Monday, June 10, 2013

#2. Mother's special

A mother's special.

A mother's special.

Isang pagpupugay ang inilalaan para sa mga nagsisilbing ILAW NG TAHANAN, ang mga ina. Nanay, inay, ina, mama, mom, mommy, ma, mudang, mudrax o kahit ano pa man ang tawag natin sa kanila, HAPPY MOTHER's DAY!


Sa tingin ko? Ang pagiging isang ina ang pinakamahirap na trabaho sa mundo. Simula ng dinala nila tayo sa kanilang mga sinapupunan hanggang sa tayo ay ipanganak, mula ng tayo ay ipanganak hanggang sa tayo ay makapaglakad, simula ng tayo ay makapaglakad hanggang sa tayo ay maayos na nakapagsalita, mula ng tayo ay nakapagsalita hanggang sa tayo ay matutong bumasa at sumulat, mula ng tayo ay matuto hanggang sa tayo ay tuluyan ng mamulat sa mundong ginagalawan. Nang tayo ay mamulat , alam ko at alam mo rin na andyan lamang sila para sa atin. Nandyan sila para gabayan, turuan at mahalin tayo. Si nanay... Si nanay lang ang kayang magmahal sa atin ng WALANG HINIHINGING KAPALIT. Kahit na minsan napapagalitan ka ng nanay mo, napapalo ka, nasasaktan ka sa mga sinasabi nila, o nararamdaman mong ang loob nila ay malayo sayo, MAHAL NA MAHAL ka pa rin nila. Alam mo kung bakit? Mabubuhay ka ba ng ganyan katagal kung hindi ka mahal ng nanay mo? Isa pa, wala ka sa mundong 'to kung hindi ka mahal ng nanay mo. Si nanay... Si nanay, Si nanay ang pinakamahalagang babae na may MALAKI tayong PAGKAKAUTANG, dahil biologically speaking, UTANG natin sakanila ang ating mga buhay. Si nanay lang ang babaeng gagawin ang lahat para sa kanilang mga anak. Andyan 'yung ultimo kahit na magtinda sila ng basahan sa kalsada, gagawin nila, mabuhay lang nila ang kanilang mga anak, tayo, ako, sila, kami, at lahat ng nanay makakaya nilang lahat yan basta para sa kanilang mga anak. Si nanay, si nanay ang lang ang masasandalan natin sa lahat ng bagay, kung masaya ka? Sabihin mo sa kanya, dahil sigurado masaya rin siya para sayo. Kung malungkot ka naman, sabihin mong malungkot ka, dahil ang nanay ay handa laging dumamay sayo. Kung inlove ka, wag na wag kang magalinlangan na ipaalam sa kanya, dahil hangad niya ang mas makakabuti sayo at 'yun naman ang nararapat. Di ba nga "MOTHER KNOWS BEST!" Wala naman silang ibang hinangad sa kanilang mga anak kundi ang makakabuti para sa kanila, sa'kin, sa atin.

Kaya mga anak, IKAW! AKO! TAYO! Kahit hindi mo sabihin alam kong ang nanay mo ay nailarawan ko. Ganyan kasi ang trabaho ng isang nanay. So, ano naman ang trabaho ng isang anak? Dahil mother's special itong BLOG ko, magiging general nalang ako. Para kasi sa akin, isang MODELO o HUWARAN ang ating mga nanay kaya ang dapat lang na iganti nating mga anak sa kanila ay ang "Mahalin sila, alagaan at gantihan ang lahat lahat lahat ng kanilang mga HIRAP para lang sa atin. Simple pero makahulugan. Hindi ka pinipilit na gumanti sa mga kabutihang dulot ng nanay mo sa iyo. Ang sakin lang kasi, hindi natin alam kung kelan matatapos ang mundo at syempre ang buhay natin dito sa ating mundo. Kaya kung ako sayo? Kunin mo ang oportunidad araw-araw para sultin at iparamdam sa kanya ang lahat ng pagpapasalamat mo sa kanya. 'Pag naramdaman nila 'yun , sigurado akong MASAYANG MASAYA siya at hindi sya nagsisisi na ipinanganak ka niya sa mundong ito kahit hindi mo masabing "Ma, Thank You and I Love You. :)

HAPPY MOTHER's DAY to all the MOTHER's OUT there! Para sakin, KAYO ANG TUNAY NA SUPERHERO! <3


Blogger: Katrin Joy Cielo

Accounts:
Facebook= www.facebook.com/kjcielo
Twitter= @keytreyn
Youtube= katrinjoycielo
Google+=katrinjoycielo
Tumblr=youngkaje.tumblr.com
Skype=kajecielo

ADD and SUBSCRIBE!

No comments:

Post a Comment