Monday, June 10, 2013

#5. Tunay na Kaibigan


Iba-iba ang personality ng isang tunay na kaibigan. Minsan, sa totoo lang, ang hirap talagang maniwala sa mga tao sa paligid mo. Minsan, hindi mo talaga alam kung sino ang mga kaibigan mo at kung sino ang mga fake. Mahirap kilalanin ang mga fake friends dahil sa kadahilanang ayaw nilang magmuka silang masama sa paningin mo kaya minsan itatago nila yun, minsan naman, kung hindi nila tinatago, nilalabas naman nila sa iba pang mga tao para lang makahanap ng kakampi o minsan para ikaw ang maging masama sa imahe ng iba.

Lahat naman tayo ay may kaibigang tunay at pekeng kaibigan. Ang una kong mga babanggitin ay ang mga palatandaan ng isang PEKENG KAIBIGAN:

#1. Just when I need you most
> Ito yung tipo ng mga fake friends na kilalang kilala ng lahat at ang line para sa kanila "Lalapit ka lang sa akin kapag may kailangan ka, kapag wala na, wala ka na rin" Sila yung mga taong lalapit lang sayo kapag may kailangan. Ang dami nyan sa mundo kaya mag-ingat kayo.

#2. Talking behind my back? You deserve there.
> Ito naman yung mga taong kapag kaharap ka, ang bait bait sayo at ang gaganda ng mga pananaw niya sa sayo. Pero kapag nakatalikod na, kung anu-ano ng mga kawalanghiyaan ang mga pinagsasabi sayo. Yung tipo ng mga taong may EVIL PLAN kasabay ng kanilang EVIL LAUGH. Bwahahahaha. Tawag sa kanila ay "BACKSTABBERS", "SAKSAK PATALIKOD", "BACKFIGHTERS". Kahit na ano pa man ang mga EVIL katawagan sa kanila, mag-ingat nalang kayo dahil matindi sila kaaway.

#3. Hello Philippines and Hello WORLD!
> Ito naman yung mga taong sinabihan mo ng sikreto mo at paggising mo kinubukasan, wala na. Alam na ng buong mundo ang pinakatatago mong sikreto. Yan kasi. Wag kang magtitiwala basta-basta sa mga taong hindi naman marunong magtago ng sikreto. Mahirap ang mabuhay sa mundo ng mga CHISMOSO'T CHISMOSA. Kawawa ka naman. -____-

#4. Balimbingism
> Ito yung tipo ng isang fake friend na kumampi na sayo nung una, nung nakausap ng kabila, kampi na rin sila. Siya ang tipo ng taong sumasang-ayon sa mga sinasabi mo at dinadagdagan niya pa ng inis niya sa taong kaaway mo pero pag kinausap na ng kaaway mo, wala na, ganun na din ang gagawin niya sayo. Hindi mo malaman kung may kinakampihan o talagang gusto niya lang at naeenjoy niya ang pagsasabi niyo sa kanya ng storya. Dami ko kilalang ganito. Mahilig gumatong pag kaharap na ng iba, ikaw naman ang masama para sa kanya. Beware of this kind of animal. >.<

#5. FLASH STICK
>I mean plastik. hahahaha. Sabi ng Prof ko sa General Pyschology noon, kailangan ng isang tao ang maging plastik. Naniniwala ako na kailangan sa buhay ang maging plastik. Una para hindi ka makasakit ng ibang tao, sadyang may mga tipo kasi talaga ng taong nakakairita, yun bang wala naman syang ginagawa sayo pero naiirita ka sakanya? Kelangan mong magpakaplastik dahil alam mo namang nabwibwisit ka lang talaga sa kanya kahit na wala naman syang ginagawa sayo. Pangalawa, kung sasabihin mo sa kanyang ayaw mo sakanya, marami rin naman syang kaibigan para gaguhin ka rin. Kaya mas mabuti nalang na plastikin mo sya in a good way. May bad ways naman na dulot ito, ito naman yung may pinagkakalat ka tungkol sa kanya tapos kung makipagusap ka naman sa kanya, kala mo anghel ka. Di ganun men. Kapag napansin mo na agad na may mga taong ganito sayo, wag mo na silang pansinin, wag kang makipagusap hanggat di ka nila kinakausap or urgent naman talaga. Dont tell secrets to them, dont be fool. :D

#6. Hala sige! Magkampihan kayo! ;)
> Ito naman yung tipo ng taong sasabihan mo ng problema mo, sasabihin mo sa kanyang naiinis ka kay ganito, ganyan. Tipo ng pekeng kaibigan na pagsasabihan mo ng mga problema mo. Una, makikinig siya sayo tapos sasabihin niya na alam mo wala naman akong kinakampihan sainyo (*insert advice here*) then after ilang seconds mapapansin mong may kinakampihan naman pala ang gaga at ang mahirap dun hindi sayo kumakampi. Kapag may mga taong ganito sayo, beware of dogs! LOL. Beware of mukang dogs. Kidding aside. :D Kahit naman na sino pa ang kinakampihan niya sa inyo hindi pa rin maganda yung may kinikilingan ka. Kasi hindi ka naman kasali sa rival pero nakikisawsaw ka pa. Mas mabuti na yung ikaw ang PEACE MAKER at hindi nakikita sayo na kung kani-kanino ka kumakampi. Kung may mga bagay na hindi naiintindihan ang isang tao, bilang peace maker nila, kelangan mong ipaintindi sa kanya yun dahil gusto mo nga na maayos ang lahat. Yes, im serious here. LOL.


#7. Tell it to my FACE. Straight to my FACE! :D
> Ito naman yung tipo ng taong hindi masabi sayo ng diretso ang mga problema niya sa pagkatao mo. Kaya ang gagawin niya, sasabihin niya sa mga taong malalapit sa kanya at sasabihin niya lahat ng hinanakit niya sayo. Lahat ng ayaw niya sayo. In the end, ang tanong? Natapos ba ang problema mo sa taong yun? HINDI. Tapos yung mga taong pinagsasabihan niya ng mga bagay na ayaw niya sayo kinukunsinti ang mga bagay na ginagawa nito. Pano mo masasabing tunay kang kaibigan kung yung mga maling ginagawa ng kaibigan mo eh kinukunsinti mo at hindi mo sinasabing MALI YAN. MALI ITO. Gusto mo rin eh. >:D Pano mo naman malalaman na may ganito kang kaibigan? Simple lang, madaling makaramdam ang isang tao kung ayaw sa kanya ng tao o gusto nito. Para makasigurado ka, pwede ka namang magtanong sa kanya ng seryoso at sa iba pang mga kaibigan nito. Sinasabi ko sayo, may magsasalita at magsasalita sa mga yan. :) Sila kasi yung nasa #4. :) Mga balimbing. >:D

#8. Kapag wala ka, ikaw ang no.1 topic nila.
> Sila yung mga close friends mo kung ituring. Sila yung mga pinagsasabihan mo ng mga sikreto mo tapos kapag wala ka sa gala nila o hindi kayo magkakagrupo sa mga study at group projects, NAKU! Ilang beses mo na siguro nakagat ang dila mo at ilang beses ka na siguro nasamid dahil "KAPAG WALA KA, IKAW ANG NO.1 TOPIC NILA. Kaya alam mo, ang best way dyan, wag kang magpapahuli sa mga GALA. Hndi biro lang, Hindi yan ang sagot sa mga problemang gaya nito. Mismo ako hindi ko alam ang kasagutan sa mga bagay na tulad ng ganito. May feeling kasi ako na ganyan minsan pero hindi ko alam pano ko sila pakikisamahan. Ang ginagawa ko lang, normal lang, Edi kung ayaw niyo sa akin, ayos lang, Sabi sa BIBLE, LOVE YOUR ENEMY! ....and ILOVEYOUUUU! ;)

#9. Leave me alone!
>Ito yung mga tipo ng pekeng kaibigan na laging sinasabi sayo na nandito lang ako lagi sa tabi mo hindi kita iiwan pero kapag may problema ka na. Wala na. Nag-FLY ever na sya somewhere! Kung sa maliliit na bagay pa lang nga hindi na nilang magawang makatugon sa mga sinasabi nila sayo what more pa kung malalaking bagay na yan. Dont trust them, it might lead you to death. HAHAHA. :D Ito yung tipo ng taong masaya lang sya kapag masaya ka, pero kapag may problema ka, dahil ayaw niyang maging malungkot at madamay, iiwan ka niya sa ere. Buhbye! D:

#10. Promises :>
>Ito naman yung tipo ng fake friend na mangangako ng mangangako sayo hanggang sa nagrapture nalang hindi pa rin nangyayari yung pangako niya sayo kahit na POSIBLE. Ibig sabihin, hindi ka ang nasa listahan ng kanyang mga priority sa buhay. :) Hayaan mo nalang, pwede naman magsumikap ka nalang at ikaw nalang mismo ang umabot sa mga pangakong pinangako niya sayo. 


Ngayon naman, ibibigay ko sa inyo ang sampu na para sa akin ay kumikilala sa katauhan ng isang TUNAY NA KAIBIGAN. 

#1. Together Forever :>
> Ito yung tipo ng tunay na kaibigan na hindi ka iiwan at hindi ka pababayaan habang buhay. Parang bestfriends forever ang peg. Bihira lang kasi yung mga ganitong tao. Minsan kasi kapag grumaduate na kayo ng Highschool di na kayo close pagdating ng College. Yung tipo ng ganitong tao ay yung malayo ka man, parang malapit na rin. Yung kahit na magkalayo man kayo at hindi na masyadong nagkikita, TRUE FRIENDS PA RIN KAYO.

#2. Selos lang yan, diba?
> Ito ang tipo ng kaibigan na nagseselos kapag hindi mo siya kinakausap tapos may iba kang kausap. Girlfriend lang ang PEG! Ito yung tipo ng taong ayaw niya na nakikitang masaya ka sa iba gusto niya sakanya lang. Its not being selfish, of course literally speaking masaya ka kasi marami syang kaibigan pero para dito ang gusto niya wag mo syang kakalimutan kahit na napapatawa ka pa ng ibang tao. Waaaa. Naalala ko lang, ganito kasi ako. >.< Share ko lang. Nung HS ako, maraming friends ang BFF ko pero ako ang bestfriend niya. Parang mama ko na ang mama niya tapos tabi kami matulog pag nagoovernight ako sa bahay nila, kapag nasa skul kami at wala siya sa tabi ko makikita ko sya na nasa hallway ng skul at nakikipagtawanan sa iba niya pang friends. Nagseselos ako ng TODO. Tapos meron pa kong isang bestfriend si BOF. Kapag kasama nya yung grupo niyang TFF, sobrang selos ako kasi may bestfriend din sya dun na mas  matagal kesa sakin, last, Yung MAMITA ko na kaklase ko ngayong College. Diko alam pero nakaramdam ako ng matinding selos nung nagpagawa ng last activity yung Prof ko sa Genpsych na magsusulat ka sa likod ng kaklase mo at sasabihin mo yung message mo sakanya. Sa lahat ng close friends niya, ako lang yung HINDI NIYA SINULATAN NG ILOVEYOU sa likod. Nagseselos ako nung binabasa ko yung mga sinulat ni MITA sa likod nila, then I told her. "Mita, bakit sakanila may iloveyou? Bakit sa akin wala?" Then she told me "ILOVEYOU". Natuwa ako ng bahagya. bahagya lang kasi hindi naman niya sasabihin yun kung hindi ko tinanong sa kanya. Selos much. HABA! Im serious here.

#3. No matter what.
> Ito naman yung tipo ng kaibigan na kahit na lagi syang nakasandal sayo kahit na mas nagbebenefit sya sayo, hindi ka pa rin niya iniiwan. Ito ay hindi dahil sa kasi may kailangan sya kundi mas nakakahanap siya ng comfort sa tabi mo. Hindi mo napapansin na nagbebenefit kana rin sa kanya. Kasi ito yung mga tunay na kaibigan. Yung hindi nagiiwan sa lalo na sa oras na kailangang kailangan mo siya. Ito yung tipo ng taong masasandalan mo, maiiyakan, mahihingan ng advice, mayayakap at makakabiruan. Maswerte ka kapag may kaibigan kang ganyan.

#4. Kaibigan kita, kaya gagawin ko ito.
>Ito naman yung tipo ng tunay na kaibigan na hindi kinukunsinti ang mga maling ginagawa ng kanyang kaibigan. Kapag nakita niyang naninigarilyo ang kanyang kaibigan, syempre alam naman nating masama sa katawan ang paninigarilyo, papayuhan niya ito at hindi niya titigilan hanggang sa tigilan na ng kanyang kaibigan ang mga ginagawa nitong mali. Swerte ka rin kapag may kaibigan kang tulad nito. Malalayo ka sa kapahamakan at hinding-hindi ka nito pababayaan.

#5. Sasabin ko sayo ito, kasi kaibigan kita at ayaw kong mag-away tayo.
>Ito naman yung tipo ng kaibigan na may kinaayawan sayong ugali na gusto niyang mabago sayo at sasabihin niya ang mga bagay na kinaiinis niya rito. Hindi siya plastik. Honest siya. Kahit na masakit pakinggan yan, anu pa man yan, tanggapin mo kasi kilos at ugali mo yan. Mabuti pa nga at may nagsabi sayo ng ganyan ka. Kundi, kakamuhian ka ng tao. Saka siya yung tipo ng taong kapag nainis siya sa biruan niyo, sasabihin nya agad sayo ng hindi ka masasaktan at ipaliliwanag niya ng maayos.

#6. Just the way you are
>Ito naman yung tunay na kaibigan na kahit ano pang itsura mo, kahit na ano pang estado mo sa buhay, kahit na hindi ka matalino kahit na maraming galit sayo, kahit na ikaw ang pinakamabaho sa klase niyo, hindi ka niya iiwan at KAIBIGAN pa rin ang turing niya sayo. Kumbaga, hindi siya mahihiyang kasama ka, ipagmamalaki ka niya at higit sa lahat MAHAL NA MAHAL KA NIYA na para bang tunay mo syang kadugo. Wag mong papakawalan at sasaktan ang mga ganitong tao. Maswerte ka dahil meron ka nito.
#7. I am your guardian angel
> AKONG BAHALA SAYO ang peg ng kaibigang ito. Ito yung kaibigan na ipagtatanggol ka niya sa mga umaaway sayo pero hindi ka niya kukunsintihin sa mga bagay na nagkakamali ka. Ito yung tipong kapag nakipagsagutan kana at dumating sa point na na-choke ka, handa ka niyang back-upan para lang hindi ka mapahiya. Love your friends because they love you.
#8. Kung saan ka masaya, susuportahan kita
> Ito naman yung tipo ng tunay na kaibigan na suportado sayo sa mga bagay na naeenjoy mong gawin basta tama sa kanyang paningin. Like for ex. Hilig mo ang magdrawing pero nahihiya ka ipakita yung talent mo, siya ang mageencourage sayo para maipagmalaki mo sa buong mundo na magaling kang magdrawing. Marami pang asepcts na susuportahan ka ng friends mo, pero hindi sa bagay na tulad ng pagtatanan, pagbibisyo, hindi pagpasok sa eskwelahan. Minsan sa ending kapag nagsisi kana dun mo lang makikita yung worth ng isang kaibigang nagmamalasakit sayo.
#9. Never forgets special occasions
> Ito minsan yung pinagaawayan ng mga magkakaibigan, ang mga special occasions gaya ng BIRTHDAY, monthsary niyo ng bestfriend mo, anniversary niyo ng bf mo at madami pang iba. Ang tunay na kaibigan makalimutan man niya kung kelan ang bday mo, hindi niya iwawala ang cellphone niya kung saan niya inalarm ang exact special occasion na yun. :)
#10. Tara! Hati tayo.
>Ito naman yung masarap maging kaibigan, yung mataas ang compassion sa katawan. Ito yung lahat ng gamit niya ipapahiram niya sayo pati ang pagkain niya hati kayo maging ang nanay niya handa niyang ipahiram para sa mga PTA meetings niyo. Ganyan ka sweet ang isang TUNAY NA KAIBIGAN. Pero ingat lang lagi sa pagpili ng mga kaibigan.


Ilan lang yan sa mga pagkakakilanlan ng peke at tunay na kaibigan. Bilang isang estudyante na maraming nakakasalamuhang tao sa araw-araw. Meron akong motto sa mga ganyang bagay. "IGNORANCE IS BETTER THAN PLASTICITY" Wag mo nalang pansinin kaysa makipagplastikan ka pa. Kapag pinapansin mo ang isnag taong ayaw mo, hindi plastik ang tawag dun kundi respeto dahil alam mo sa sarili mo na may pinag-aralan ka at wag na wag mong ibaba ang sarili mo sa level ng mga fake mong mga kabigan. 


(c) KATRIN JOY CIELO 
FACEBOOK: https://www.facebook.com/kjcielo
TWITTER: https://twitter.com/iamkjoycielo
TUMBLR: http://youngkaje.tumblr.com/

No comments:

Post a Comment