Tuesday, June 11, 2013

#11. What if's and if's

What if's and if's? 

Mahilig tayong mga Pilipino sa mga pantasya. Yung tipong sasabihin mo "Pano kaya kung ganito, ganyan?" Yung lagi tayong nagbibigay ng mga alanganing sitwasyon yung mga imposible pero pwede maging posible. Pwede rin namang posible pero imposible sa kalagayan mo. Pwede rin yung imposible talaga. 

Kaya gumawa ako ng di ko na mabibilang na listahan ng what if's dito sa blog ko. Para matuwa ka, kapag wala kang ginagawa pwede mo tong basahin. ;)


-Paano kung yung crush mo nagtapat ng pag-ibig sayo?
-Paano kung paggising mo isa ka ng character sa DOTA?
-Paano kung crush ka pala ng alaga niyong aso?

-Paano kung yung buhay talaga ng mga anime eh yung parang sa WRECK IT RALPH?
-Paano kung biglang maging scene ng the walking dead yung village niyo?
-Paano kung nagsasalita yung anino mo?

-Paano kung sinusundan ka ng mga tsinelas mo kahit hindi mo naman sila suot?
-Paano kung yung boyfriend mo ay isa palang alien?
-Paano kung mainlove ka sa isang lamok?

-Paano kung anak ka pala ng pinakamayamang tao sa buong mundo?
-Paano kung magkaroon ka ng DORAEMON sa totoong buhay?
-Paano kung ikaw ang naging Presidente ng isang araw tapos namatay ka pagtapos?

-Paano kung paggising mo katabi mo isang ANACONDA?
-O kaya nagising ka sa ilalim ng dagat?
-Paano kung nakakalipad ka pero wala kang paa?

Paano kung...
-kapatid mo ay isang sapatos?
-paggising mo isa ka na sa pinakamayaman sa buong mundo?
-ikaw ay isang plato?

-meron ka palang powers.
-naging sikat ka ng isang araw at nalaos ka rin sa araw na yun?
-ang lapis mo nung grade 1 ka ay lapis mo pa rin hanggang sa nagtrabaho ka?

-nakagawa ka ng social media site na tatalo sa facebook?
-ang ganda mo sa ibang tao pero ang panget mo sa sarili mong mata?
-meron kang blanket na pwede kang maging invisible?

-yung laptop mo isa palang transformer? at yung cellphone mo ay isang decepticon?
-si Vice pala ang nanay mo? I mean sa kanya ka lumabas?
-nakita mo si Paolo Avelino sa personal tapos hinalikan ka niya sa lips?

-Paano kung yung crush mo ay isa pa lang multo?
-Paano kung ang isang pirasong buhangin ang magliligtas sayo sa kapahamakan?
-Paano kung naging asawa mo ang pinakagwapong lalaki sa buong mundo?

-Paano kung may lahi pala kayong aswang?
-Paano kung ang asawa mo ay nagtatransform into computer mouse?
-Paano kung nabubuhay ka pala sa ibang planet?

Ilan lang yan sa mga what if's na naitype ko. Share naman kayo ng what if's niyo. :)

(c) KATRIN JOY A. CIELO
https://www.facebook.com/kjcielo

No comments:

Post a Comment