Wednesday, May 1, 2013

Love story of us


Love. 




Nagsimula akong umibig ng tunay noong ako ay nasa 2ndyear higschool. Hindi ko alam pero isa siya sa mga childhood friends ko at hindi ko alam kung bakit siya naging ganun sakin nung lumipat kami ng bahay. Noong wala na kasi ako sa dati nameng bahay kung saan kapitbahay ko siya, saka niya ako niligawan. Tinawag niya yung "LONG DISTANCE RELATIONSHIP". Pero napakabilis ng mga pangyayari. Nang naging kami, siya naman ay nasa 4th year higschool na. Sa skul na pinapasukan niya ay bawal magdala ng phone. So, 'pag uwi niya siguradong itetext na agad niya ako. Pero sadyang ganun talaga ang tadhana, nalaman kasi ng mama at papa niya ang tungkol sa aming dalawa. Yung papa niya, gusto ako. Pero yung mama niya , ayaw sa akin. Minsan pag magkasama kami at biglang darating yung mama niya, tumatakbo siya palayo. Naisip ko lang na, masyado pa syang bata para ipaglaban ang nararamdaman niya. Pero bata pa siya noon. Mahina yung loob niyang hawakan yung kamay ko. Naalala ko nung una ko siyang nakasama ng matagal. Magkatabi kami noon sa upuan, sbi niya sakin. "Pahiram nga ng kamay mo." Sabi ko "Bakit?Oh eto." (sabay abot ng kamay ko sakanya) Pinatong niya yung kanang kamay niya sa kaliwang kamay ko. Sabi ko "Ah. Oo. malaki yung kamay mo. Matangkad ka kasi." Sabi niya sa akin, "Ang init ng kamay mo noh?" (Sabay niyakap ng kamay niya yung kamay ko) Yun siguro ang unang nakakakilig na naramdaman ko. Kapag magkasama kami nun, hindi mapakali yung mga kaibigan namen dun at kaibigan niya sa pangaasar sa aming dalawa!(Actually until now!)Isang araw, hindi na sya nagtext ng tamang oras sakin ng araw na yun. Nagulat ako. kinagabihan, nagtext siya sa akin na ayaw na daw muna niya. Nagulat ako dahil magdadalawang buwan pa lamang kami. Dahil gusto niya ang pagbabasketball, pinapili ko siya kung ano ang pipiliin niya. Yun kasi ang dahilan kung bakit  siya makikipaghiwalay. Ang sabi niya basketball daw. Pero wala naman akong pakialam sa mga lalaking ganun. Pero aaminin ko, Oo minahal ko naman yun. Ngayon, magkaibigan kami. Magkaibigan sa FACEBOOK. We're not that close na now.













Nang mag3rdyear highschool naman ako. Madami akong lalaking nakilala at naging manliligaw. Pero may nakilala ako. Isang kaibigan. Isang kachurchmate. Isang lalaking akala ko malabo kong makasundo. sa totoo lang, yan lang din ang turing niya sa akin. Lagi kong sinasabi sa kanya na "Tayo talaga yung para sa isa't isa!". Sobrang crush na crush ko talaga siya.  Kaya lang hanggang dun lang daw talaga kami. Tapos nun nagkaroon ng DVBS sa church namen at kami lagi magksama sa buong isang linggo. Sobrang saya ko pag umaga hanggang hapon kasi magkasama talaga kaming dalawa. Kapag may utos kung saan-saan basta't hindi mabigat isasama niya ako. 'Pag mabigat, isasama ko naman siya. Nga pala, bago pala kami maging close nun, nagkasama kami sa practice para sa Thanksgiving or Anniversary yata yun ng Church namen. So, I find him so boring. Parang naiinis pa nga ako sa mukha niya dahil para siyang bakla? HAHAHHA.

But anyways, HINDI SIYA BAKLA. :) Goin' back sa DVBS.... Hindi ko alam na super siya makulit pala? Nasa 4thyear highschool siya nun. Lagi ko sakanya sinasabi na bagay kaming dalawa o kaya magugustuhan niya rin ako. Hanggang sa last day ng DVBS namin ay nagkaayaan after. Nagkataon na 5 kami noon. Ako, Si toot, Si tooot, si tooot at tooot. Dalawang lalaki at tatlong babae. Isa sya sa dalawa at isa naman ako sa tatlo. Kahit wala siyang pera nun, nilibre pa rin niya ako ng ZAGU. Sa pagkakatanda ko, hati kami dun. Feeling ko tuloy, lalo akong naiinlove sa lalaking 'to. Nang magpasya na kaming umuwi, naalala nilang pinaalam nila ako sa tita ko na ihahatid nila ako. Hinatid nila ako at I cant imagine na naglalakad lang kami pare-pareho. Nakakatawa kasi hindi na ako mapapalakad ng ganun kalayo ngayon. At dahil naglalakad lang kami, tumambay muna kami sa isang abandonadong clubhouse sa may Palmera. Tandang tanda ko pa yung lugar na iyon. (Pero, im just a telling a story  here, i have no feeling na for him).  Then, nagspin the bottle kami sa clubhouse na yun. Gamit ang isang bote. Natapat sakanya ang nguso ng bote, at ako ang napili nilang magtanong dito. Dahil nga ako ay may pagtingin sakanya, ito ang tanong ko sakanya-"Sino ang CRUSH mo sa CHURCH?" Sabay laugh us. Sumagot siya na parang sobra niyang seryoso, "Si Too toot!" he mentioned a name. GAWWWWWWWWWD! Gusto ko sanang marining yung pangalan ko o yung "IKAW!" e? Kaso yun ang sinabi niya sabay ngiti. Yumuko lang ako at syempre as teenager naginarte, kunwari sad pero sad talaga. Hanggang sa tinanggal niya yung kamay ko sa buhok ko habang nakayuko. Ito yung sabi niya-"Oh! Tama na yan, bumabaha na oh?!" Niloloko niya ako na umiiyak ako. Pero hindi, tanga lang ako kung iiyak ako sa moment na yun, diba? Hanggang sa sumigaw na yung isa kong kachurchmate at sinabi niyang "Oy! Layo muna tayo. Iwanan muna natin sila. Mag-uusap yan." Lumayo sila. Sumigaw ako na bumalik sila kaso, sino ba naman ang hindi kinikilig sa moment na yun diba? The convo went like this.

AKO: OH ! Ano? Gusto mo naman pala siya eh? (Sabay ngiti)
SIYA: SUS! Ano tayo na ba?
AKO: HUH? Anong tayo na? Hindi pwede yun!
SIYA: ANO KABA?! Dun din naman ang tuloy niyan eh, pahihirapan mo lang ako.
AKO: GRABE! Hindi kaba manliligaw?
SIYA: Kailangan pa ba nun? E sasagutin mo lang din naman ako , e?
AKO: Tss. Sige. Kung gusto mo talaga ako, burahin mo yung mga pic ni *TOOT* jan sa CP mo!
SIYA: Osige! ......................... Oh yan! Wala na. Tayo naba?
AKO: Hmmm. Ano bang date ngayon?
SIYA: 18 ngayon. (to be exact April 18 yun tapos hapon yun.)
AKO: AMPANGET NAMAN!
SIYA: Arte mo naman! (sabay ngiti)
AKO: Sige na nga tayo na! Pero secret muna yan ah?
SIYA: OSige! (Sabay ngiti)

Tapos natapos na dun ang lahat, bumalik yung mga kaibigan namin at sinabi kong hindi pa kami. Kakagraduate pa lang niya non. Malayo siya sa tukso. Kaso nung nagCollege siya, nagsimula rin siyang mapalayo sa akin. NakaSUN kami pareho nun. Tatawag siya sa akin ng umaga pag papasok na siya tapos matutulog na ulit ako.

Sa pagkakaalam ko, nakumpis yung CP niya dahil sa akin. Text kasi ako ng Text sakanya nun. Matyaga din syang magturo sakin ng mga lessons bilang IT, matyaga din syang magsundo. Noong 1st year siya sa college lagi niya akong sinusundo every tuesday sa school. Tumatambay kami sa may likod ng Congress at minsan sa bahay(Legal us). Pero ni minsan sa 4months na naging kami ni toooooot ni hindi siya nakatikim ng halik mula sa akin. Hanggang yakap lang at hawak ng kamay yun. Palagi niya akong tinatanong kung pwede kumiss. Pero ayaw ko e? Nagkikita kami sa church every sunday or kapag merong activity sa simbahan. Maraming beses ko rin siyang nahuling may mga picture ng babae sa cp. Binubura ko naman. Pero kinalaunan, ibabalik niya uli. Sama lang no? HAHAHA.

Isang araw sinundo niya ako sa skul namin. Kumain lang kami noon ng skyflakes at softdrinks at tumambay muna. may binigay ako sakanyang kanta na nasa papel. Kaso i dont know kung anong title nun. Kinakanta ko pa yun sakanya dati habang umuulan. Umuwi na kami, tumambay kami sa tapat ng Congress noon sa may tawid. Umupo siya sa tabi ko. Kumilos siya na tipong hahalikan niya ako, umilag ako at tumayo. Pinaupo niya ako sa tabi niya. Umupo ako at narinig kong nagsalita siya sa tabi ko. "Paano kung sabihin ko sayong ayaw ko na?Anong gagawin mo?" "Hindi ako papayag syempre! Bakit?" sabi ko naman. Sagot niya lang.."Sige na. Pumayag kana." Tumingin ako sa langit at paulit ulit kong sinabi saknya na "PLEASE?WAG?DIBA JOKE LANG YAN?" Kaso totoo e? At sobra sobrang sakit lang! Hinatid niya ako hanggang sa makakita kami ng tricycle at kanya itong binayaran at nagpaalam sa akin.
Hindi ko talaga alam yung gagawin ko sa totoo lang. Dun na kami nagtapos pero para sakin hindi kami nagtapos dun kasi ramdam ko pa rin yung pagiging boyfriend niya. Naging magSF kami or Special Friends" ayun. Tumagal yan ng almost 5months. Ganun pa din yung routine, parang nung kami pa din. Pero this time, nakahalik na siya sakin. I dunno how pero nakatakip yung mukha ko non e. Akala ng lahat kami pero totoo hindi na talaga. Tinanggap ko pa rin sya kahit na alam kong he's taking me for granted lang. Nagpakamartir lang ako nun. Nagpakatanga. Alam ko namang nambababae lang siya. Ramdam ko yun. Dahil imbis na 100% akong masaya. Parang 1/4 ako ng 100% nun. Kaawa lang ako pagkatanga ko noh?

Nga pala kinokongrats pala kita at nakaabot ka sa pagbabasa ng BLOG ko hanggang dito.

balik tayo, nung kami pa bilang magSF nalang, nagkagalit yung pinsan ko at yung mga kaibigan ni SF. Since nakatira ako sa tita ko, medyo mahabang kwento pa yun pero ang nangyari, PINAGHIWALAY kami ng tita ko. Kala ko nga sa pelikula lang yun e? Sa totoong buhay din pala. Iyak ako ng iyak nun sa kwarto at masama din loob ko nun sa nangyari. Kinabukasan, kinausap ko si SF at nagbigay pa ako ng letter sakanya.

Ito sabi ko sakanya. "SF, tama na to. Pinaghihiwalay na tayo e? Tanggapin mo nalang tong letter tapos tapos na lahat." sabi niya " Huh? Bakit? (sabay yakap sakin ng mahigpit) Pwede naman nating itago to db?" Haaaaaaaay! at the 3rd time, nagpakatanga lang ulit. Hindi kami nagpatinag sa lahat. Tuloy2 pa din. Puyat2 pa din kami sa kakatawag tapos kunwari wala lang sa church pero totoo my something.

So, mahirap lang talaga yun. Nahirapan kami. Hanggang sa lumalala lang talaga yung sitwasyon dahil nagkaroon nanaman siya ng babae. So sakit lang e? Diba? Ginamit niya lang ako talaga. Nung bumalik na ako sa bahay namin nun, doon na mas lumayo yung loob niya sa akin. Hindi sya nakikinig sa akin at lagi niya akong napapaiyak. Pinaka umiyak lang ako nung nalaman ko ang isang issue. Isang araw nagtapos na talaga ang lahat lahat sa amin. Mahabang kwento at sobrang private ng mga sagutan. Dalawa lang ang taong nakakalam ng mga nangyari, ang boyfriend ko ngayon at ang bestfriend ng unang lalaki sa blog na to.

Almost a year akong nagmove on sakanya, lagi ko syang tinetext, nagaassume lang na mahal niya pa din ako. Last year lang, chinat niya ko sa YM ko ata na ngayon d ko na marecognize yung pass, Sabi niya sakin na MINAHAL NIYA TALAGA ako at NAGSORRY SIYA sa akin noon. At ang ilang detalye ay masyado ng PRIVATE. Private yung dahilan kung bakit siya nawala. (Sinabi ko ito para maliwanag lang sa mga mambabasa). Dumaan ang unang birthday ko na wala na talaga siya(Oct,2009) nagwish ako nasa bumalik siya.Pag hindi pa siya bumalik sa saktong BIrthday ko tuluyan ko na syang ileletgo. Hanggang sa wala na talaga. Dumaan yung birthday ko pa the next year, (Oct.2010) Teka teka. pero bago ako magbirthday, nagpray ako na kung hindi na talaga siya ibabalik, bigyan ako
ni Lord ng tunay na magmamahal sa akin at ituturing akong tunay na girlfriend.

At.... eto na yung PRESENT KO AT FUTURE KO! congrats you've reach here! Read the next and last paragraph for super mas nakakakilig na moment!













Yung pinakahuli kong babanggiting lalaki ay yung boyfriend ko na ngayon. Yung lalaking sobra kong pagalalahan. Lalaking sobra kong iyakan. Yung lalaking sobra kong minahal, minamahal, at mamahalin kesa sa dalawang nauna. Hindi ko alam paano ko sisimulan 'to pero siguro ikwekwento ko nalang yung pagkakakilala namin. Birthday noon ng pinakamatalik kong pinsan. August 17, 2010 noon. Yung pinsan kong yun ay dating isang Professor sa AMA Computer University. Dahil sa bata pa siya ng ikontrata ng AMA ang pgiging isang Professor sa kanya, madali siyang naging close sa mga estudyante niya. Noong araw na yun ay nasa eskwelahan ako at ako ay nasa 4thyear na. Gabi na ang uwi ko nun at papunta ako sa bahay nila dahil andun din sina mama. Dumating ako sa bahay nila pero wala na doon ang mga estudyante niya. Nga pala, sa mga estudytanteng tinutukoy ko, isa dun ay ang boyfriend ko ngayon. Pagkatapos kong kumain sinabi sakin ng pinsan ko .."Sayang! Hindi mo naabutan yung mga estudyante ko. Kakauwi lang halos nila e. Teka, eto pkita ko nalang sayo.(Sabay bukas ng FACEBOOK sa laptop). Hindi ko na matandaan yung unang pinakita niya pero kilala ko sila. Isang lalaki ang sobrang sumapul sa akin. "Ito si *toooot*. Ito yung buddy ko. Parang bestfriend ko sa school. Iadd mo yan." sabi ng pinsan ko. Una ko agad tiningnan noon ay yung STATUS niya. Nakalagay dun ay "IN A RELATIONSHIP", pero wala namang link ng babae. Sabi ko sa pinsan ko "Ay ate. in a relationship, may GF pala siya." Sabi ng pinsan ko, "(SECRET NA! SUPER PRIVATE! HAHAHA. SA MGA NAKAKAKILALA SAKIN, IPM NIYO NALANG AKO OR IASK)" At yun ang sinabi niya sakin. Hindi ko alam kung naastigan ba ako sa DP niya o talagang someone whispers na "GUSTO KO SIYA!" Kinabukasan , pumunta ako sa bahay ng tito ko para magFB. Hindi ko alam kung sino ang nagadd saming dalawa basta to make this short, naging magFRIENDS kami sa FACEBOOK. Ang alam ko ako yung unang nakipagchat sa kanya at tinanong ko kung estudyante siya ng Pinsan ko. The convo went like this.

AKO: Kuya, diba estudyante ka ni ate verl?
SIYA: Opo.
AKO: Ah. Pinsan niya kasi ako.
SIYA: Pinsan ka niya FOR REAL?
AKO: Opo! For real.

Yan yung una nameng convo sa pagkakatanda ko. Hindi kasi diyan nagtapos yung araw na magkausap kami. Natandaan ko nung 4thyear ako nagkaroon kami ng NCAE sa school. That was September 29, 2010. Maaga yung uwian namin noon. Dahil adik ako sa FB noon, tuloy agad ako sa bahay ng tito ko para magFB. ONLINE agad siya. Yun pala may net sila sa bahay. Kada uuwi ako lagi akong nageFB at lagi ko rin siyang hinahanap sa FACEBOOK CHAT. As usual, pag hinanap, ichachat di ba? Lagi ko siyang binabati na Goodevening noon dahil nga gabi ang uwian ko. SInabi ko sakanya noong kami ay naging close sa mundo ng CHAT "Goodevening kuya!" - "Goodevening din"- "Kumain ka na?" - "Ikaw?" Ganyan ganyan lang yun. Hanggang sa wala na kami mapagusapan. Chinat ko uli siya. Sabi ko isip siya ng tawagan nameng dalawa. Sabi niya wala siyang maisip at magisip din ako. "Sige ichachat nalang kita pag may naisip na ako." yan ang sabi ko. Chinat ko uli siya at tinanong kung may naisip na siya. "WALA PA RIN." Binigyan ko siya ng mga samples like "Yum, Chum, Bigs......." Tapos nun, hindi ko na matandaan yung pinili niya. Balik tayo sa 09/29/10, napagusapan namin ang isang topic na hindi nameng inaakala na pareho kaming napasubo. The convo went like this.

AKO: Di ba kuya may GF ka?
SIYA: GF? Wala ah?
AKO: Meron e. Pinakita yun sakin dati ng pinsan ko.
SIYA: Wala nga. Tingnan mo pa.
AKO: (Agad-agad pumunta sa wall niya at nakita ko to. "STATUS:SINGLE!"Waaaaaaaaaaaaaaa! Parang sabi ko sa sarili ko eto na yun e! ) "Ah. wala nga single nga!"
SIYA: Hanap mo nga ako ng GF!
AKO: Bakit kita hahanapan? Eh ako nga walang BF e?
SIYA: Sige na! Hanapan mo na ako.
AKO: Hindi nga, wala rin nga ako e!
SIYA: Sige, tayo nalang!
AKO: Huh? Tayo? (kunwari ayaw pero gusto din) Bakit tayo? Manligaw ka muna.
SIYA: Kailangan pa ba nun?
AKO: Oo ! Teka, globe ka ba?
SIYA: Oo!
AKO: Penge ng number mo kakabili ko lang kasi ng simcard ko.
SIYA: 09**********
AKO: Salamat! Eto yung sakin. Pkisave nlang. 09**********.
SIYA: Osige. Basta pagisipan mo yun ah? Matutulog na ako.
AKO: AGA PA matutulog kana?
Tapos end of convo na yun. Hanggang ngayon, pag nasa PILIPINAS siya maaga talaga siya kung matulog. Dahil siya lang naman ang lagi kong kachat nun at hinihintay, umuwi na ako dahil matutulog na pala siya. Pagkauwi ko, nagtext ako sa kanya. Ito oh.
AKO: Hello! Pinsan to ni ate tooooot. Seryoso ka ba sa sinabi mo kanina?
SIYA: Tingnan lang natin kung magwoworkout.
AKO: Hindi ka man lang ba manliligaw?
SIYA: Titingnan lang naman natin kung magwoworkout tayong dalawa e?
AKO: Ano bang date ngayon?
SIYA: 29. (sept.29,2010)
AKO: Ampanget . Pero sige. Pumapayag na ako.
SIYA: Osige basta bukas nalang ulit kasi inaantok na ako.
AKO: Osige goodnight!

Hindi ko alam pero napakaeasy to get ko. Pero kasi parang napasubo lang talaga kaming dalawa sa sitwasyon na yun. Siguro broken hearted lang siya nun dahil hindi naman malayo ang Sept29 sa Aug17 diba? Pero akong tanga, iniisip ko pa rin na kahit papano may pagasa pa. Ang una nameng tawagan nun ay YUM. Hindi ko siya feel. Hindi ko siya ramdam nun. Siguro nga dahil napasubo lang talaga kaming dalawa. Ni hindi namin kilala ang isa't isa. Ni hindi pa kami nagkikita ng personal. Basta nalang naging kami at tuldok. Dumaan ang mga araw. Biyernes ng magkaroon ako ng malaking problema sa kanya, MAHAL NA MAHAL KO NA SIYA NUN KAHIT WALA PA KAMING ISANG LINGGO. Malamang sa marahil dahil ako ay nanggaling sa isang pag-ibig na madamot. Sa pangalawa kong lalaking kinuwento kaya kahit na 3days palang ay minahal ko na.

Noong araw ng Biyernes na yun ay nasa eskwelahan ako. Gabi na at may program sa school. Text ako ng text sa kanya pero hindi siya nagrereply sa akin. Madami akong texts pero ni isa wala siyang reply. Yun nanga ba ang sinasabi ko. Hindi niya talaga to gusto. Dumaan ang sabado at ang linggo. Wala pa din siyang text. Nasa simbahan ako nung linggong yun at naikwento ko sa pinsan ko yung nangyari. She keeps on texting him dahil daw nakakatext naman pala niya yun pinsan ko. Pinaring tinext wala pa din. Hanggang sa ng magsimula na ang service sa church siya ay nagtext sa pinsan ko. Tandang tanda ko talaga yung pangyayari noong araw na yun. Nagtext siya habang nagoopening prayer. Binasa ng pinsan ko at ito ang sabi niya. "Kat, wag kang iiyak ha?(sabay pabasa ng message nito sakanya)" Ang nakalagay dun. "Sorry buddy, alam mo naman talaga kung sino ang mahal ko diba?" Umiyak ako at niyakap ako ng pinsan ko at lalaking pamangkin. Inis na inis sila noon at napaiyak ako ng sobra. Pumunta ako ng CR para umiyak. Pagkauwi ko, tinext ko siya. "Pumapayag na ako. Friends nalang tayo. With :) pa! sabi niya "Yan, mas maganda ka kapag nakangiti ka." sobrang naging makulit ako nung araw na yun. At inakala pa niya na ako yung pinsan ko. Sabi pa niya sakin "Ligo muna ako ha?" Sabi ko. "Sige text ka pagkatapos." Sabi niya. "Bakit?" Nakakainsultong tanong di ba? Ang alam ko hindi na siya nagtext pa noon. Nagtext ako sa kanya. Umaasa pa rin kasi ako na biro lang yun o baka niloloko lang ako tapos papatahanin din. Naalala ko kasing birthday ko na isang linggo nalang. Im so martir talaga kaya tinext ko siya. Ito yung convo:

AKO: Uy, Pwede favor?
SIYA: Ano yun?
AKO: Kanina kapapala tapos maligo ngayon kalang nagtext. Hmmm. Pwede bang maging tayo kahit hanggang birthday ko lang?
SIYA: Yun lang pala. Osige! SIge matutulog na ako. Bukas nalang.
AKO: Sige goodnight! (inisip ko na hindi siya seryoso sa sinagot niya sa akin dahil biglaan lang din yun)

Nung gabing yun, nagpray ako na sana angbirthday gift nalang sakin ni Lord ay SIYA. Umiiyak ako nun habang nagdarasal dahil parang tingin ko sa sarili ko wala ng taong magseseryoso sa akin. Napakadesperada ko at humingi pa ako ng favor sa kanya. Pero nagbunga ang aking dasal. KINABUKASAN, pagkagsing ko palang hinanap ko na yung phone ko agad dahil pangumaga siya nun at baka kako my text na siya sakin. Nagulat ako sa nabasa ko. Not actually like this pero parang ganito yun "Goodmorning YUM! Sorry ! Narealize ko na ikaw talaga ang mahal ko KATRIN JOY ALESNA CIELO..........blah!blah!blah! mahaba ang message na yun. Nasira na kasi ang phone kong yun kaya hindi ko na makita yung mga first sweeeet true message niya sakin. Nagreply ako sakanya "We? Totoo ba to? Baka part lang to ng deal natin?" nagreply siya "Kalimutan mo na yung deal nating dalawa. Simula ngayon, tayo na talaga." Sobrang saya ko talaga nung umagang yun! Hindi ko talaga maimagine na yung dati kong kachat lang sa Facebook ay tunay ko ng BOYFRIEND! Pero hindi pa rin kami nagkikita.

Nang mga panahong yun merong lalaking nanliligaw sa akin na lagi kong kasabay umuuwi. Kinuwento ko sa kanya yung mga nangyari, sinabi ko sa kanyang hindi na siya pwede manligaw dahil sa nangyari. Pero dahil nga iniisip ko padin yung deal, nasa isip ko nun na ang ginagawa niya ay part pa rin ng deal kaya ang sabi ko kay tooot , Kung pagtapos ng birthday ko ay bumalik kami sa dati, maaari na siyang manligaw ulit. Umaga ng birthday ko, aga ko nagising para maghanda. Nang dumating na ang oras na iyon pumunta na ako sa almar para kitain siya. Dahil nagtext na siya na nasa almar na siya, sumakay na ako papuntang almar. Pumunta ako sa tapat ng Jollibee at tinext ko siya na andun na ako. Pinatatawid ako kaso nireplyan ko siyang hindi ko kayang tumawid kaya sunduin nalang niya ako sa tapat ng Jollibee. Tumingin ako sa puregold  sa almar, nakita ko siyang tumatawid papuntang Jollibee. Im so nervous that day.Waaaaaaaaa! Sobrang hindi ko alam kung totoo yung pinapakita niya o JOKE lang talaga yung mga nangyayari dahil nga nasa isip ko pa rin talaga yung deal. Unang una kaming nagdate sa Jollibee.
Nagkwentuhan kami at kung ano2 lang. Ang daldal ko lang nun. Pero aaminin ko , madaldal din siya nun. Hiyang hiya pa rin ako sa kanya nun. Hiyang hiya ako tumingin sa mga mata niya. Ito lagi yung sinasabi ko sakanya habang naglalakad kami noon sa SM. -"Ang saya ko talaga ngayon!" -"BAKIT?" -" Wala. Kasama kasi kita eh." Paikot-ikot lang kami noong araw na iyon. Para kaming sobrang close na at parang meron na kaming isang buwan. Pero hindi kami naghoholding hands nun. Lagi kaming nakakakita ng magboyfriend-GF na magkayakap, magkaholding hands. Sabi niya sakin, "Bakit kaya kapag magkasama magGF-BF kailangan magkaholding hands?" Naisip ko, oo nga naman, bakit kaya? Pero hindi ko naisip na makipagholding hands sa kanya. Umuwi na kami at hinatid niya ko sa bahay namin. Sobra niyang kinakabahan nung ipapakilala ko na siya kay mama. Pagpasok niya sa bahay, OML sa galang si toooot sa mama ko. Tuwang tuwa si mama sakanya dahil napakabait daw na bata. Magalang at hinatid pa ako. Hinatid ko siya noon sa labas, sabi ko sa kanya na "Oh, kiss na! De joke lang." natawa siya at batang bata pa siya at wala papala siyang first kiss maliban sa mga magulang niya. Napakasaya ko ng araw na iyon. Walang halong biro.

Dumaan ang mga araw at nag-isang buwan kaming dalawa. Nagdalawa at nagtatlo pa. Lagi ko siya binibigyan ng letter at yung pinaka natatandaan kong pinagawayan namen ay yung letter na nasa tissue. Yun ang first arguement namin na halos makipagbreak siya sakin. Ang kwento ay ang letter na nakalagay sa tissue na yun ay kapareho ng letter ko sa lalaking pangalawa kong ikinuwento. Pero ang totoo nian mas bumabagay yung letter na yun sakanya. Dahil siya yung lalaking tumuring sakin na tunay na girlfriend. Sobra siyang magtampo at kung minsan akala mo makikipaghiwalay na. Bago pa kami nagisang buwan ni *TOOOT* nalaman ko na sa SAUDI pala siya nagaral ng highschool noon at doon siya lumaki. Naalala ko pa noong nagfefacebook ako sa bahay ng tito ko at 12:00 na ng hating gabi. Chinat ko ang mama niya. Sabi sa akin ng mommy niya na kung magkakatuluyan kami ng anak niya unahin muna namin ang pag-aaral. Goin back, nalaman kong nung naging kami ni *toooot* ay sila papala ni *toooooooooot* nun. So, parang naging choice ako nun at bagay sakin ang kanta ng silent sanctuary na "REBOUND MO LANG PALA  AKO!" Pero lahat yun binalewala ko lang dahil nga sa lintik na PAGMAMAHAL na yun. Siyempre nung nalaman ko yun masakit yun sa part ko kasi nagmuka talaga kong tanga nun. Pero nakakatuwa siya kasi napakasweeet niyang tao. Madalas ko siyang kinaiinisan dahil sa babae. Mga kaibigan niyang malapit sa kanya ay babae. Selosa lang talaga kasi ako. Kaya galit ako sakanya. Wala naman kaming ibang pinagaawayan kundi BABAE. Una ko siyang napaiyak nung una akong nagpunta sakanila. Nalaman ko kasi na yung lalaking madikit sakanya sa school ay pinalitan niya ng pangalan para lang hindi ako magalit pag nagtext yun. Ang sabi niya pinsan niya yun. To make the story short, umiyak siya sa akin nun ng sobra at tinanong ko siya kung bakit siya umiiyak. Kinilig lang ako sa sagot niya- "Kasi iiwan mo na ako e.(Habang umiiyak)". Natuwa ako sa kanya dahil mula nung araw na yun, lumalayo na siya dun sa babaeng yun at hindi na rin sila nagkakatext. Ngayon, kahit magusap pa sila OK lang. Kasi may baby na yung girl at may asawa na.

Noon hindi ako marunong magorder sa fast food chains. Pero ng dahil sa kagustuhan kong dalhan siya ng food sa practice ng cheering nila, dinalhan ko siya ng mcdo food. Dumaan yung pangAPAT naming buwan. Pagpunta niya sa bahay namin, sabi niya may bibigay daw siya sa akin. Nilabas niya at ito ay isang "COUPLE RING". Dapat kaming dalawa yung bibili nun kaso nagulat talaga ako nung binigyan niya ako ng ring. BTW. ngayon ako nalang yung may ring, kumain kasi kami sa mang inasal nun tapos nagkamay kami pareho at hinubad niya yung ring niya, naiwan niya yung ring niya sa mang inasal nun at hindi na namin nabalikan. Naisip niya na bumili nalang sa susunod. Isang taon na rin yun samin, dapat ng palitan. HAHAHA. Yung lalaking yan e laging nagfefacebook pero hindi niya ako pinapansin kapag nagmemessage ako sakanya. Pansinin man niya ako kay tipid man ng sagot. SInabi niya sakin nitong taon lang na nanghihinayang daw siya sa mga panahon na nasayang niya sa hindi pagkakausap sa akin. Atleast nagsisi.

Anyway, dumating ang bakasyon. Kapag bakasyon, sa saudi siya lagi pinagbabakasyon ng mga magulang niya dahil doon naman talaga namamalagi ang pamilya niya. Lungkot na lungkot ako nung mga panahong yun. Lagi akong umiiyak dahil narin sa hindi niya pagmemesage sa akin. Makikita mo na OL siya pero pag PM mo hindi ka rereplyan. Makikita mo may status siya, pero hindi yan nagpopost sa wall mo. Makikita mo nagcocomment, naglalike yan sa mga posts ng iba. Pero yung post mo sakanya nilalangaw na walang pumapansin. Sobrang nakitaan ko siya ng hindi magandang attitude noon. May time panga na gusto ko ng makipagbreak skanya. Pero hindi ko magawa dahil sa sobrang PAGMAMAHAL. LIntik na pagmamahal talaga e.

May nakilala akong kaibigan noon bago pa ako magenroll ng college. Una si *toooooooooot* muna. Inadd niya kasi ako sa Fb nun para itanong kung anong gagawin sa pageenroll. Kinuha niya ang humber ko. Ayaw ko pa sanang ibigay dahil ayoko ng textmate. Pero since magiging kaschoolmate ko naman siya at ang kapatid niya binigay ko na. Ang tawagan namin nun ay "BUDS". Tuwang tuwa sakin yung mga friends niya kapag kausap ko sila sa PHONE. Sabi nila nkakatawa daw yung tawa ko. Nakilala ko rin si *tooooooot* na tinawag kong AYBANGS at si *TOOOOOOOOT* na tinawag kong TF. Sila yung mga naging kaagapay, kaibigan ko , kausap habng nagdurusa ako sa boyfriend kong kakauwi lang ng saudi. Naisip ko na may mga tao naman palang makakapagpasaya sa akin na higit pa sa ginagawa ni *toooot* aka boyfriend sa akin. Mas naging close ko sa kanilang lahat ay si TF at si buds naman ay naging kaklase ko at naging una kong bestfriend sa schoool. Si Aybangs naman ay dumadalaw dalaw sa school dahil sa STI lang siya nagaaral.

Mahal na mahal ko pa rin nun ang BF ko at ang natuwa lang ako sa mga BESTFRIENDS ko sa mga panahong yun. Sa pagbabalik niya ng PILIPINAS mula SAUDI, hindi na niya ako gaano tinetext. Hindi siya sumasagot sa mga tawag ko at hindi ko talaga inaasahan na makakaramdam ako ng pagkalungkot o stress pagdating sa kanya. Ang laki laki ng pagbabago niya. Sa totoo lang, hindi niya ako sinusundo o hinahatid sa eskwelahan ko.

May nanligaw sa akin noon sa school kahit na alam niyang may BF ako. Si *TOOOOT*. Alam niya lahat ng pagdurusang dinaranas ko sa BF ko noon. Lumalala ang mga pangyayari. Nangyari ang mga bagay na hindi inaasahan. Nakipagbreak ako sa kanya. Yun ang una naming break-up. Hindi ako nakipagbreak dahil may nanlliligaw sa akin. Sa totoo lang kung mababasa mo ang blog na to sa bandang "NASA SAUDI SIYA" baka kahit ikaw makipagbreak na hindi pa siya umuuwi diba?

Tuluyan ko ng pinayagang manligaw si *toooot* sa akin. Kinamusta ko siya noon (si BF) sabi ko sakanya. "KAMUSTA KA?"- "OK LANG, IKAW?" Ok lang siya noh? Kasi hindi pa siya nkakarelaize ng mga panahong yan. Si *tooot* ang laging naghahatid sa akin sa sakayan. Nadaig pa niya ang BF ko diba? Pero , nakatanggap ako ng text mula kay BF. Sabi niya sa akin na hindi daw pala niya kaya ang wala ako. Tumawag ako sakanya. "Oh, Sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin." -" ( WA IMIK ) I dropped the phone call dahil nbwisit ako. Suddenly i received a SMS from him. Puro sorry. Sorry dito. Sorry doon. Maiiyak pala siya kaya pala hindi siya makapagsalita. Nandun daw ang tita'tito niya. Tumawag ako agad sakanya , pagsagot ko palang ng PHONE, UMIYAK NA AGAD AKO at syempre lahat lahat sinabi ko sakanya. Narinig ko siyang umiiyak sa kabilang linya. Nagpasya muna akong ligawan niya ako ulit. Pakipot lang habang inaayos ko ang sarili ko para sabihin kay manliligaw 1 ang nangyari. Pumasok ako ng school nun. Paguwi, kinausap ko muna si *toooot* aka manliligaw 1 na klasmeyt. Sinabi ok sakanya ang lahat. Naawa ako ng bahagya dahil mangiyak ngiyak siya habang nagsasalita siya sa harap ko. Masakit din syempre para sa akin yun dahil sa pagpapaASA ko sakanya. Ngayon yung lalaking to ay may GF na at mahal nila ang isa't isa.

Isang araw, nagSM kami ni BF. Sinundo niya ako sa bahay para magkaayos na kami. Hindi niya ako tinabihan sa jeep nun. Hindi niya rin ako hinahawakan. Nakakatawa siya. Bumili kami ng pagkain, hinawakan ko yung kamay niya. Nagulat siya. Sabi niya hindi naman daw kami. Syempre. Pinapatawad ko na siya at muka namang nagsisisi na siya non. In short, KAMI NA ULIT.

Pinayuhan narin ako nina BUDS and TF noon. Huwag nalang daw ako masyado magmahal ng sobra kung wala naman akong ititira sa sarili ko. Mula noon, naging OK na ulit kami ni BF. Sinabi ko sakanyang ayoko ng maulit yung ginagawa niya sa akin dati. Nangako siyang hindi na nga.

Dumaan ang October. May nakilala akong kaibigan ng tito ko. Nagulat kasi ako nung lagi niya akong tinatanong sa mama ko. Yun nga lang nagagalit sa akin yung bakla na parlorista ng tito ko. Nakilala ko si *tooot* bilang kaibigan. Pati yung dalawang tropa niya, kahit na may boyfriend ako, lagi akong sinasabihan na liligawan nila ako. Hindi naman pupwede yun. Naging anak-anakan ni mama ko yung 3 yun. Tinatawag nila si mama na *MOMMY* samantalang yung BF ko e TITA lang.

Kinuha ni *tooooooot* ang number ko sa mama ko. Nagglobe siya para magkatext kaming dalawa. Hindi talaga pwede kasi may BF ako. Sa tingin ko yung mukhang yun LOLOKOHIN LANG AKO. Nakitaan ko siya ng SOBRANG EFFORT! nagugulat ako biglang sasampa ng jeep yan para ihatid ako. Pag lumalabas ako ng school nandun din siya. Hinahatid ako hanggang sa pinto ng bahay namin. Dinaig ulit si BF no? Hindi ko kasi siya malayuan dahil sinusundan niya ako. Nakwento ko siya sa BF ko. Ganung Ganun kung paano ko siya ikinuwento dito. Nakakainis kasi nahusgahan agad ako. Akala niya pinagpalit na siya. Ganito-ganyan. Pero sa totoo lang naging malamig ako sa kanya noon. MAs nakakita kasi ako ng EFFORT sa ibang tao kesa sa kanya. Pero hindi ibig sabihin na mahal ko na yung isa. Nagkaroon kami ng gap ni BF. Hanggang sa nakipagbreak ako sa kanya dahil sa sunod2 niyang pagkagalit sa akin. Nasasaktan ako sa mga sinasabi niya. Masakit sa part ko yun dahil alam ko namang hindi ko siya ipagpapalit doon. Napuno lang talaga ako. After 3days din naman. Hindi ko rin naman siya natiis at nagkapatawaran narin kaming dalawa at kinompronta ko na rin si manliligaw dahil hindi maganda yung naidulot niya sa amin. Lalo na sa pagkatao ko. Bago naging kami chinat ako ng mama niya na kung may problema kaming dalawa, pagusapan namin yun hindi solusyon ang break-up. Yan ang pinakamagandang naituro sa akin ni tita tungkol samin ng anak niya.

Nagkaayos din kami after 3days. Hindi talaga namin matiis ang isa't isa. Mula noon, doon ko na talaga nakita ang SUPER EFFORT na ginagawa ni BF for me. Sobrang swerte ko to have him. Kahit na nung una napakamalas ko na meron akong SIYA. Pero dahil sa matindi kong prayers sa Lord, nadinig yung mga prayers ko at nakapaghintay ako ng matagal. Nandyan yung ihahatid niya ako sa school tapos babalik nanaman siya ng school at mghihintay ng 1hour para sabay na kami umuwi. Lagi na rin siya nasa bahay. Dati isang beses sa isang linggo lang kami magkita ngayon everyday. Natutuwa din ako dahil nakakilala na rin siya sa Panginoon. Lagi kami sa Victory Church pag Linggo. Minsan nga ang dami niyang tanong, Sabi niya hindi daw siya nagdarasal dati, ngayon lagi na yan siya nagdarasal. nagdadala pa yan sa akin ng breakfast from jollibee at minsan nagdidinner kami sa labas or lunch. Tumaba ako dahil sa kanya, dinadalhan niya ako ng food sa practice. Minsan Jollibbe, minsan macdo. Minsan luto niya lang minsan naman SIOMAI. Fave ko kasi yun e.

Madalas man kaming magaway, lagi namen yung pinaguusapan bago matapos ang araw. Mahal na mahal ko talaga yun. Nagyon nasa SAUDI siya. Uuwi siya sa 25, friday at sobra ko na siyang miss. Ngayon, masaya na ako sa LOVELIFE ko. Para bang nasisigurado na akong SIYA na? SANA , LORD. SIYA NALANG! <3


COngrats!! Natapos mo yung blog kong paranf nobela. :)))) Sana may napulot kang aral dito at sana mahalin mo yung talagang nagmamahal sayo at matuto kang lumaban kung mahal mo talaga yung tao. :)))

Godbless! :"))))