Tuesday, June 11, 2013

#16. Friendzone on movement



#16.Friend+Love+Misinterpretation=FRIENDZONE!


Friendzone. Kung titingnan mo sa Webster Dictionary ang salitang iyan, hindi mo ito makikita dahil gawa lamang ito ng mga malilikot na kaisipan ng mga taong nakakaranas ng kirot at sakit sa mga taong minamahal nila ng lubos ngunit hindi maibalik ang naturang pagmamahal sa kanya.


Friendzone - In popular culture, the "friend zone" refers to a platonic relationship wherein one person wishes to enter into a romantic or sexual relationship, while the other does not.

http://en.wikipedia.org/wiki/Friend_zone

Blogger's POV.

Friendzone - ito ay isang sitwasyon kung saan dalawang tao ang pinaguusapan. Dalawang magkaibigan na nauwi sa pagkahulog ng isa sa isa at pagtanggi ng binibigay na pagmamahal ng isa. Ang isa ay ang nang-friendzone- ito ay ang taong hindi kayang ibigay ang pagmamahal na tulad ng sa na-friendzone-ang taong nahulog sa kanyang kaibigan.

Sa katunayan niyan, mahirap talagang bigyan ng malinaw na kahulugan ang FRIENDZONE. Kasi sa laki ng sakop niyan kumbaga sa movie maraming episode. Sa katunayan ulit, marami na ang nagBLOG, nagVLOG, nagkwento at nakwento tungkol sa usaping ito. Kaya hindi ko na lang masyadong palalawakin pa dahil gusto ko magFOCUS sa dalawang taong involve sa topic na ito. Si nang-fzone at si na-fzone.


Mula sa salitang FRIENDZONE, kunin natin ang salitang FRIEND. Hindi mo masasabing kaibigan kung magisa ka lang. Kapag kinaibigan mo yung sarili mo, ewan ko nalang. So, magdagdag tayo ng isa pa, FRIENDS na. Si babae at si lalaki. Masyadong close si babae at lalaki. Lagi silang magkasama, sabay kumain, sabay umuwi, pinagtatanggol sa kaaway, magkatext palagi, magkachat, magkawall-to-wall, magkausap, basta in short SUPER CLOSE. Ngayon, dumating sa point na nakaramdam ng kakaibang feelings si boy kay girl dahil sa super closeness nila sa isa't isa. Gusto ni BOY si GIRL, pero hindi bilang KAIBIGAN kundi bilang girlfriend, bilang taong magiging kahati niya sa lahat. Dahil sa closeness na meron sila, akala ni BOY na mayroon ding pagtingin sa kanya si GIRL, kaya pinagpasyahan niyang sabihin at aminin na kay GIRL ang tinatagong nararamdaman para sa babae. Pero, pero, pero, ang totoo, KAIBIGAN lang ang turing ni GIRL kay BOY, as in kapatid lang. There, misinterpretation occurs. Surely - Na-FRIENDZONE ka!

Blogger's POV.

Sa sitwasyon na nasa taas ay ang sitwasyon na lagi na lang nangyayari sa mga kabataan ngayon. Sa tingin niyo? Bakit inakala ni boy na gusto rin siya ni girl? Ako sa tingin ko kasi, dahil si girl ay nagpapakita rin ng motibo sa boy. Yan ang pinakamahirap na estado ng pagkakaibigan na nasa bingit ng FRIENDZONE, ang pagpapakita ng motibo at hindi naman kayang bigyan ng hustisya.

*Ang nang-friendzone*

Sa sitwasyon natin si GIRL ang gumawa nito. Sa totoo lang pwedeng sinasadya o hindi sinasadya ang pagkakafriendzone sayo. Marami kasi dahilan yan pero ibibigay ko yung sa tingin kong tatlo.

*Takot
-takot na magmahal isama mo na yung takot sa nanay! hahaha

*Just friends
-talagang kaibigan talaga turing niya sayo

*Unlikeness
-Hindi ka gusto ng babae as boyfriend. Gusto ka lang niya na lagi kang nandyan sa tabi niya.

NEGATIVE SIDE:

Bakit mo pa kasi kailangang ipakita lahat ng motibo sa taong dapat na pinapakitaan mo lamang ng imahe ng pagkakaibigan. Kaya maraming nakakamisinterpret sa dalawa kasi naiiba yung kinikilos nila sa sinasabi nila. Isa pa, dapat alam mo yung mga posibleng mangyari sa mga kinikilos niyong pareho. Kung sa tingin mo hindi mo naman pala dapat na gawin yun dahil ganito ang lalabas, ganyan. Edi sana, ibahin mo na yung mga ginagawa mo at pinapakita sa taong iyon. Kasi kung ayaw mo naman talaga mawala yung friendship niyong dalawa, aayusin mo yung mga kilos mo, yung sakto lang, yung tama lang, yung swabe, yung KAIBIGAN LANG TALAGA.

POSITIVE SIDE:

Sinabi ko nga sa taas, pwedeng sadya at di sadya. Kaya hindi mo masasabing masama o mabuti ang isang fzoner. Ano magagawa natin kung ayaw niya talaga at talagang kaibigan lang diba? Platonic love lang ang kaya niyang ibigay sa kaibigan niyang nahulog sa kanya. As in pure love. May mga ganito kasing tao, yung feel na feel niya yung lagi kayo magkasama, magkausap pero hindi naman lagi kasi ang ibig sabihin nun ay gusto ka niya as more than friends. Minsan, matuto rin tayong mag-isip ng positive and negative saka natin bigyan ng mga dahilan. Yan ang mahirap sa mga tao, yung pabigla-bigla, hindi naman sigurado pero isa lang ang sigurado.... siguradong masasaktan.


*Ang na-friendzone*

NEGATIVE SIDE:

Naniniwala kasi agad ang isang na-fzone sa kilos at galaw ng kaibigan niya. Kung ano yung ipinapakita nito sa kanya. Sa isang taong umiibig kasi o sa isang taong nahulog ang kalooban sa kanyang isang kaibigan, hindi na niya iniisip pa ang kung ano ang kalalabasan ng gagawin niyang pag-amin. Isang damdaming hindi na mapigilan at hindi na kaya pang ipagpatagal pa. Yan ang mali sa isang tao, yung hindi na pinagiisipan ang mga bagay.

POSITIVE SIDE:

Katulad ng sa fzoner, hindi mo masisisi ang isang na-fzone sa kung ano ang bigla na lang niya naramdaman. Iba rin kasi kapag LOVE na yung pinaguusapan. Minsan, hindi naman talaga mapipigilan yung ganun, kahit na ayaw niyang mawala yung friendship nila, kapag nahulog na wala na siyang magagawa. Wala naman tayong magagawa kapag sinabi niyang gusto niya talaga, nasa sakanya nalang yun kung kaya niyang bigyan ng hustisya at kaya niyang tanggapin ang kalalabasan ng lahat ng ginawa niya.



Hindi mo talaga alam ang pwedeng mangyari sa mga panahong hindi mo akalain na bigla na lang mananaig ang mali sa tama at ang tama sa mali. Hindi mo rin naman kayang pigilan ang mga pagkakataong sabik na sabik yung puso mong magmahal. Pero kung magiging responsable lamang tayo sa lumalabas sa ating bibig, sa mga gawa at kilos, sa mga pinapakita sa kaibigan at sa tao sa paligid. Kung ayaw niyong mawala yung pagkakaibigan niyong dalawa, better move on, leave the feelings and dont entertain it. Look forward. Because if its impossible, its impossible. But, kung gusto mo talagang i-pursue at ipaglaban yung nararamdaman mo sa kaibigan mo at talagang hindi ka naman niya tanggap, walang masama dun, sabihin mo aminin mo pero kailangan lagi mong titingnan yung negative at positive sa ginawa mong pag-amin. Maraming magbabago. Wala kang magagawa. Wala siyang magagawa, wala tayong magagawa dahil if its God's will, it is.



(c) KATRIN JOY A. CIELO
https://www.facebook.com/kjcielo

No comments:

Post a Comment