Monday, April 8, 2013

Tass noo!


Layo ng tingin ko no? Anyway, gusto ko ito ako ngayon. Alam ko malayo pa ang landasin ko at hindi biro ang aking mga pagdadaanan. Pero hangga't nandito ako taas noo kong haharapin ang bawat pagsubok na inihanda ng Panginoon para sa akin. Naniniwala kasi ako na kailangan ng isang tao ang mga hadlang, sakit, challenge at mga hirap sa buhay para maging matatag. Hindi ka tao kung hindi ka dumadaan sa mga maliliit at malalaking problema. Isa lang naman ang gusto ko sa buhay. "MAKATULONG". Isang salita na alam ko sa sarili ko na mgagagawa ko sa tulong ng mga nagmamahal sa akin, mga kaibigan, inspirasyon at siyempre sa tulong ng Diyos. Ang pagiging isang matapang, matatag na tao ay ang katangiang pinapangarap ko. Pilit kong aabutin yung mga pangarap ko sa buhay. Lahat tayo may pangarap, at bago mo marating yun, sabi ko nga, darating ka sa puntong gusto mo ng sumuko. Pero kapag dumating yung panahon na gusto ko ng sumuko, lagi ko lang aalalahanin na minsan lang ako mangangarap. Ang buhay maikli lang yan para sa mga bagay na gusto mong gawin. Ang buhay hindi yan nauulit pa kapag nawala. Kaya wag mo sasayangin. Dahil ang buhay, isa lang yan na pinakamagandang regalo ng Diyos sa ating lahat.


Kaya bilang isang matinong tao, gawin mo lang ng gawin yung mga bagay na makakapagpasaya sayo ng hindi ka nakakasakit ng ibang tao. Dahil hindi mo alam kung kelan kukuhain ng Diyos ang buhay natin. Lagi mong aalagaan ang sarili mo, lagi mong papahalagahan ang mga taong nandyan para sayo, Patawarin mo ang mga taong nagkasala sayo. Lagi mong ipagdarasal yung mga taong laging nananakit sayo at yung mga taong mahal mo. 

(c) KATRIN JOY A. CIELO

No comments:

Post a Comment