Monday, June 10, 2013

#7. Infatuation VS. Love



Dumating kanaba sa puntong nagmahal ka pero hindi lamang isa? 

Ang pag-ibig hindi lang yan para sa iisang tao. Para yan sa lahat. Para sa mga kapamilya, mga kapuso, mga kapatid, mga kabarkada at para sa taong gusto mong kasama sa pagbuo ng mga pangarap mo.

Hindi mo siguro napansin na ang huli kong binanggit ay walang salitang "mga". Dahil para lamang ito sa iisang tao. Sa lahat ng mga nabanggit ko, ang pinakahuli ang pinaka kakaiba sa lahat. Ang pamilya, mahal mo yan. Pero handa mong iwan yan sa tamang panahon para sa taong kasama mo sa pagbuo ng pangarap mo. Ang kaibigan, oo naman mahal mo sila, kasama mo yan sa hirap at ginhawa eh, magkakaaway man kayo, pero hindi kayo magbebreak. Kasi walang ganun. Hindi rules yun sa pagiging magkaibigan niyo. Kaya mong iwan ang kaibigan pag ang isang taong minamahal mo ng lubusan ay nandiyan na. 

Pero yung huli kong nabanggit kanina, yun. Malupit yun. Hindi mo nga yun mapipigilan eh.  Parang tae yun. Mahirap pigilan. Pero pag nilabas mo masasabi mong "success!" Yung huli kong binanggit? Ayun ang tinatawag na pagsintang purorotski. Hinde biro lang. 

Kala mo yun lang? Hindi pa. Excited to. May magtatanong, "eh sabi mo, para sa iisang tao lang yung huli?eh bakit nauso ang kabit? Bakit may nagmamahal ng dalawa?" 
Sa totoo lang? Hindi ko alam ang logic jan oh math? Science sa likod ng tanong at sagot na yan. Pero may mga bagay akong maibabahagi kahit konti lang. 

Maaari kang magkagusto sa dalawang tao pwede pa nga higit pa sa dalawa. Pero pag pinapili kita, siguradong may magstand-out sa iyo. Hindi man isa, pero may pipiliin kapa ren. Ibig sabihin, gusto mo sila, pero hindi pantay pantay. At ito pa, maaari kang magmahal sa dalawang tao pero sasabihin ko sa'yo, akala mo lang mahal mo yung isa sakanila. Maaaring gusto mo lang siya, kaibigan lang ang tingin mo sakanya. Pero feeling mo mahal mo siya. HINDI. Ang tawag diyan "INFATUATION" akala mo mahal mo yung tao. Pero hindi. Katulad ng sa pagkakagusto, parehas lang din ng explanation ko sa pagmamahal ng dalawa. Dalawa ang mahal mo, pero sigurado akong hindi pantay yung pagtingin mo't nararamdaman para sa kanila. Kulet! Infatuation nga kasi. Isa pa? 


Malalaman mong "INFATUATION" lang ang pagtingin mo sa lalaki kapag nahuli ka ng bf mo na may isa kapapalang bf at yung una mo pa ring bf ang pinili mo. Ibig sabihin, mahal mo talaga ang orig mong bf kesa sa kabit mo.

 May magtatanong, "pano kung wala akong boyfriend?pano ko malalaman?" Ang sagot ko ay hindi ko alam. Hindi biro lang. Malalaman mo to kapag, may nalaman kang hindi maganda sa kanya o katurn off turn off. For ex: may putok pala siya o kaya may galis sa pwet. Kapag nalaman mo yun at na-turn off ka sa kanya, INFATUATION lang yan! Hindi mo siya mahal. Kasi kung mahal mo siya, tanggap mo sino siya at anong meron sa kanya. Meron pa! Malalaman mong infatuation lang yan kapag ang lalaking ito ay niligawan kana. Sa mga araw na nagkakasama kayo bilang magkaibigan, ang saya saya. Parang wala ng bukas. Pero sa araw-araw na magkasama kayo na nililigawan ka niya, parang gusto mo ng tapusin ang bukas. Ito ay dahil, narealize mo na hanggang kaibigan lang pala ang turing mo sakanya. Maaari mo rin tong maramdaman kapag kayo na.

Maniwala ka kasi sakin. Based on true story. Parang horror movie lang. 

May magtatanong ulit. "Bakit ba nararamdaman yang Infatuation na yan?" Sino kaya tong tanong ng tanong? Ang dami tanong. Sa totoo lang, hindi ko alam. Kung alam ko, secret ko nalang. Siyempre joke ulit mga brad!

Una sa lahat, masama yun kapag may boyfriend ka. Pero ano nga naman magagawa natin kung maramdaman natin yun? Diba? 
Ang main reason ng infatuation ay:
"Kapag ang boyfriend/gf mo ay hindi ka pinapahalagan, pero still, you are dying of loving him/her." Diyan na pumapasok sina "comfort" "friends" tsk tsk. May isang taong magbibigay sa iyo ng happiness naa hinahanap mo sa bf mo na nakita mo sa isang kaibigan. Ngayon, magkakaroon ka ng deep feelings kuno sa taong yun. Malalaman ng bf mo, si bf mo mula non, binigyan ka na ng importansya. Diyan mo palang malalaman na infatuation lang yun. (Pero depende pa rin sa feelings. Meron kasing totoong mahal na talaga) sabi ko naman sa inyo. Unexplainable ang pag-ibig pero ang daming nanghihingi ng payo.

Sa single naman, nagkakarOon ng infatuation kapag masyado kang nagmamadali sa mga bagay-bagay. Ang LOVE, hinihintay kasi yan, hindi yan hinahanap. Hindi naman nakikipagtaguan yan sayo eh. Masyado yang sensitive, fragile. Ingatan nalang. 

Kung hindi niyo ko nagets, okay lang. Maganda kanaman eh.  Oh paano na yan? Go for LOVE, not for INFATUATION. 

No comments:

Post a Comment