Monday, June 10, 2013

#8. Tara! Sakay na! :)


Nakakatuwang isipin na ang pagsakay sa isang pampublikong sasakyan ay maiba-blog ko ngayong katirikan ng araw, Martes, ganap na alas kwatro. Mahirap sa ating mga Pilipino ay yung sasakay na lang nga tayo ng "not-so-expensive" vehicle ay marami pa tayong napapansin. Sabagay, ano nga naman ba ang aasahan mo, sa otso pesos na fare, diba? Pero ganyan talaga eh, wala tayong magagawa. Kaya para hindi na uminit ang ulo mo ngayong tag-init, gumawa ako ng sampung bagay na nakakabad vibes pag sumasakay sa pampublikong sasakyan. Dahil sabi nga ni Juris, "DI LANG IKAW". Di lang ikaw ang naBBV :) IRITA. >:D

#1. Excuse me, teh? 

Yung mga taong ayaw tumabi o umusog, alam na ngang sa pwesto nila yung may space? grabe! Gusto yata humiga ng jeep eh! "Uupuan kita teh, ayaw mo pang tumabi ah?" Bingi lang teh? Bingi lang?

#2. Snobbers


Ito naman yung mga pasaherong palaging nakaheadset o kaya sadyang bingi lang talaga. Inaabot mo na yung bayad mo "Teh, makikisuyo paabot ng bayad ko" Si ate *SNOB* Wow teh? Artista ka? Ganda mo, amoy isda naman yung kamay mo! :PPSaka yung mga pasaherong may headset, tapos kinalabit mo na nga, tititigan pa yung kamay mo, "Bakit teh? Ganda ? inggit ka?" :)

#3. Ilan pa manong?


Yung mga driver na, kahit suman na kayo sa loob ng jeep, kahit na ngdidikit na ang mga braso niyong malalagkit, at kahit na amoy na amoy niyo na ang pagkatao ng mga katabi niyo, sisigaw pa yan si manong "Oh lima pa, lima pa. " Tapos itong shungaers na nag-aabang ng jeep aba, ipapagsiksikan talaga niya ang sarili niya sa mga binti ng mga pasahero tapos magrereklamo na masikip, wow teh, naiwan mo yung utak mo sa bahay niyo. Tara samahan kita, balikan natin. Naawa naman ako sayo ng bahagya.

#4. Lakas niyo pa!


Yung mga mgtotropa na nag-uusap sa jeep na akala mo sila lang yung tao sa jeep? Yung totoo? Hindi niyo kami nakikita? Tapos with matching tulak tulak effect pa yan kapag nagkabiruan. Errr. Nakakainis kaya halos masubsob ka na sa tulakan nila tapos yung tawanan pa nila with matching palakpak pa. Waaaaaa. Anyare?

#5. Humble tudomax!


Ito naman yung mga pasahero na lahat na ng gadget niya sa bag niya nilabas niya. Tapos kahit wala namang nagtetext sa cellphone niyang pagkalaki-laki ilalabas niya yan tapos parang baliw na ia-unlock at ilalock. Ikaw na! "....and the award goes to you!" Tapos kapag naman nahablot hablot o kaya naholdap ang buong jeep ano? sisigaw sigaw ka? "Tulong-tulong yung IPHONE5 ko, yung IPAD ko! Yung BEATS ko! Yung Ipod ko nakuhaaaaaa" (OA ko naman! haha!) "Sayo na talaga teh! Ikaw na humabol, hiyang hiya naman kami sayo, ano kami? Bodyguard mo?" SHUSHUNGASHUNGA </3

#6. Estudyante po!


Alam ko lahat ng estudyante nakaranas na nito. Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon barya ang pera natin, minsan mayaman tayo kaya minsan naiisahan din tayo ni manong. "Bayad po manong, estudyante sa *insert school here* lang po." Pagbalik sayo ng sukli mo ordinary fare pa rin ang kinuha ni kuya sa 100 peso bill mo, o kahit na ano pang bill yan. Sayang yung piso o dos na yun. Biruin mo, nakakailang pasahero sila na estudyante na nagaganyan nila. Maawa tayo sa mga magulang natin na nagtatrabaho para sa baon at pamasahe natin. TIP: Magbayad ng sakto para walang palag si manong.

#7. TEKA LANG KUYAAAAAAAAAAA!


Si manong nanaman ang BIDA natin ngayon. Si manong ang may sala. (HAHAHA) Ito naman yung tipo ng driver na parang laging may lakad. Nag-para ka. hininto niya. Nung patayo ka na, iniandar niya ulit. Yung totoo? Sila yung mga driver na walang pakealam kung bumulagta nalang yung pasahero nila dahil hindi pa nakakababa tapos sila pa yung galit kapag napagsabihan mo sila. Eh bakit ka pa namasada kuya? Para tumakbo lang ng tumakbo yung jeep mo? Walang hintuan? walang hintuan? -_______- (Na-experience ko na to, heartbreaking. Kakahiya)

#8. Hataw na! Wag kang matakot! Hataw lang ng hataw!


Ito naman ang klase ng driver na walang pake kung sino ang mababangga niya, makakabangga saknya at san siya babangga. Harurot kung harurot lang ang peg ni kuya. Akala mo naman ang bango ng usok ng jeep niya eh magkasing amoy lang naman sila. Haynako kuya, kung balak mo lang din pala kami patayin dapat pala 10,000 na binayad ko sayo para sagot mo na burol at libing ko. Langya. -____- May lakad ka kuya na mas importante sa buhay namin? E?

#9. Sleeping beauty


Yung mga pasaherong laging puyat. Yung unti-unting bumabagsak yung ulo niya sa balikat mo at ang tema ay "LOVE STORY" (WAHAHAHAHA) Yung natutulog sa balikat mo tapos with matching laway laway pa na tumutulo. (WOW!SARAP!) Pwedeng isabaw! :).... at ang pinakalast sa LAST sa lahat!

#10. PARA!

BIda ulit natin si manong driver. Ito yung tipo ng driver na nagpara kana't lahat hindi pa rin niya tinitigil kahit nagtulong-tulong na ang sambayanang pasahero niya na magpara para sayo. Ang ending, nasa kabilang subdivision kana. Ang iniisip ko lang, kapag sumigaw ka ng "BAYAD, MANONG!" ang bilis ng tenga ni kuya, ang kamay ay sinasahod agad. Pero kapag sumigaw ka na ng "PARA, manong" AYAW KA NG IBABA ni manong. Nakakainis yung mga ganitong driver. Kaya nga may break eh. >:D LOL.


Ang mahalaga pa rin sa lahat eh yung may nasasakyan tayo kasi kung wala sila, walang driver, walang sasakyan, Mahihirapan tayong magtravel. Give and take lang yan eh. Sana kahit na ano pa man ang kasalanan ng isat isa bilang isang pasahero at driver lets respect each other nalang para walang away. (c) KATRIN JOY ALESNA CIELOFB: https://www.facebook.com/kjcieloTWITTER: https://twitter.com/iamkjoycieloTUMBLR: http://youngkaje.tumblr.com/

x

No comments:

Post a Comment