Tuesday, June 11, 2013

#18. Talk to Him

#18.Talk to Him


Talk to me - God


Maraming nagtatanong sa akin, paano ba makakausap ang Diyos? Maraming gustong humingi ng tulong, manghingi ng blessings, humingi ng guidance, maging successful at marami pa silang pinagdarasal. Ang iba natutupad, ang iba naman hindi. Ang iba gumagaling at ang iba ay lalong lumalala, ang iba hindi nagiging okay, at ang iba ang ganda ganda ng buhay. Pero naisip mo ba? Naisip mo ba kung bakit ganito at bakit ganyan? Kung bakit sila masaya bakit yung iba hindi? Kung bakit sila angat kayo hindi? Kung bakit parang punung-puno sila ng pagpapala kayo hindi?


Maraming nagtatanong sa akin, paano ba makakausap ang Diyos? Ang laging sagot diyan is THROUGH A PRAYER. Yes, prayer is really powerful.


Bilang tao madami tayong pinagdaraanan sa ating mga buhay. Pero ang masakit dun, ang laging nasisisi, ang Diyos. Teka lang, mabuting itanong mo muna sa sarili mo kung sino ang naglagay sayo sa pwestong yan. Kung ang Diyos nga ba o ikaw mismo? Kadalasan Siya agad ang nasisisi, pero sa totoo lang, ikaw ang mismong naglagay sayo sa kalagayan na yan. Ang Diyos lamang ang nagaakay sa atin sa tamang landas. Ang Diyos ang bumubulong sa atin ng kung ano ang dapat nating gawin. Pero ano ang ginagawa ng ilan? Pinipigilan nila ang Diyos na pumasok sa kanilang mga puso. Sorry, pero sinasabi ko lamang ito dahil minsan namamali yung interpretasyon nila sa gustong ipakita sa atin Diyos.


Balik tayo, sa totoo lang ang pakikipagusap sa Panginoon ay isang paraan para mapalapit ka sa Kanya. Kung talagang gusto mong maging malapit sa Kanya wag kang magtatlong isip na sumubok kasi hinihintay ka lang naman ng Diyos lumapit. Kinagagalak ng Diyos ang maging isa ka sa mga anak Niya. Natutuwa Siya pag lagi mo Siyang kinakausap. Sabi nga ni Architect/Youth President/Kuya Butch Jamin Rigunan, "God more that anything else wants to communicate with us and when you say communicate, He wants to talk to us, He wants us to talk to Him and prayer is one of the most effective way for us to talk to Him." 


Nabanggit ko sa itaas na may mga tao talaga na hindi nasusunod yung mga gusto nila, yung mga ipinagdasal nila na hindi nila nakukuha, yung mga pangarap nila na hindi nila naaabot. May mga dahilan kung bakit mo nakuha iyan at kung bakit hindi. 


Kapag ang mga bagay kasi na ipinagdarasal mo sa Diyos ay nasasagot Niya or nakakamit mo, ibig sabihin its God's will na mangyari ang mga bagay na ito. God's will? Ito yung kagustuhan ng Panginoon na makamit mo yung inaasam mo. Pwede ring ito ay in God's time. God's time? Ito naman ay di rin nalalayo sa ibig sabihin ng God's will, ito yung panahon kung saan tinakda ng Panginoon na sagutin ang iyong mga dasal. Isa pa, nasagot ang iyong mga dasal dahil yung mga kilos at galaw mo ay sinasabayan mo ng matinding panalangin. Kumbaga, parang ganito, "Lord, naniniwala ako na makakapasa ako sa exam." tapos ang ginagawa mo eh subsob sa review-han. Ibig sabihin, gusto mo talagang makapasa, then Siya mismo ang magbibigay sayo ng talinong nagmumula sa Kanya. 


Gaya nga ng sabi ko, may iilan na hindi naman nasasagot ang kanilang mga prayers. Syempre hindi pwedeng walang dahilan, at ang dahilan nito ay ang kabaligtaran ng nasa taas. Hindi sa ayaw ng Diyos na hindi masagot ang iyong mga dasal, matuto kang maghintay dahil meron plano ang Diyos para sayo. Marahil hindi ito God's will. Magtiwala ka lang, kasi sabi ko nga may plano sayo ang Diyos. Hindi rin siguro ito ang God's time, ibig sabihin, maghintay ka nga lang, kasi inihahanda ng Diyos ang mga bagay na mas deserve mo. Isa pa, hindi naaayon ang mga kilos mo't galaw sa mga pinagdarasal mo. 


According to Ate Micah Gabay, "Talking to God is two way. You speak to Him through prayers and you read His word for answers. Lagi kasi magkasama yun to better undersand kung ano ang gusto ni God para sa atin. Diba nga the Bible is the very word of God. And also, when you ask for something to God, lagi nating tanungin si Lord if it is His will for us. Minsan kasi desire lang natin yun as a tao. Baka will lang natin yun kaya hindi Niya ibinibigay/sinasagot. "


Kung ang iba nahihirapan sa pagdarasal merong naishare sa akin yung kaklase ko nung highschool days namin.

Ito yung ways na tutulong sayo sa pagdarasal. Pero hindi ito isang requirement. Actually, pwede ka kasi makipagkwentuhan sa Panginoon sa kahit na anong paraan mo gusto.

A-dorationC-onfessionT-hanksgivingS-Supplication

Adoration. Ito yung pagbibigay mo ng papuri't pagsamba sa Panginoon.Example: Hallelujah! Praise God. Itaas ang ngalan mo O'Diyos.

Confession. Ito naman yung paghingi mo ng kapatawaran sa Kanya.Example: Panginoon, patawarin mo ako sa aking mga kasalanan, sa isip, sa salita at gawa sinasadya man Lord o hindi sinasadya. Malaki man o maliit, patawad Panginoon.

Thanksgiving. Ito naman yung pagbibigay salamat mo sa Kanya sa mga blessings na natatanggap mo.Example: Lord, maraming salamat po Panginoon sa mga blessings na aming natatanggap sa araw-araw maliit man o malaki, nkikita man namin o hindi Panginoon, maraming salamat sa pagiingat Panginoon. (ipagpasalamat ang nagawang mabuti at mga breakthroughs)

Supplication. Ito naman yung paghingi mo ng mga provision sa Kanya.Example: Lord, tulungan Niyo po ako sa mga pangangailangan ko. Kayo po Panginoon ang magprovide (dagdag ka lang ng mga kailangan mo pero wag mo kalimutang magpasalamat at maghintay).

Sa lahat ng ginagawa ng Diyos sa ating buhay ay may kalakip na pagmamahal. Kaya sana, hindi lang tayo dapat magdasal dahil kailangan, dahil emergency, dahil urgent, dahil gusto mo, dahil nakikita mo sa iba, at dahil ganito at ganyan. Dapat araw-araw mong kinakausap ang Diyos. Dapat kahit na masakit yung nangyari sa atin, isipin natin yung positive sa nangyari, dapat hindi tayo kung kelan lang gusto magdasal. Masarap magdasal, promise! Kasi kahit na ano man ang sikreto't tinatago mo, sa Diyos mo dapat ipagkatiwala wala ng iba. Hindi naman requirement ang systematical na pagdadasal, kasi naiintindihan at nakikita ng Panginoon ang puso mo, ang mga gusto mo at dasal mo. 


Tatapusin ko itong blog sa pamamagitan ng isang quote.
"God delays but God doesn't forget".



This is a request blog by SIS. MAYLA S. RIGUNAN
(c) KATRIN JOY CIELOhttps://www.facebook.com/kjcielo
Follow me on Twitter:https://twitter.com/iamkjoycielo
and on Tumblr:http://youngkaje.tumblr.com/
email me @:katrella_09@yahoo.com09263809921


No comments:

Post a Comment