Wednesday, July 17, 2013

#23. One-sided love

One-sided love

Blogger's POV:
-sa pinasimpleng mga salita "MAG-ISANG UMIIBIG" 

Nakaranas ka na ba ng mag-isa lang umiibig? Yung tipong mahal mo siya pero di ka niya mahal o kaya mahal mo siya pero may iba siyang mahal. Ano sa tingin mo yung feeling non? Malamang sa malamang "MASAKIT". 

Minsan kasi ang hirap talagang i-identify ng true love sa nadepress lang, sa na-temp lang at sa nabigla lang. Minsan di mo alam mag-isa ka nalang pala dun sa sitwasyon kung saan gustung gusto mong siya yung kasama mo. Ano bang magagawa mo? Hindi mo naman alam paano ka tatakas sa sitwasyong kumulong sayo na ngayon hirap na hirap kang lumabas.

 Bakit ba kasi minsan ang unfair lang ng pag-ibig. Di naman kasi pwedeng pag mahal mo siya dapat mahal ka rin niya. Hindi rin pwedeng patulan ka niya habang may pinapatulan siyang mas mahal niya. Sana pwede na lang na mahalin ka ng taong mahal na mahal mo. 

Mahirap kasi minsan yung nasa sitwasyon na dapat kang mamili. Lalo na kung yung taong gusto mo may gustong iba. Iisipin mo na lang na baka masira mo pa yung meron sila. Nakakainis na kasi kapag ang puso, tumibok sa maling panahon pero sa tamang tao at sa tamang panahon sa maling tao. 

Magiging walang saysay ang blog na ito kung walang ganito: tips and tricks? I mean, paano mo malalaman na nasa one-sided pag-ibig ka?

1. Hindi ikaw ang priority niya

-actually maraming mga bagay na dapat ipriority sa buhay bukod sa pag-ibig. Pero kung nasa sitwasyon kang ganito, ito yung tipong inaatupag lang niya ang paglalaro niya habang ikaw? Naghihintay sa text niya.

2. Nageentertain siya ng ibang tao at tratong tulad ng sa level niyo

- kung mahal ka rin niya dapat kuntento na siya sayo at di na siya maghahanap pa ng ibang taong magpapasaya sa kanya!

3. Hindi ka dinadala sa bahay

-most esp sa mga babae to, actually kung mahal ka talaga ng lalaki hindi ka kung saan lang dadalhin niyan, ipapakilala ka niyan sa pamilya niya.

4. Hindi sayo pinapahawak ang kanyang phone

-alam mo na kung bakit diba? Obvious ba? Malamang may tinatago yan siya. Hindi ka niya mahal kung ganyan, MAHALAGA KA LANG O MAY KAILANGAN LANG SYA SAYO!

5. Hindi siya makapili sa inyong dalawa

-applicable ito sa may mga 3rd party. Nahihirapan siyang pumili dahil dalawa kayong mahal niya which is hinding hindi pwede. 

Mahirap pumasok sa isang relasyon na wala namang kasiguraduhan. Walang kasiguraduhan kung ikaw ba talaga o mahal ka niya talaga! Masakit oo, mahirap oo at masaklap oo. Pero kung hindi mo kayang bumitiw, tanggapin mo nalang ang katotohanan na dalawa ang pwedeng kahantungan niyan, lokohin ka niya at masaktan ka saka lokohin ka niya at maging masaya ka. Dapat maging matalino ka, maging strong at maging handa ka sa mga dapat mangyari. Kung ano kalabasan, tanggapin mo, choice mo yan eh.

"Hindi mo makikita ang picture kung ikaw mismo yung kinukuhaan." Ibig sabihin, hindi mo makikita ng maayos yung sitwasyong kinalalagyan mo kapag ikaw yung nasa sitwasyon na yun. Maganda rin na magtanong sa mga tunay na kaibigan dahil sila yung mga taong bukas yung mga mata sa dapat makita at hindi ka nila ipapahamak. Para sayo yan prend. Mga ganon? Lastly, walang ibang perfect na makakatulong sayo na siguradong hindi ka talaga mabibigo -ang Diyos. Manghingi ka ng payo at lakas sa Kanya. Dadalhin ka niya sa tama at maayos na landas na sya mo dapat tinatahak. 


(c) katrin joy alesna cielo
http://facebook.com/kjcielo

No comments:

Post a Comment