Tuesday, June 11, 2013

#19. Takbo Kandidato!



Ito ang araw at petsa ng opisyal na "PAGBOTO" sa Pilipinas. Ito ay ang Philippine general election. Kung saan ang mga iboboto ng mga mamamayang Pilipino ay "senators, members of house of representatives, governor and vice governor, mayor and vice mayor, members of sangguniang panglunsod at municipal mayors and vice at members of Sangguniang Bayan, 

Kaliwa't kanan na naman ang sakitan, patayan ng mga magkakalaban, posters, advertisements, commercials, interviews at vote buying. Kaya para sa isang request blog ng isang kaklase ko noong highschool, gumawa ako ng sampung mga nakakainis na mga pangyayari tuwing sasapit ang eleksyon na may hindi masyadong napagisipang katawagan. Alam ko marami ng nagvlog, nagblog, sumulat, nakapansin, nakabasa ng ilan sa mga ilalagay ko dito. Pasensya na, isa lang ibig sabihin niyan, its a unanimous observation.

#1. Pera, pera, pera, pera lang yan.

Ito yung mga kandidatong nangangampanya sa mga lugar kung saan palihim syang namimigay ng pera sa mga tao. Kahit 100 lang yan papatusin yan ng mga mahihirap. Ika-nga nila, kapag eleksyon, malaki ang pakinabang ng mga kumakandidato sa mga mahihirap na mamamayan. Pano? Nauuto nila sa pamamagitan ng pagbibigay nila ng pera. Dear kumakandidato, please lang, ,paghirapan mo naman yung pangangampanya mo para mas proud ka sa sarili mo kapag nakaupo kana sa pwesto!

#2. The Plastik ads.

Ito yung mga commercials sa TV ng mga kandidato na akala mo naman talagang ginagawa nila yung mga bagay na yun. Isa pa, yung mga kandidatong mahal daw nila yung mga mamamayang Pilipino (pero, ninanakawan ang pera ng bayan), yung ayaw daw nila ng korap (pero nakikipagpatayan sila makaupo lang sa pwesto para maging korap), tapos pag sila ang naupo magiging maunlad at masagana ang bansa (hindi, lalong dadami ang problema, sila pa nga naguumpisa ng mga gulo, issue at mga bagay na ikakapahiya ng Pilipinas), teka lang, pang-ilang henerasyon na ba ang nagsabi niyan? Wala naman akong nararamdaman eh.

#3. The istorbo alert level 10909209209093082038028437584!!!

Yung tipong tulog na tulog ka tapos biglang dadaan yung mga nangangandidato na may dala dalang sasakyan na may malakas na soundtrip! Ito yung tipong nababanas ka na sa sobrang ingay tapos dun pa huminto mismo sa tapat ng bahay niyo. Lakas makabasag ng tulog!

#4. LSS candidates' song!

Yung nakakaLSS na mga kanta na ginagamit ng mga kandidato sa pangangampanya na nagstuck na sa utak mo. Tapos nakakanta mo na sa labas ng bahay tapos maiinis sayo yung mga kaibigan mo kasi ang korni mo! Ito kasi yung tipo na pinapalitan nila ng lyrics yung mga orihinal na kanta ng mas weird na lyrics! Heyneke.

#5. The speech and speech and everything!

Ito naman yung mga kandidato na laging naiimbitahan sa mga school sa araw ng pagtatapos ng mga studyante para magspeech. Yung tipong pawis na pawis kana sa buhay mo sa pagkakaupo sa upuan, nagsasalita pa rin siya. Halata namang maraming di nakikinig, halata rin naman ang intensyon niya sa eskwelahan niyo, ang mangampanya ng maaga. Well, wala kang magagawa, kahit na gustung-gusto mo na makipagpicture taking kasi lusaw na make-up mo saka amoy araw ka na ang aga aga pa!

#6. Political dynasty

Syempre uso to ngayon. Yung kumakandidato yung anak ng anak ng kapatid ng lolo ng tita ng asawa ng pinsan ng apo ng apo ng anak ng tatay ng tatay niya. asdfghjkl. Well, sinasabi nila na wag silang ikumpara sa mga kamag-anak nila, tatay, kapatid, nanay etc whatever tapos panay gamit at diin ng mga surname nila. Ano? Para makilala kayo? Oo. Makikilala kayo hindi dahil sa identity niyo mismo, dahil sa mga kamag-anak niyo.

#7. Sumbaterong kandidato!

Haha! Natatawa ako pero napansin ko lang naman ito. Yung napapansin kong mga campaign ads commercial na sinasabi lahat ng nagawa niya para sa ating mga mamamayang Pilipino. Yung "ako ang nagpatayo nito para sa inyo", "ako ang nagbigay ng scholarship sa mga batang ito", "ako ang nagbayad ng medical ninyo" etc. tapos ang statement sa dulo "Kaya sana makaasa ako sa inyo sa darating na eleksyon", Yay! Oki ah?

#8. RT.

Ito naman yung mga artista na nangangampanya para sa eleksyon. Siyempre magaling umarte yan sa harap mo, kaya ingat ingat sa mga taong ginagamit lang ang kasikatan nila para makakuha ng mga boto ng tao.

#9. The in-and-out

Ito naman yung naglalabas ng sama ng loob madalas sa mga interviews sa mga kalaban nila sa pwesto. Yung tipong sinisiraan na niya yung mga kalaban niya para siya ang maging mabango sa pang-amoy ng mga tao. Sa totoo naman talaga ay nagpapainterview lang para makita sa TV, para maraming exposure.

#10. Tularan effect

Yung tipo ng kandidato na galing daw siya sa hirap tapos nagsumikap at ngayon marami ng natulungan. Yung mga nakakakita at nakakapanuod sa kanya ay tipong gustung gusto syang tularan dahil sa mga sinasabi ng mga ads and posters niya. Maawa naman kayo sa mga kabataang umiidolo sa inyo, kapag naupo na kasi kayo sa pwesto kayo pa yung numero unong nagkakaroon ng mga issues sa gobyerno. Paano yung mga batang yun? Grabe. Magpakatotoo naman kayo para niyo ng awa.


Sa sampung nabanggit ko wala naman akong gustong paringgan o patamaan. Nasa kanila na lamang yun kung matatamaan sila. Sabi nga nila, "Bato-bato sa langit tamaan ay tamaan!" HAHAHAHA.

Anyway, nakakatamad na bumoto ngayon at mukang tinatamad naman din silang bumoto. Marami akong naririnig na hindi boboto eh. Kasi nga raw wala naman daw nagbabago. Ako 18 years old na ako pero ayaw ko talagang bumoto kasi hindi ko pa kayang mamili ng magpapabagsak sa bansang ito. Hindi biro lang, hindi ko kasi makilatis yung nagsasabi ng totoo sa hindi. Ang galing kasi nila umarte. Pero para sa mga boboto, wag niyo hayaang mamutawi yung mga kasamaan sa pagboto niyo. Wag kayo pumayag sa vote buying, wag kayo sumali sa mga ilegal na gawain ngayon. Posisyon lang yan, nakakapagtaka talaga na pinagaagawan ang posisyon kahit na mababa ang sahod. Hindi ko alam pero ramdam kong iba yung intensyon nila. Kaya mga tao, parang awa niyo na, alam ko namang matatalino tayo, kaya nating maging matalino at kakayanin natin, payo ko lang Piliin mo yung sa tingin mong dapat, pag-isipan mo yung bawat pagbilog mo. Pagbutihin mo. Para sayo to, sa anak mo, sa pamilya mo at para sa ating lahat. Isang boto lang yan pero binibilang pa rin yan. Kasama yan sa bilang.

Wake up Filipinos! Vote wisely!



This blog is requested by Matthew Goco Camana
(c) KATRIN JOY A. CIELO
https://www.facebook.com/kjcielo




Follow me on Twitter:
https://twitter.com/iamkjoycielo

and on Tumblr:
http://youngkaje.tumblr.com/

email me @:
katrella_09@yahoo.com
09263809921

No comments:

Post a Comment