Una, madami ka namang kaibigan sigurado yan. Pangalawa, isipin mo, ibig sabihin talagang gusto ka lang niya at ayaw ka niyang maging kaibigan? Mali. Kasi ang tunay na pag-ibig, naguumpisa sa pagiging magkaibigan.

Dear umaasa,

Sabihin na nating sinabi niyang maghintay ka in short pwede kang manligaw pero kaakibat non yung kaisipan na hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo. Ibig sabihin, tanggapin mo ang both sides ng magiging resulta. BUSTED O APPROVE! Wala kang magagawa kung na-busted ka. Una, desisyon yan ng tao. Pangalawa, dapat alam mo na at handa ka sa mangyayari. Sunod, sabihin na nating wala siyang sinabi na maghintay ka, pero nakikita mo ang motibo na parang oo meron, ang pinakamagandang gawin ay linawin mo sa kanya. Para hindi ka UMAASA! Para mahanda mo ang sarili mo. Hindi tipong nakita mo lang ang motibo na parang may pag-asa ka sa kanya, ikaw naman tong asa din. Magtanong ka. Matalino ang taong nagtatanong. Maiiwasan mo rin na magalit sa kanya kung hindi ka niya gusto. Huli, kung iniwasan ka niya matapos niyang sabihin na wala kang pag-asa, wag kang magalit sa kanya, ginagawa niya yon dahil ayaw ka niya masaktan. Gusto niya maging magkaibigan lang kayo maniwala ka iyan ang makakabuti sainyo, hindi mo siya mapipilit sa gusto mo kung hindi naman niya gusto. Kaya doon na lang sa kung saan mas tatagal kayong dalawa.

Mahalaga pa rin sa lahat na ang lahat ay hinhayag. Hindi basta nararamdaman, hindi ka naman multo eh. Mahalaga rin na malinaw ang mga gustong sabihin, malinaw para walang nasasaktan. Masarap maghintay lalo na kung sa dulo may liwanag. Oo masakit kung malabo yung katapusan pero atleast masasabi mo sa sarili mo na marunong kang magmahal, marunong kang maghintay at marunong magtiwala. Oo mahirap sa part ng mga inaasahan, at the end of the day, sila pa ren kasi ang masama tipong sasabihan sila ng ''Paasa naman yan eh. " ''Bakit ka pa kasi dyan ka nagkagusto, papaasahin ka lang niyan.'' oo talagang mahirap. Masakit din. Pero hayaan mo sila. Hindi naman nila alam ang kwento at ang tunay mong nararamdaman. Basta ang mahalaga, magmahal ka ng walang tinatapakang tao. Magmahal ka ng buong puso at magmahal ka pero wag mong kakalimutan ang Diyos.

Tuesday, August 13, 2013

26th. Seryoso ka na nga, niloko ka pa. Seryoso ka na nga, iniwan ka pa.




Bakit kaya sa dinami rami ng pwedeng iwan bakit yung mga seryoso pa? Bakit kung sino pa yung tunay na nagmamahal, sila pa yung naloloko. Sila pa yung laging ginagago. Mahirap ba talagang magmahal ng seryosong tao? Oo nagkakamali sila, pero ang pinaguusapan dito ay kung ano yung ginagawang mga bagay para sayo na masasabi nating nagpapakita ng pagmamahal. Kasi, yung simpleng paggawa lang ng mga bagay na yon, masasabi mong seryoso ang isang tao.

Para sa mga manloloko.

Gamitin na natin ang salitang manloloko para sa mga taong loko-loko pagdating sa pag-ibig. Tanggapin natin ang katotohanan na iyan ang tamang salitang babagay sa pagkatao mo.

Unang tanong. Sa tingin mo ba kinaganda o kinagwapo mo yang panlolokong ginagawa mo sa seryosong taong nagmamahal sayo? Una sa lahat, kung hindi mo pala siya gusto, bakit ka pa nagstay sa tabi niya, bakit mo pa siya pinapaasa sa mga bagay na di kailanman mangyayari? Kung ayaw mo sa kanya, wag siya ang gamitin mo para makamove on o para makaraos sa pita ng iyong laman. Masama ang manggamit ng tao. Masama yung minamahal mo siya dahil lang sa may kailangan ka o ayaw mo siyang may kasamang iba. Oo masakit na makita siyang may kasama siyang iba pero ayaw mo naman sa kanya, kaya hayaan mo na lang siya sa ginagawa niyang magpapasaya sa kanya. Wag mo siya paasahin sa bagay na imposible namang mangyari.

Kung pagbaliktarin kayo ng sitwasyon. Ikaw yung nasa katayuan ng niloloko mo, masakit diba? Kasi, hindi lahat ng tao kaya ibigay yung 101% na pagmamahal nila yung iba kalahati lang yung iba hindi iyon ang priority yung iba walang pake, kasi nga uunti na lang yung matatawag nating tunay na lalaki o babae sa panahon ngayon.

Para sa mga seryoso.

Minsan masama na ang pagiging manhid. Kung alam mong niloloko ka na, huminto ka na. Kung nagawa niya yun ng isang beses, di malabong ulitin niya ulit yun sayo. Nasasaktan ka? Naiiyak? Oo normal lang yon. Normal lang makaramdam ng ganon. Pero kung sa puntong nagpapakatanga kana dahil tinatanga ka niya, payo lang tigil mo na yan. Mahirap kasi yung siya lang ang masaya dahil alam niyang mahal mo siya. Pakita mo na hindi ka tanga, na anytime pwede mo siyang iwan. Hindi mo ito ginagawa para habulin ka niya, lilinawin ko lang, ginagawa mo ito para magtanda siya sa mga ginagawa niya. Para maging simbolo na hindi lahat ng bagay iaasa sayo. Ginagawa mo to para malaman kung totoong mahal ka niya rin talaga. Para malaman niyang oo mahalaga sya pero magiging mahalaga lang siya kung ganon din sya sayo. Para sa mga seryoso, manatili kalang seryoso. Ang mga taong nagiging mabuti sa kapwa ay talagang pinagpapala. Hindi masamang magmahal ng totoo. Pero mahalin mo muna yung sarili mo para alam mo kung kelan at kung kanino ka dapat umiyak.

Hindi totoong kapag gagawa ka ng desisyon mo, eh iisipin mo yung iba kasi baka masaktan. Sa totoo lang hindi ako naniniwala dun. Kasi, oo nga, inisip mo nga sila, pero naging masaya ka ba? Pero kung iisipin mo muna yung sarili mo bago ang iba, sigurado ko na hindi ka magsisisi sa magiging bunga niyan. Kung magsisi ka, tanggapin mo na lang dahil desisyon mo yan. Pero sinasabi ko sayo, dapat mong unahin ang sarili mo at wag mong iisipin ang sasabihin ng iba. Oo kilala ka nila. Kilala sa pangalan pero hindi nila kilala ang pagkatao mo. Kilala nila pagkato mo pero hindi nila alam ang kabuuan mo. Maging masaya ka. Wag mo sayangin ang mga panahon. Maikli yan para magsaya. Kaya pilitin mong maging masaya. Maraming paraan. Maraming ibang solusyon. Tandaan mo, magdasal ka. Yan ang pinakaimportanteng paraan para malinawan ka.


(C) KATRIN JOY CIELO
09263809921
www.facebook.com/kjcielo
www.twitter.com/iamkjoycielo

Tuesday, August 6, 2013

25th. Hindi nakakaawa ang taong nagpapaawa.

25th. Hindi nakakaawa ang taong nagpapaawa.

May mga pagkakataong mapapaaway ka. Mapapaaway di man sa personal, pati na rin sa usung uso na social media sites tulad ng facebook. Hindi man direktang tinag ang pangalan mo, tinamaan ka't sapul ka, alam mong ikaw yun, GUILTY ka! Hindi man tinukoy na ikaw yun, hindi man sinabing "oo ikaw yun" pero sagad hanggang sayong backbone, guilty ka! Tinamaan ka at nagreact ka. Ibig sabihin, alam mong IKAW YUN. Kasi kung hindi, bakit ka mabobother? Ugali mo bang magpaawa sa tao? Makuha ang kanilang loob para kampihan ka? Sasabihin ko sayo, MAHINA KA! Mahina kang talaga. Maituturing pang matapang ang taong mag-isang lumalaban at Diyos lang ang tanging kakampi. Para sa mas malinaw na pagpapahayag, ilan sa mga sumusunod ay ang palatandaan ng isang taong mahina o isang taong nagpapaawa.

1. Status will tell.
-ito yung taong magstatus ng kadramahan sa buhay para kampihan ng mga  kaibigan niya sa nasabing social media site. Sasabihin nilang "kawawa naman ako, wala naman akong kasalanan inaaway nila ako." Sasabihin ko sayo, para kang tanga sa ginagawa mo. Hindi mo pwedeng sabihin na wala kang kasalanan o gingawang masama dahil una sa lahat, magagalit ba yan kung wala kang ginagawa?

2. Crying out loud.
-ito yung taong bigla na lang iiyak sa harap ng maraming tao o ng mga kaibigan niya para ipakitang aping api siya o nasasaktan siyang talaga. Sa totoo lang, oo pwede mong iiyak pero kung ayaw mo ng may madamay, di mo gagawin yan sa harap nila. Sigurado kong kakampi yan sayo, sino bang tao ang di maaawa sa umiiyak? 

3. Cool story bro.
-tipo ng taong mahilig magkwento tungkol sa mga madramang tagpo ng kanyang buhay. Pero halos lahat ng tao sa mundo, gusto sila ang BIDA, dahil sa ganun na nga, nagtatransform ang taong ito bilang isang magaling na story teller. Siya ang bida kahit siya ang may kasalanan. Nandyan na ang dagdag bawas na kwento. Tipong dagdag sa ginawa niyang mabuti at bawas sa ginawa niyang masama at dagdag sa ginawa ng frenemy niya na negative o bawas sa ginawa ng frenemy niyang mabuti. Isama na rin natin ang paiba-ibang kwento sa tao, pati na rin ang pagsisinungaling sa tunay na nangyari. Masabi lang para kampihan.

4. Fast convertion.
-tipo ng taong bigla na lang ilalagay sa sitwasyon ang Diyos at magiging parang santo sa bait. Sa ginagawa niyang ito, oo mabait ka nga sa paningin ng iba, pero sinong niloko mo? Hindi dapat dinadamay ang pangalan ng Diyos sa napakawalang kwentang bagay lang naman, kumbaga walang kinalaman sa nangyayari, hindi kasi yun nakakakonsensya, bukod sa nakakabastos at di bagay, nakakainis yun. Oo nga ikaw ang kakampihan pero siguro kaya nga sa sitwasyon naiiyak ka dahil alam mong may mali ka.

5. Damayan version 2.0
-ito naman yung tipong kukuha ka ng simpatya sa ibang tao at gagamitan mo ng "diba? Diba?" O kaya "Noh?" Di kaya "Grabe sya no?" Tapos kapag sumagot ng oo, tuwang tuwa ka dahil nakuha mo ang atensyon at simpatya niya. Ipapamalita mo na sa iba para kampihan ka. Kahit na ang haba haba at sinabi mong ayaw mo ng magsalita pa ikwekwento mo pa rin malamang, confirmed! Nagpapaawa ka sa iba. Bida ka diba? Sige ikaw na.

Siguro nga di maiiwasan ang humanap ng kakampi. Pero kung talagang nasa tamang pag-iisip ka o talagang sinasabing meron kang Diyos sa puso mo, hindi mo na sila kailangan lalo na kung ang comfort nila ay mas nakakadagdag pa at mas nakakalaki ng butas ng sitwasyon. Oo nga bida ka sa ngayon, oo nga ikaw ang kinampihan, pero naisip mo ba kung gaano ka kahina sa ginawa mo? Nakasandal ka sa ibang tao at kumukuha ng tapang sakanila? Bakit? Hindi mo kayang lumaban mag-isa? Kaya mo yan, pilitin mo lang kasing isipin yung mga mali mo. Magpakumbaba ka. Siguradong may mali ka rin, naguilty ka nga lang talaga siguro. Pangalawa, iingatan mo yung bibig mo sa pagkwekwento sa iba, hindi mo alam nahuli ka na sa mga sinabi mo dahil sa ginawa mo, nakakatawa yun, ang ending "nakakaawa kang talaga". Huli, oo nakakaawa ka, hindi dahil sa naniwala sila sa sinabi mo, kundi dahil  nilalagay mo yung sarili mo sa sitwasyon na naghahanap ka ng kakampi mo. Kung tutuusin, sarili mo at ang Diyos lang makakalaban ka na.

Tanggapin mo sa sarili mo na mahina ka at titingnan ka ng iba na "Malakas ka". Ang pagpapaawa ay isang mababang uri ng galawan na para lamang sa mga paralisa ang pagiisip sa mga bagay na di tanaw ng kanilang mga hangarin sa buhay. Wala kang kakapitan, sarili mo lang. Laban mo yan, hindi "niyo" laban yan. Susuporta sila pero hindi dapat sila kumampi. Matatawag ka lang matapang kung abot ng iyong taglay na pangunawa ang tunay na saysay at diwa ng pagharap at pagsuong sa siwasyong kukulong sayo hanggang sa mahanap mo ang iyong sarili at kayanin mong lumaban mag-isa at mapatunayan mong  ika'y makakalabas sa sitwasyong kumulong sayo sa taglay mong pagangat sa mababang uri mong pagkatao.

(c) Katrin Joy Cielo