Monday, June 10, 2013

#6. Klase ng Estudyante

Lahat tayo bilang isang tao, nakaranas na maging studyante minsan sa ating mga buhay. Bilang isang estudyante, nakaranas tayong maging masaya, masaktan, malungkot, umiyak, magutom, mawalan ng pera, kuhaan ng baon, hingian ng papel, hiraman ng ballpen na di na binabalik, magschool play, sumali sa mga quiz bee, pagalitan at pahiyain ng teacher, makakuha ng bagsak na marka, kumopya, kinopyahan, pumasa sa hindi mo gustong subject, maging emo, maiwan ang ID, hindi makapagbreak, nasaraduhan ng pinto at naranasan din natin ang masayang pag-absent. Bilang isang kolehiyo, naranasan ko ng lahat yan. Pero ganyan talaga ang buhay, may ups and downs. Minsan okay, minsan hindi. Bakasyon na, heto nanaman ako sa paggawa ng mga blogs na makabuluhang sumagi sa aking isipan. Dahil tapos na ang mga klase, tribute ko ito para sa mga studyanteng kakagraduate lang ng prep, elementary, highschool at college. Malay mo, taglay mo ang mga katangiang mababasa mo.

1. Lu-li
> Lu-li as in Lulubog Lilitaw. Ito yung tipo ng batang talagang hindi makumpleto ang isang buwan na walang absent. Mas marami pang inabsent kaysa sa pinasok. Pero minsan kahit na pala-absent ito, aba! Nakakapasa pa rin sya. Studyanteng pumapasok lang kapag may exam. Hindi mahalaga sa batang ito ang kahalagahan ng EDUKASYON. Sayang yung tuition at baon na binibigay sa kanya. 

2. Palimos po?
> Ito naman yung tipo ng estudyante na walang ibang ginawa kundi manghingi, magpalibre at mangutang na hindi naman binabayaran. Klase ng studyante na parang walang nanay. Yan yung mga studyante na nabubusog sa kakahingi. Yung tipong nasa bibig mo na, aagawin pa nila at wala silang pake kung gutom ka o wala ka ng pambili. Basta sila, mambuburaot sila. Sila yung kapag hindi mo napagbigyan, sila pa yung malakas magsabi ng "ANG DAMOT MO NAMAN" at magagalit sila. Wow ate/kuya may patago ka? May pinatabi nanay mo sakin? Yan tayo eh. >:D

3. Lahat tayo may papel sa mundo.
>Lahat naman tayo binigyan ng papel sa mundo. Kapag quiz nga lang wala. Hindi ko alam, bakit sa dinami-dami kong binibiling yellow pad, hindi pa natatapos ang isang sem, wala pa nga sa kalahati, ubos na agad. Hindi kasi mawawala yung mga taong hindi nagpapabili sa mga magulang nila ng yellow paper. Maiintindihan mo pa sana kung talagang walang kakayanang bumili ng kaklase mo eh. Pero kung sino pa yung may pambili, sila pa yung hingi ng hingi sayo ng papel. Nakakainis yung mga taong ganito, tapos kapag ikaw naman ang nawalan ng papel, sila yung madaling makalimot. Mga tao nga naman.

4. Foundation day!
>Akala mo yung mga studanteng ito pagtapos ng klase papasok ng club. Sila yung kuntodo ang make-up kapag papasok ng skul. Yung tipong kapag tinusok mo yung daliri mo sa mukha nila babaon hanggang gitna sa sobrang kapal ng mga make-up Teh, skul ang pinasukan mo hindi club. Isama na rin natin dito ang mga studyanteng di makabili ng sarili nilang pulbo. Sige, hingi! Nakakapagload ka, nakakagala ka hindi ka makabili ng pulbo mo? Nu ka teh? HIBANG? :D Bili-bili rin pag may time.

5. Brainy
> Ito yung studyanteng halos di na magbreak sa sobrang kasipagan sa pag-aaral. Sila yung studyanteng hindi bumababa ang grades kundi pumapalo sa uno. Halos wala ng social life sa sobrang tutok sa aral. Well, God bless. Sana wag kang mabaliw sa kakaaral.

6. Silent Hill
> Ito naman yung studyanteng parang multo sa classroom. Nandyan nga siya pero parang wala. Ito yung mga studyanteng mayayaman. Nakabili ng sariling mundo. Madalas silang nakatanghod sa bintana at mas malalim pa sa marianas trench ang iniisip nila. Pagtapos ng klase, madalas silang diretso uwi at hindi nakikipagkwentuhan sa iba. Walang pinagkaiba sa #5 na walang social life.

7. Comedy bar
> Ito naman yung mga studyanteng bida lagi sa katatawanan. Yung laging sentro ng atensyon kapag nagpatawa na. Lagi nilang iniistorbo ang klase dahil naiinterrupt nila ang pagtuturo ng mga teachers.

8. ASANESS
> Klase ng estudyante na lagi nalang umaasa sa katabi lalo na kapag major exam. Yung halos  mahulog kana sa upuan mo kakatadyak na dahil sa panghihingi ng sagot. Ito rin yung klase ng tao na kapag groupings kukunin ka niyang ka-member tapos ikaw ang gagawing leader lalo na kapag matalino ka. Tapos siya, HAYAHAY na ang buhay.

9. May I go out mam?
>Syempre ito ang gustong gusto ng lahat, yung ihi ng ihi kala mo uminom ng isang drum na tubig. Lumalabas lang naman para makita yung mga crush nila o kaya makatakas sa mga recitations. Nakuuuu! Dun kanalng sa CR magklase. -_____-

10. Simple but nice
>Sila yung tipo ng studyanteng mababait. Tipong mag-aaral, uuwi ng bahay, papasok. Sila yung masarap kausapin, masarap kaibiganin at magaling magtago ng sikreto. Simple lang sila at hindi masyadong nagkwekwento sa buhay nila, mas gusto nilang pakinggan ang buhay ng ibang mga kaklase at pagsasabihan ng mga advice. ANGELS. :))


Ikaw? Anong klase kang studyante sa skul?

(c) KATRIN JOY CIELO

FACEBOOK: https://www.facebook.com/kjcielo
TWITTER: https://twitter.com/iamkjoycielo
TUMBLR: http://youngkaje.tumblr.com/

No comments:

Post a Comment