Tuesday, June 11, 2013

#21. Medyo Magulo!

Dumating ka na ba sa puntong hindi mo alam kung sawa ka na sa tao o yung tipong ramdam mo  na parang hindi mo pala sya gusto. Yung tipong mapapatanong ka talaga ''Sya ba talaga yung gusto ko o may hinahanap pa ako?'' Well, una sa lahat, kapag pumasok na yang tanong sa isip mo o medyo ramdam mo na parang hindi na nagwoworkout at mawowork out pa, CONGRATS!! Ikaw ay nasa stage ng ''MEDYO MAGULO"!

"MEDYO MAGULO"-ito yung stage kung saan maraming pagaalinlangan, maraming problema, mahirap magdecide, madalas ang iyak, maraming tanong, madalas ang pagkatulala basta MAGULO!


Hindi ko alam pero at some point in our lives esp. couple, nakakaranas ng ganito. Minsan sawa na, wag naman dumating sa puntong nagsasama na lang dahil sa awa. Minsan naman, maraming cravings, maraming gusto na wala sa taong yun. Una, mahirap talaga sagutin yung mga tanong kanina, pero syempre hangga't hindi mo nakikita yung hinahanap mo sa taong yun, hindi ka masasatisfy sa mga sagot na nabubuo sa kung saan mo nabuo yung tanong mo. Minsan kasi hindi mo naman talaga alam sa sarili mo kung ano talaga yung gusto mo, hindi mo alam yung talagang hinahanap mo kasi basta alam mo lang sa sarili mo na may ''KULANG" pa. Hindi naman sa masyadong marami kang request, iilan nalang kasi yung lalaking handang magbago para sa taong mahal niya sa case naman ng gals, kadalasan marami talaga tayo. Hindi mo kasi basta basta pwedeng diktahan ang isang tao lalo na kung makatwiran at marunong sa buhay. Kasi nature na niya yan, hindi mo sya mababago agad. Pero ang maganda dito, at least if hindi kayo ang nagkatuluyan, alam na niya kung ano yung pwedeng maging problema nila nung sumunod sayo na mamahalin niya. Ang totoo kasi niyan ang lahat ng bagay at nangyayari sa mundo may dahilan, kaya kung talagang kayo talaga para sa isa't isa, kayo talaga at hindi pwedeng may epal, kailangan kayo ang bida.

Lahat pwedeng pag-usapan, lahat pwedeng idaan sa matinong usapan. Yung tipong kahit hindi man kayo maging maayos at least hindi na kayo MAGULO. Pag-usapan niyo yung mga bagay na talagang problema niyo bakit naging ganyan, isunod niyo nalang yung mga concerns after. Tapos nun, give chance to each other na magsalita. Hindi yung, SIGAW dito sigaw dun, sabay WALK OUT! Woah! Artista? :) Basta kapag hindi na masaya, mag-usap, irespeto ng isa't isa yung desisyon na mapaguusapan niyo. Para if ever na hindi na kayo magkatuluyan atleast hindi kayo magiging magkaaway pagkatapos. Masaya, masaya ang walang kaaway. Walang hassle, walang iniiwasan, walang burden, walang sakit. 


Kung nararamdaman mo na ang lahat ay parang hindi bumabagsak sa mga plano mo at hindi na nagiging maganda ang mga nangyayari, maaari kang magdasal. Bigyan mo yung sarili mo ng "quiet time" para makipagusap sa Panginoon. Kasi wala ng mas the best pa sa plano ng Panginoon. Kung hindi siya yung ibibigay para sayo, tandaan mo: MAY MAS BETTER pa kasi. Ang pag-aaway? Normal yan eh. Pero ang hindi  normal ay yung may involve na ibang tao. May ginagamit kang iba para i-test yung love situations niyo. Alam mo? Bata ka pa, wag kang masyadong magmadali sa mga bagay na ito, mag-aral ka muna. 


Always remember ''Every story has its happy ending" and kung hindi ka pa masaya, hindi pa yan ang ending. Huwag mo rin ikumpara yung LOVELIFE mo sa LOVELIFE na napapanuod mo sa mga pelikula kasi ang storyang yun ay sulat ng isang MANUNULAT at ang LOVE STORY mo ay gawa ng Diyos. Kaya unahin mo muna yung mga mas importanteng bagay sa mundo kesa yung love na yan, kasi MAGULO eh.


(c) KATRIN JOY CIELOhttps://www.facebook.com/kjcieloFollow me on Twitter:https://twitter.com/iamkjoycieloand on Tumblr:http://youngkaje.tumblr.com/email me @:katrella_09@yahoo.com09263809921


No comments:

Post a Comment