Tuesday, June 11, 2013

#15. Edition of a Social Climber


Blogger's hinanakit sa mga tao.

THROWBACK...

When I was in Highschool, naghiwalay ang parents ko, so my kuya need to earn some living kaya siya nagtrabaho habang nag-aaral. In short, saktong sakto lang ang budget namin para sa isang araw. No extra gastos as in sakto, minsan pa nga kulang.

There are times na nagkakaroon kami ng bayarin sa eskwelahan, yung tipong requirement daw kung hindi mas malaki yung project na gagawin. FIELDTRIP, JS (pero di ako sumama ng JS), PTA, etc. So yes, pinipilit ko ang mama ko na magbayad kami kasi ako yung tipo ng bata noon na nagtatop talaga, GRADE din yun kaya ang tawag sakin ng mama ko "SOCIAL CLIMBER". Pero, hindi naman to the point na papataihin ko sila ng pera, nanghihingi lang naman ako. Kung wala, edi wala. Kung meron, edi meron. Tanggap ko yung kalagayan namin noon pero hindi ko masasabing isa akong SOCIAL CLIMBER.

PRESENT...

Le's go back. Ano nga ba ang ibig sabihin ng SOCIAL CLIMBER?


SOCIAL CLIMBER(noun)- The definition of a social climber is a person who aspires to get into a group of people he thinks are higher class and socially prominent.

An example of a social climber is someone who wants to marry for money and impress all the society people.
http://www.yourdictionary.com/social-climber

BLOGGER's POV:

Social climber - ito ay isang paguugali ng tao kung saan pilit niyang pinagsisiksikan ang mundo niya sa mundo ng mga taong ipinanganak na may gintong kutsara ang mga labi kahit na imposible pa para sa kalagayan at katayuan niya sa kanyang lipunan.


Pagpapakatotoo. Yan ang isang bagay na wala ang mga tao ngayon. PAGPAPAKATOTOO. Simple lang, kung ano yung nasa buhay mo, kung ano yung dapat makita sa buhay mo, at kung ano dapat ang lumalabas sa bibig mo, dapat TOTOO. Kasi walang saysay ang mabuhay sa mundo, kung puro na lang kasinungalingan ang lumalabas sa bibig mo.

Ano ba kasi ang dahilan ng mga hambog na mga tao kung bakit kailangan pa nilang magbalat-kayo at magtago sa likod ng tunay nilang pagkatao? Marahil, bilang isang taong napapaligiran ng mga taong ito, marami  ang dahilan kung bakit. Bakit? Bakit? Bakit?


*Sunod sa uso
*Inggit
*Popularity
*Financial Security
*Gain friends

and.. etc (end of thinking capacity) HAHAHA

*SUNOD SA USO

-> Best example is sa pananamit. Kung ano ang usong damit bibili yan at sa usong clothing line din bibili. 

*INGGIT

-> Dahil naiinggit sa kaibigang mayaman, magyayaman-yamanan na rin para masabing yes, im a rich kid with rich dreams.

*POPULARITY

-> Madaling makakuha ng kasikatan kapag nasa higher class ka ng grupo ng tao.

* FINANCIAL SECURITY

-> Sabi nga sa example sa taas sa meaning ng social climber, hinahangad na makapangasawa ng mayaman para makaimpress sa ibang tao. Yun, minahal lang ang PERA. 

*GAIN FRIENDS

-> Uso to. Kapag mayaman ka, marami kang pera, marami ka ring kaibigan. Know what? Inuuto ka lang naman nila eh.



Mayroon akong mga kakilalang ganito. Pero hindi ko na lang sila imemention. Actually hindi lang naman para sa kanila ito, tribute to sa mga social climber. Minsan nakakairita na sila. Kasi sila yung mga taong hindi umaamin sa mga hindi nila kaya, hindi nila matanggap. Sa totoo lang kasi ang layo ng ginagawa nila at sinasabi nila sa nakikita ng mga mura at matatalim nating mga mata. Mga matang hindi mo naman masasabing mapanghusga, pero mga matang nakikita ang totoo sa nagbabalatkayo at nababalutan ng pagpapanggap nilang pagkatao.


Hindi naman kailangan na magpanggap pa at magtago, mas maganda yung bukas ang isipan mo sa makasalanang mundong ito, magpakatotoo ka at pagpatuloy mo lang ang buhay kahit mahirap. Hindi mo naman kailangan ng ibang tao para sa iyong pag-angat. Kailangan mo lang ang sipag at tyaga na nagmumula sa iyong sarili at ang dasal mong ipinapaabot sa ating Panginoon. Hindi mo naman lahat yan maitatago sa Panginoon, malulungkot siya sa mga bagay na hindi mo tuwirang maamin, magawa at masabi. Ang mga salita at buka na namumutawi sa iyong bibig ay ang mga bagay mismo na magsasabi kung sino ka. Ang mga kilos, galaw, at tindig ng iyong katawan ang siyang magbibigay hustisya sa iyong pagpapanggap sa mundong balot na balot ng mga nilalang na hindi abot ng puso ang kaisipan.



(c) KATRIN JOY A. CIELO
https://www.facebook.com/kjcielo

No comments:

Post a Comment