Monday, June 10, 2013

#9. Summer NAAAAAAAAAA! Malagkit na Tag-init!

Kamakailan lamang ay inanunsyo na sa mga balita sa telebisyon na ganap na ang SUMMER sa Pilipinas (*all caps para dama mo*). Ano pa nga ba ang mas sasaya kapag narinig mo na ang salitang yan. Siyempre, bakasyon na ng mga studyante. Break muna tayo sa nakakasakit ng ulo sa eskwelahan. Pahinga ng dalawang buwan at syempre dahil bakasyon na, wala nanaman tayong PERA. Yan tayo eh! Sa mga ganitong panahon, ang mga teenager ang pinakamasasayang nilalang sa Pilipinas. 

Kaya, gumawa ako ng sampung katangian ng isang tao tuwing summer na may hindi masyadong pinag-isipang katawagan.


#1. Summer love.

Ito yung tipo ng mga kabataan na may nakilalang taong inibig niya sa lifespan lamang ng bakasyon. Bakit? Kasi nagbakasyon lang din eh at ang tema nila ay  "LONG DISTANCE RELATIONSHIP" na hindi rin naman nagtatagal dahil isang taon ulit ang hihintayin nila para magkitang muli. Hindi na sila nakakatiis sa init ng kanilang mga katawan (LOL, oa) "The long distance is killing them" So, that's why tinawag itong Summer Love.


#2. Sticky thingy!

Ito naman yung tipo ng taong lagkitin, pawisin, mantikain tuwing summer! Mainit eh, syempre pawisin. Ito yung tipo ng tao na pag dinikitan mo, may sumasamang mga sticky particles sa balat mo mula sa balat niya. Wala kang magagawa, dahil mainit eh. Isipin mo nalang, baka lotion niya yun, nalusaw sa sobrang init. 


#3. KATUGA

Kain, tulog, gala. Ito yung mga rich kid. Walang ginagawa sa bahay kundi kumain lang tapos niyan matutulog, pagkagising gagala, "Sana sinabi mo nalang teh na ikaw ang prinsesa sa bahay na ito, para napaglatagan ka pa ng red carpet pag labas mo!" Kadalasan ganyan din naman sila kahit na hindi bakasyon. Sanayan lang sa walang pinagkaibang sitwasyon.

#4. Get away!

Ito naman yung taong kaliwa't kanan ang mga outing, gimik and gala. Rich kid ding maituturing. Laman ng mga beach resorts and hotsprings kapag summer. Sila yung mga taong kahit hindi naman magaling magswimming, go lang ng go kasi nga SUMMMMMERRR!

#5. Surf all the way

Yung tipo ng taong lagi lang nasa bahay at walang ginawa kundi magfacebook, youtube, twitter, tumblr, flickr at kung anu-ano pang mga social media sites. Sila yung mga hindi makatikim ng gala kasi wala naman silang outing kaya ibubuhos niya na lang ang isang daang porsyento niya sa pagcocomputer. Wala rin namang pinagkaiba kapag hindi bakasyon.

#6. Eat-all-you-can

Ito naman yung tipo ng taong kapag summer binubuhos ang lahat-lahat sa pagkain ng pagkain ng pagkain. Hanggang sa lumobo siya at hindi na kasya ang uniporme niya sa kanya. Dahil mainit, lagi itong kumakain ng icecream at ng halo-halo. Goodluck!

#7. NGA-NGA!

Yung tipo ng taong taong-bahay lang kasi nga NGA-NGA. Walang pera, di makasama ng mga gimik at walang walang walang pera dahil nga kasi BAKASYON. Nganga lang talaga sa bahay at nagsasun bathing sa ilalim ng kanilang bubong. </3

#8. Productive summer ituuu!

Ito naman yung tipo ng taong kagaya ko. Ginagawang productive ang summer sa pamamagitan ng pagbablog, pagke-create ng videos, pagpunta sa mga summer getaways and also ang paggala. Kung alam niyo naman palang wala kayong pera ngayong bakasyon, dapat pinagipunan niyo na yan habang maaga pa para nakakagala rin kayo at hindi kayo tambay sa bahay. Anyway, marami pang productive things na pwede niyong gawin ngayong summer bukod sa ginagawa ko. Summer job, Be active sa church, tumulong sa gawaing bahay, advanced learning at marami pang iba.

#9. The good ones

Ito naman yung taong ginugol ang oras sa simbahan. Sila yung hindi masyadong nakapagcommit sa church nung may pasok pa kaya ngayon bumabawi sa simbahan at sa Diyos. Very active sa simbahan at kung minsan, sumasama pa sa mga fellowship, youth camp and Christian concerts.

#10. Cool ones

Sila naman yung balance lang. Nagagawa nilang lahat ng balance. Sila yung chillax lang sa buhay pag summer at cool na cool lang. Wala masyadong hassle sa buhay at pa-cute lang pag summer. Sila yung masarap kasamang tao kasi hindi sila magiging pabigat sayo. Cool sila kasi, hindi nila masyadong binibigyan ng sobrang importansya ang panahon. Kagaya ngayon summer, sa kanila, SO WHAT kung summer? Kasi nga cool sila. Magagawa nila ang mga bagay sa anumang panahon.


Ang mahalaga sa lahat yung kasama mo yung pamilya mo ngayong summer at buo kayo syempre kayo ay masayang magkakasama. Kahit na hindi kayo makalabas or makapag-outing ngayong summer, okay lang yan. Mas mahalaga yung pagkain niyo sa araw-araw at yung mga mahahalagang bayarin niyo. Wag kang magtampo kapag hindi kayo nakapagsummer get away ng family niyo kasi malay mo, nagreready sila para sayo ngayong darating na pasukan. Be at #10. Be a cool one.


Ikaw? Alin ka sa sampung nabanggit ko? Kung wala, pwede kang magdagdag sa sampung iyan. 


(c) KATRIN JOY ALESNA CIELO

FB:https://www.facebook.com/kjcielo
TWITTER:https://twitter.com/iamkjoycielo
TUMBLR: http://youngkaje.tumblr.com/

No comments:

Post a Comment